Ariane
"Stop conyo talking Cameron," sagot ko naman sa kaniya, pero hindi ako nakatingin sa kaniya. Nakatanaw lang ako sa may bintana, masyadong mapang-akit ang pagmumukha ng conyong 'to, kapag tumitig ka wala ng bawian.
Once you stare there's no turning back. Ganern.
"Why? Are you finding it cute?" napataas ang sulok ng labi ko nang marinig ang sagot niya.
"Biglang lumakas yung aircon, ang hangin," sarkastiko kong sagot at napairap sa mahina niyang pagtawa, parang nagsisisi na tuloy akong tinanggap ko ang grasya na disgrasya pala.
Bigla na namang nag vibrate ang phone ko at nang tignan ko ito, napahilamos ako sa mukha ko sabay buntong-hininga.
Lerdine: Nakauwi ka na?
Lerdine: Ariane, sabi ni Rezelle wala ka pa sainyo.
Lerdine: Where are you?
Lerdine: Text me kapag nakauwi ka na. Take care always.
"Rezelle ang daldal," mahinang usal ko habang napahimas sa sentido ko, agad kong hinanap ang numero ng gaga at tinawagan ito.
"Hello, Cebu Pacific how may I help you ma'am?"
"Ang daldal mo Rezelle, walang hiya ka!" naiinis kong asik sa kaniya pero tinawanan lang ako ng gaga.
"Syempre nagpapalakas ako kay boss malay mo may dagdag ang sweldo ko HAHAHAHAHA."
"Ang yaman mo na, nangangarap ka pa rin na madagdagan ang sweldo mo? Hays. Alam mo namang ayaw na ayaw ko yung palaging nagtatanong kung nasaan ako at bakit hindi pa ako nakakauwi, sarili ko ngang ina hindi nagtatanong tapo---"
Bigla siyang sumingit dahilan para matigilan ako.
"Easy girl okay? Nag-aalala lang yung tao, at tsaka alam niyang hindi mo pa masyadong kilala yung kasama mo diyan o kung meron ka pa bang kasama kaya replyan mo kung anong ganap, wag masyadong pihikan gurl sige ka."
Napabuntong-hininga ako nang mapagtanto na may punto si Rezelle, "Okay, I gotta go may engkantong nakikinig."
At isang katangahan nga naman na sinabi ko sa kaniya na may nakikinig. Bakit ko nga ba nakalimutang dakilang chismosa pala ang babaeng kausap ko sa cellphone.
"Anong engkanto? Naglakad ka pauwi?"
"No, kasa---" nanlaki ang mata ko nang agawin ni Cameron ang phone ko.
"I'm with her, tell boss Lerdine na she's safe. Bye." He ended the call at iniabot saakin ang phone ko, agad ko naman itong kinuha sa kaniya at sinamaan siya ng tingin, what was that?
Hindi maipinta ang ekspresiyon ng mukha ko nang ma imagine ang reaksiyon ni Rezelle, nagmamadali akong nagtipa sa phone ko para I text si Rezelle na wag itong banggitin kay Lerdine, pero nanlumo ako nang makatanggap ako ng text galing kay Lerdine. Bago ko buksan ay message ay nagsalita ang kasama ko.
"Why don't you just tell him na you're with me? Anong mahirap dun?"
Napakunot ang noo ko. Bigla akong nakaramdam ng inis.
"Ano bang pakialam mo?" wala sa sariling sagot ko at binuksan na ang message na galing kay Lerdine. Naiinis lang talaga ako kapag maraming ganap na hindi umaayon sa gusto kong mangyari. Some people na nakakakita sa ganitong side ng ugali ko ay lagi akong tinatawag na moody at maikli ang pasensiya. Siyempre totoo naman iyon, pero nakadepende talaga sa taong nakakasalamuha ko.
Lerdine: I'm glad you're with Cameron, safe kang makakauwi.
I replied: Yeah, wag masyadong mag worry.
I heard Cameron clicked his tongue dahilan para mapatingin ako sa kaniya, he clenched his jaw na para bang naiinis sa naging sagot ko, inilihis ko ang tingin ko nang sumulyap siya saakin. Masyado siyang pakialamero, ikalawang pagkikita pa lang naming 'to tapos umasta parang matagal na kaming magkakilala? Ano ako magpapabebe dahil sa ganitong galawan niya?
Nah, I'm different from the other girls. Ayaw kong may nangingialam sa buhay ko, lalo't na't hindi ko pa masyadong kilala. Yung hiya na nadarama ko kanina sa office at pagpasok ko sa kotse niya kanina ay napalitan ng inis dahil sa iniasta niya.
Wala ng nagsalita pa saaming dalawa buong biyahe, ni hindi na nga siya nagtanong kung saan ako nakatira. Maybe he knows.
