Ariane
Eh?
Napatingin ako sa kaniya na busy sa pagpili ng inumin. Hindi lang siguro tama ang pagkakadinig ko.
Hmmm. Whatever.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong maglakad pabalik sa table ko, nang nagsalita sya ulit.
Kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Hindi ba kukuha ka ng inumin?"
"Ah hindi na pala nangangati ang lalamunan ko, tatapusin ko na ang trabaho ko," sagot ko at nagpatuloy na naglakad, pero hindi pa lang ako tuluyang nakakalayo ay narinig ko ang dapat bulong niya.
"Nakausap lang si Lerd, nawala na ang pangangati sa lalamunan? Weird."
Mama mo weird.
Ha! Iba rin ang saltik ng lalaking 'yon. Gusto ko lang naman matapos na yung mga ipinapagawa niya para makauwi na ako. Nararamdaman ko kasing bigla akong nalihis ng landas kanina, mabuti na lang at dumating si Lerdine.
Lerdine ang tuwid na daan. Tsar.
Nakahawak ang kaliwa kong kamay sa noo ko habang nakasandal ang siko ko sa mesa, sumasakit na ang ulo ko kakatingin sa sandamakmak na litrato nakakahilong tignan. Parang ilang bansa na rin ang nalibot ko kakatingin sa mga litrato na galing sa iba't ibang portfolio. Ilang portfolio na ang natapos ko pero hindi pa rin nakakabalik si Cameron, saan naman kaya nagpunta yun?
Bigla akong napatingin sa cellphone ko dahil umilaw ito, text galing kay Maxine.
Maxine: Ari, nakauwi ka na ba? Nag-aaya si Rezelle ng dinner, masaya ang tuko *face palm emoji
"Sana lahat masaya," usal ko sabay buntong hininga, napahawak ako sa leeg ko sabay nag-unat. Sa wakas natapos na ko na ring tingnan ang mga portfolio. Payapa at masaya na akong makakauwi ngayon. Napakurap ako nang mapagtanto kung anong oras na. Hanggang 5 pm lang yung duty namin pero ako na lutang 5:37 pm na nandito pa rin. Hardworking yan?
Pero sa totoo lang kanina pa talaga akong uwing-uwi pero palagi naman akong sinisita ni Cameron na ipagpatuloy ang magtingin sa mga litratong nasa portofolio, hays. Napatingin ako sa paligid. Damn, wala ng tao hindi ko man lang napansin na nagsialisan na sila? Masyadong focus ang pag-iisip ko na matapos ko ang sandamakmak na portfolio at nagbabakasakaling bukas ay lalabas kami.
Sa ikalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga ako at nagsimula ng iligpit ang mga nakabukas na portfolio, inayos ko ang pagkaka pile nito. Nakarating ang busy kong kamay ang nananahimik kong camera kaya naman binuksan ko ito at tumingin-tingin sa mga litratong nakuha ko. Kinuha ko ang cellphone ko nang may pumasok na ideya sa isip ko, I took a photo of my clean and well-arranged desk at iniupload ito sa Inisagram story ko with a caption:
First day, first overtime. Charaught >_"s**t!" malakas kong tili bago, nagsimulang kuhanan ng litrato ang paglubog ng araw.
Kahit araw-araw ko pa titigan ang paglubog ng araw hinding-hindi ako magsasawa. Kahit pa sabihin nilang adik ako sa paglubog ng araw, okay lang talaga! Mas okay na adik sa paglubog ng araw, keysa naman maging adik sa’yo ayiieee. Landi.
Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang maisip na merong rooftop dito. Halos maglulundag ako habang naglalakad papunta sa pinakamalapit na elevator at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad akong sumakay. Mabilis ang t***k ng puso ko dahil sa excitement, alam ko magiging maganda ang view doon dahil mataas ang gusaling ito. Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas, masaya kong inakyat ang hagdanan bago ako nakarating sa pintuan.
Binuksan ko ito at agad akong binati ng malamig na simoy ng hangin. Nilandas ko ang rooftop at pumikit upang damhin ang malumanay na hangin, I flipped my hair which is dancing along with the wind. Nakangiti akong dumilat at hindi nga ako nagkamali, isang magandang tanawin ang bumungad saakin. Nakangiti kong itinutok ang aking camera sa palubog na araw, naghahalo ang kulay kahel at pink na kulay ng langin, kapag ganito daw ang kulay ng langit ibig sabihin mainit ang panahon ngayong araw.
Narinig ko sa lecture namin nung high school, yung tungkol sa kulay ng rainbow.
"Damn!" tili ko ulit at nagpapadyak sa saya. Panay pa nga ang pagtunong ng hindi kataasang heels na suot ko dahil sa pagpadyak ko.
