Ariane "Pagnilahad ang damdamin, sana di magbago ang pagtingin," pagsabay ko sa kantang nakaplay sa radio ng kotse ni Cameron, papunta kami ngayon sa venue nung pictorial. Naka-play sa radio ang paborito kong kanta na pinamagatang Pagtingin by Ben & Ben. Sumasabay nalang ako sa kanta, hindi ako makapag head bang shutangerns 'tong leeg ko ayaw sumabay sa trip ko. Higit sa lahat sagabal sa trabaho ko, gusto kong kumuha ng litrato pero walaaaaa. Parang gusto kong magwala kapag naaalala ko ang kalagayan ng leeg ko. "Pahiwaaaatiiiiig Sana di magbagong pagtingin," sumabay na rin si Cameron at bahagyang natawa sa ginawa niya. "Iibig lang kapag handa na, hindi na lang kung trip-trip lang naman," pabiro kong itinuro si Cameron para siya naman ang kumanta sa susunod na linya ng kanta. Tiningnan