Napataas nalang ang kilay ko nang matanaw ko ang bahay namin. Alam nga niya. Agad kong inihanda ang gamit ko, isinukbit ko ang bag ko sa aking kaliwang balikat at mahigpit kong hawak ang camera ko. Nang tumigil ang kotse mga ilang metro mula sa bahay namin ay nangangati na ang kamay kong bumaba, tinanggal ko ang seatbelt na nakakabit saakin pero nadismaya ako nang hindi ko mabuksan ang pintuan ng kotse kaya agad ko siyang sinipat.
"Open it," usal ko.
Tumingin siya saakin at bumuntong-hininga, tinaasan ko siya ng kilay dahilan para umiwas niya ng tingin at may kung anong pinindot, narinig ko ang pag-click ng pinto kaya agad ko itong binuksan. Nang maitapak ko ang kanang paa ko sa labas ay nagsalita siya.
"I'm sorry for being nosy, goodnight." Tuluyan akong lumabas sa kotse niya, at sandali siyang tinignan.
"Salamat sa paghatid, goodnight," sagot ko sa kaniya sabay sarado sa pinto ng kotse niya at tinalikuran siya. Narinig ko pa ang malutong niyang mura bago niya binuhay ang makina ng kotse at umalis. Bakit nagmumura pa? Mga lalaki talaga, mahirap intindihin.
Naiiling akong naglakad papasok sa bahay namin. Dumiretso ako sa kusina dahil alam kong nandun si Mama at hindi nga ako nagkamali, kumikendeng-kendeng pa siya habang nagluluto sa mahina niyang tugtog, all-time favorite 'Dancing Queen'.
Kinatok ko ang dingding nang makalapit ako sa kaniya, kaya agad naman siyang lumingon saakin at nginitian ako, "Magbihis ka na, kakain tayo pagkatapos." Tumango ako at naglakad papunta sa kwarto ko.
Agad akong nagbihis at bumalik sa kusina at umupo na sa hapag kainan, malungkot kong tiningnan ang bakanteng upuan, hays.
"May nangyari ba sa unang araw ng trabaho mo? Tinawagan ako ni Rezelle kanina, hinahanap ka," pagsasalita ni Mama nang mapansin akong nakatitig sa bakanteng upuan, nilingon ko siya at umiling. Nadamay pa siya sa kabaliwan ni Rezelle.
"Nakita nila sa IG story na hindi pa ako umuuwi, nag-alala lang sila Ma," sagot ko habang kumukuha ng kainin at nilagay sa plato ko, sunod ko namang kinuha ang ulam na paborito ko, ampalaya.
"Sa susunod magsabi ka ha, para hindi kami masyadong mag-alala," napatigil ako sa pagsubo at tumingin kay Mama, malungkot niya akong nginitian. Bumuntong-hininga ako bago tumango. Napag-usapan namin ni Mama ang mga nangyari sa unang araw ko sa trabaho, pero hindi kasali ang tungkol kay Cameron hindi siya kasama sa major events, hindi nga ba?
Pagkatapos naming kumain ay ako ang naghugas sa mga pinagkainan, hindi ko alam kung gaano katagal akong naghugas.
Lutang ako, palagi.
Naglakad na ako patungo sa kwarto ko, nang madaanan ko ang kwarto ni Mama ay nag 'good night' ako sa kaniya, hindi na siya nakasagot siguro nakatulog na o busy sa mga tinatapos niyang trabaho.
Pabagsak akong humiga sa kama ko nang makapasok na ako sa kwarto ko, taimtim ako nakipagtitigan sa kisame. Hindi na siguro maganda 'tong naging ugali ko na hindi iupdate si Mama kung nasaan ako, naging ganito ako nung pumanaw si Papa.
Since then, ayoko na laging ipinapaalam kung nasaan ako. Ewan ko ,pero habang tumatanda tayo unti-unti na rin nating napapagtanto kung ano ang epekto ng mga nakasanayan nating ugali sa mga taong malapit saatin, nakakapagod maging isang adult sa bawat pagbabago ng numero sa edad mo, marami ring nadadagdag na aalahanin sa buhay mo. Siguro nga kaya nasasabi ng marami na, as we grow older, life gets boring. Nagiging boring para sa iba kasi hindi na natin nagagawa yung mga nakagawian natin dahil sa mga responsibilidad na kailangan nating gampanan sa buhay natin.
Ba't ang tanda ko mag-isip ngayon?
Kulang lang siguro ako sa tulog.
Napahawak ako sa leeg ko nang bumangon ako kinabukasan, anong posisyon ba ako natulog at nagka stiff neck ako? Aysh ang gandang bungad sa umaga!
Pinanliitan ako ng mata ni Rezelle nang makapasok ako sa kotse niya, sinundo nila ako ni Maxine. Syempre sila ang may kotse no, alangan ako mag compute papunta sa kanila?
"Good morning," bati ni Maxine.
"Good morning din, mabuti ka pa bumabati ang isa diyan pinanliliitan agad tayo ng mata gusto yatang baliin ko ang leeg niya nang maramdaman niya ang sakit na meron sa leeg ko ngayon." Tumawa lang si Rezelle sa sinabi ko.
"Stiff neck?" tanong ni Maxine, agad naman akong tumango.