Naglakad ako papalapit sa edge ng building. I carefully sat on the floor malapit sa railings, at enjoy na enjoy kong tinatanaw ang iba't ibang establishemento na makikita ko. Nakanguso kong tinignan ang mga nakuha kong litrato.
This is life!
Napabuntong hininga ako bago ko inilapag ang camera ko sa tabi ko, sinapo ng dalawa kong kamay ay mukha ko at nakangiting tinitigan ang araw na namamaalam na. Ang paalam na gustong-gusto ko. Kahit pa nakakabagot at nakakapagod ang magiging trabaho ko rito sa kompanya ni Lerdine, pero kung ito ang makikita ko sa tuwing matatapos ang trabaho ko ay okay lang.
Napapikit ako ulit para damhin ang simoy ng hangin pero agad rin naman akong napadilat nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko. Kinuha ko ito at bumungad saakin ang messages sa Inisagram, dahil sa story ko.
Rezelle: Hardworking ka sis ah! Siguro bet mo yung kasamo diyan kaya hindi agad gusto umuwi HAHAHA
I replied: Baka ikaw ang ayaw umuwi o sabihin na nating gusto mong iuwi yung kasama mo
Umirap ako sa naging reply niya. Ang harot talaga.
Rezelle: Anong gusto iuwi? GUSTONG-GUSTO kamo HAHAHAHA
I replied a disgusting emoji
At mahinang humagikhik. Yan lang talaga ang mapapala niya saakin kung landian lang ang pag-uusapan.
Sunod ko namang binuksan ang message ni Maxine.
Maxine: Uwi ka na daw, maghuhugas ka pa ng pinggan
I replied a pouting emoji at agad naman siyang nagreply.
Ang KJ ha.
Maxine: BTW uwi ka na kapag natapos ka na jan, maggagabi na. Take care
I smiled and I replied a heart emoji.
At nang bumalik ako sa ibang messages para tignan ko sino pa ang nagreply sa story ko, napasampal ako sa noo ko nang mabasa ang message ng boss ko, si Lerdine. Sunod-sunod ang pagdating ng kaniyang mga mensahe.
Naku! Magpapalusot na naman ako.
Lerdine: Hindi ka agad pinauwi ni Cameron, Ari?
Lerdine: Don't exhaust yourself
Lerdine: Go home, it's an order as your boss
Lerdine: Sunduin na kita dyan? Baka mapano ka pauwi.
Lerdine: Ariane? Please reply ASAP.
Nakita ko ulit na typing siya kaya nagmamadali akong nag-type ng reply sa kaniya.
I replied: I'm on my way home na Lerd, don't worry.
Nang masend ang message ko sa kaniya ay sandaling nawala yung typing, at nagreply na siya.
Lerdine: Okay, take care always.
I replied: Thank you.
Akala ko ba may meeting siya. Tapos na kaya? Siguro nga madali lang matapos ang dinner meeting.
Itinutok ko ang cellphone ko sa palubog na araw, I extended my left hand na para bang inaabot ang araw habang ang kanan kung kamay ang nagclick. Ini upload ko ulit ito sa IG story ko, with a caption:
I won't go home without you
I locked my phone, mamaya na ako magrereply sa mga magmemessage ulit. Ganun talaga maraming followers sa Inisagram, maraming mga nagrereply sa story ko. Mga 5 sila.
Nang maalala kong kailangan ko ng umuwi ay malungkot akong tumayo, pinagpagan ko ang pwetan ko at pinulot ko ang camera ko, sabay buntong-hininga habag nakatingin sa sunset bago ko ito tinalikuran at naglakad papunta sa pintuan papasok ulit sa building, bagsak ang balikat ko habang bumababa sa hagdanan hanggang nakarating ako sa elevator at nagitla ako sa taong nasa tapat nito.
"Cameron?" tawag ko sa kaniya at agad naman itong napalingon saakin napatigil siya sa pagpupunas sa leeg niya, nung una nakita ko kung paano siya nagulat pero napa-smirk din siya at tumingin sa pintuan ng elevator at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa pawis niya sa leeg.
"Our boss texted me, kung bakit hindi ka pa daw umuuwi."
Napangiwi ako nang marinig siya, nasa tabi na niya ako habang hinihintay naming bumukas ang elevator. Amoy na amoy ko siya, kahit pinagpapawisan ay mabango pa rin siya. Pareho kaming tahimik at nang bumukas ang elevator ay agad kaming sumakay, syempre tahimik pa rin. Hindi ko na matiis ang katahimikan kaya binuksan ko nalang ang camera ko at tinignan ang mga larawan na syang nagpangiti saakin.
"Lalabas tayo bukas," napalingon ako sa kasama ko nang magsalita ito.
