Ariane Nanlaki ang mga mata ko. Teka. Hindi ako makahinga! Masama ko siyang tiningnan sabay hablot sa tinapay na basta nalang niyang tinulak sa bibig ko. “Balak mo ba akong patayin?! Muntikan ng humiwalay yung ulo ko sa leeg ko kanina nung nag preno ka tapos ngayon eto?!” akma kong ibabato sana sa kaniya ang tinapay pero biglang tumunog ang tiyan ko dahilan para matawa ang kasama ko. Galit kong kinagat ang tinapay, sayang rin gutom na ako. Parang may kasamang sama ng loob ang bawat pag-nguya ko sa tinapay, sino ba kasing hindi? Diretso lang ang tingin ko sa daan na dinadaanan namin. Bigla kong naalala yung tanong niya kanina, hindi ko pa rin gets baka nalipasan siguro siya ng gutom. Camera o Stethoscope? Sinong timang ang magtatanong niyan? Pero…wait, WHAT?! Sandaling nanlaki