"May dispenser naman siguro sa office diba? Magha-hot compress ako mamaya," siya naman ang tumango sa sinabi ko.
"Ano nga palang ginawa niyo kahapon sa first day niyo?" curious kong tanong, pero napakunot ang noo ko nang biglang namula si Maxine at umiwas ng tingin, eh? Lumalandi na rin ata ang lola Maxine natin.
Samantalang tumawa lang si Rezelle sa naging reaksiyon ni Maxine, "Mukhang may nanakawan ng halik kahapon ah," sabay sipol.
Ah nanakawan ng halik. So, hindi landian. Hindi nga ba?!
Agad nanlaki ang mata ko at tinignan si Maxine, "Totoo ba? Paano? Saan? Kailan? Sino? Masarap gurl?" sunod-sunod kong tanong pero wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya, tinignan ko naman si Rezelle na nagkibit-balikat habang mahinang tumawa.
Alam niya ang ibig sabihin ng tingin ko, gusto ko ng tea!
"Ikaw ba Rezelle anong nagyari sa first day mo?" mabuti pang siya nalang ang tanungin ko kaysa babaeng hindi matago ang kilig, sanaol pinakilig.
"Broken hearted ako no! Huhuhu," pabirong umiyak ang gaga habang nagmamaneho.
"Bakit naman? May jowagurl ang papabels na type mo?"
"Okay sana kong jowagurl eh! Pero jowaboy!!! Anong laban ko 'ron?! Ang gwapo sana pero gwapo rin ang gusto! Aysh!!" bigla niyang pinaghahampas ang busina agad naman akong napatakip sa tenga ko.
Umaga pa lang pero pagod akong naglakad papasok sa building, hindi kasama ang dalawa kasi hindi office works ang gagawin nila ngayong araw. Hope all.
Habang nasa loob ako ang elevator, nag-iisa, naiiyak kong hawak ang masakit kong leeg. Nang bumukas ang elevator, bumungad saakin ang preskong mukha ni Lerdine na kasama ang kaniyang secretary.
"Good morning sir," usal ko nang makalabas ako sa elevator.
"Good morning Ariane," bati niya pabalik at agad na pumasok sa elevator, may maagang lakad 'ata.
Tinahak ko ang landas papunta sa desk ko at inilagay dun ang mga gamit ko. Nagpunta ako sa mini cafeteria at nagtungo sa dispenser, kumuha ako ng mainit na tubig at pumunta ako sa malapit na lababo.
Binasa ko ang panyong dala ko at inilapat ito sa masakit na parte ng leeg ko.
"Aysh!! Panirang leeg 'to," daing ko.
"Good morning?" biglang may nagsalita sa tabi ko, syempre hindi ko siya malingon masakit ang leeg ko.
"Opo, good morning," sagot ko naman at tinanggal ang panyo na nakalapat sa leeg ko, binasa ko ito ulit at muling inilapat sa leeg ko.
"Huuuuu pwedeng nang baliin ang leeg na'to!" pabulong kong sabi sabay buhos ng mainit na tubig sa lababo at tinapon ko yung disposable cup sa trash bin sa ilalim ng lababo.
Tinalikuran ko ang lababo, pero nakaharap na naman ako sa isang gwapo.
"Stiff neck?" tanong niya.
Tumango lang ako at nilampasan siya, naglakad ako papunta sa desk ko at umupo. At dahil magkatabi lang naman kami ng desk ay sumunod siya saakin at nag-aalala akong tiningnan.
"Paano ka makakakuha ng litrato niyan?" gustong maiyak nang marinig ang sinabi niya, ngayong araw nga pala kami lalabas para kumuha ng mga litrato, grabe ang swerte ng araw ko!
"Pwede naman siguro, titiisin ko na lang. Kaysa portfolio na naman ang aatupagin ko," sagot ko sa kaniya habang hawak-hawak ang noo ko, ngayon mas gusto kong baliin ang leeg ko, damn! Gala na, naging bato pa.
"No," sagot niya kaya agad ko siyang liningon kasabay nito ang pagdaing ko.
"Araaay," narinig ko pa ang paghagikhik niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You’re going with me but you don’t need to take pictures. Just observe what I’m doing para malaman mo kung paano tayo nagtatrabaho in reality," eh? Mukhang nakuha niya na hindi ko gets ang sinabi niya kaya muli siyang nagsalita.
"May client na naka assign saakin, debut pictorial. Since you’re new to this kind of job you're just gonna watch me how to dog—este how to take photos, since yung mga nakasanayan mong kunan ng litrato ay sceneries lang. Once you enter this kind of job, you don't settle on what you want to capture, you need to adjust yourself to satisfy your client, naintindihan mo my point?" napairap ako sa mga huling salita niya, okay na sana yung explanation eh, hindi ko lang kuha kung bakit may pa conyo tung lalaking 'to.
"Yes Cameron, naintindihan ko your point." Sarkastiko kong sagot.
"Good. Now let's go," sagot niya at nagsimula ng magligpit ng gamit niya.