Lalabas? Kaya napakunot ang noo ko.
"Lalabas?" napalunok ako nang tumango siya. Parang ang bilis naman ‘ata. Hinay-hinay lang po. Kaya nag-follow up question ako para masigurado.
"As in D-date?" umasim naman ang ekspresiyon ng mukha niya at imbis na sagutin niya ako ay pinitik niya ang noo ko.
"Seriously Ariane?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay, napahimas naman ako sa noo ko habang dinaramdam ang hiya.
Isang babae na naman po, ang nag-assume at napahiya! Putragis na bibig ‘tong meron ako.
Hindi na ako nagsalita o tumingin pa sa kaniya, sobrang nakakahiya!
Laking pasasalamat ko nang bumukas ang elevator kaya nagmamadali akong lumabas at patakbong naglakad pamunta sa desk ko, agad kong inilagay ang camera ko sa lagyanan nito at isinukbit ko ang bag ko sa balikat ko. Nagmamadali akong bumalik sa elevator para makababa na at umuwi.
Hindi pwedeng makita ko pa si Cameron, pagkatapos nung sinabi ko kanina?! Hell no! Impyerno hindi!
Tama na yung kakahiyang natamo ko ngayong araw. Napahinga ako nang maluwag nang unti-unting sumasara ang pintuan ng elevator pero napakagat labi ako nang may kamay na humarang nito, dahilan para bumukas ito ulit.
Tumambad saakin ang hinihingal at galit na mukha ni Cameron, agad akong umiwas ng tingin.
"Wow, dingding," bulong ko habang nakatingin sa dingding ng elevator.
"Bakit you make me habol you, tsk." Napalingon ako sa sinabi niya, conyo speaking?
For real Cameron?!
Napagtanto niya rin ata yung sinabi niya nang bigla siyang napahawak sa bibig niya at umiwas nang tingin saakin. Hmmmm? Nabaliktad ata ang sitwasyon, ako yung dapat umiiwas eh.
Tahimik kami pareho sa loob ng elevator. Sa mga ganitong pagkakataon parang nakakabaho ng bibig kapag nagsalita ka, sa susunod ay sasama na ako kina Maxine talaga kapag uuwi sila. Wala ako sa tamang pag-iisip kapag ako lang mag-isa. Bumukas ang elevator kaya agad kong nilandas ang glass door palabas ng building at dun ko na nga napagtanto, medyo madilim na, hindi ko pa naman alam kung saan ang sakayan ng jeep dito, masyadong mahal kung mag tataxi ako.
Nararamdaman ko na rin ang p*******t ng paa ko sa suot kong sapatos ngayon. Napatingala ako sa langit at tahimik na nagsisi kung bakit hindi ko tinawagan si Rezelle para sunduin ako dito. Napatuwid ako nang tayo nang makapagdesisyon ako na maglalakad ako hanggang mahanap ko kung saan ang sakayan, narinig ko kanina sa mga katrabaho ko na may malapit na sakayan dito. Hindi ka makakauwi Ariane kung tutunganga ka lang dun. Napatingin ako sa paligid, ako nalang mag-isa kaya nagsimula na akong maglakad pero nakalundag ako nang may biglang bumusina sa likuran ko, paglingon ko agad akong napapikit dahil sa ilaw ng kotse.
"Hey babae! Sasakay ka o sasagasaan kita?!" rinig kong sigaw ng driver ng kotse na bumusina na si Cameron.
Nalukot ang mukha ko ako nang marinig ang sigaw niya, pero syempre hindi na ako tumanggi sa alok niya no, sabi ni Mama hindi maganda ang tumanggi sa grasya. At dahil maganda naman ako, tatanggapin ko ang grasya.
Naglakad ako papunta sa kotse niya at umupo sa may backseat, nang maisara ko ang pinto ay nagsalita si Cameron.
"Do you think Driver mo ako? Dito ka beside me umupo." Utos niya.
"Cameron, okay lang ako dito. Tara na," sagot ko naman habang busy sa pag-aayos sa kinalalagyan ng gamit ko.
"Lilipat ka o bababa ka?"
Nang marinig ko iyon ay padabog kong pinulot ang gamit sabay binuksan ang pinto sa backseat, binuksan ko ang pintuan ng passenger seat, umupo ako at padabog na isinara ang pinto. Tinignan ko si Cameron.
"Happy na you?" hindi siya sumagot at inirapan ako. Aba't!
Pinatakbo na niya ang kotse at hindi na niya ako tinapunan ng tingin. Syempre okay lang saakin no, ayaw ko sa atensiyon ng conyong lalaking 'to. Pero biglang bumara ang laway ko sa lalamunan ko nang magsalita siya ulit.
"Yeah, happy na me."