7

1890 Words
Ariane Malapit ng mag 5 pm, pero heto pa rin ako tumitingin tingin sa sandamakmak sa portfolio, ito ang trabaho ko sa unang araw. Nakapikit akong nag-unat sabay kamot sa batok ko. Heeeeh hindi ito ang expectation ko sa trabaho na gagawin ko, damn gusto kong maglalalabas. Para tuloy akong bumalik sa mga panahong nag-aaral ako ng mga pwedeng anggulo kapag kumukuha ng litrato. Napatingin ako sa lalaking katabi ko na panay ang magtitipa sa kaniyang laptop. Pagkatapos nung sabay naming pananghalian ni Lerdine, pagbalik ko sa table na pinagtatrabahuan namin ay ibinagsak ng lalaking ito ang sandamakmak na portfolio sa harapan ko sabay sinamaan ako ng tingin. Ano na namang atraso ko sa lalaking ‘to? Sinubukan ko namang mag-sorry sa kaniya dahil sa hindi ko pagsama sa kaniya sa canteen. Pero umuurong talaga ang dila ko kapag nagtatagpo ang paningin namin. Tingnan ka ba naman na para bang ang laki ng galit niya sa’yo. Photographer ako kaya gusto ko sanang kumuha ng mga litrato kaya nagreklamo na ako kay Cameron. Bakit ba ang dami niyang pinarereview na mga portfolio saakin? Hindi naman ako sasabak sa isang contest. "Cameron, gusto kong kumuha ng mga litrato, hindi man lang ba tayo lalabas?" reklamo ko napatigil siya sa pagtipa sa kaniyang laptop at sandali tinapunan ako ng tingin. "Nagrereklamo ka?" tanong niya pabalik saakin, napangiwi naman ako dahil sa naging tugon niya. Hindi masungit. Sobrang sungit kamo. "Ang dali-dali lang ng trabaho mo nagrereklamo ka pa, magpasalamat ka nalang at hindi mabigat ang trabaho mo, para rin naman yan sa'yo," pagpapatuloy niya. Pero hindi ako tinatapunan ng tingin dahil busy na busy sa kaniyang laptop. Nag-evolve na rin ba ako bilang isang hangin? Parang hindi niya naman ako nakikita eh. Bahala na nga siya. I sigh as a sign of defeat, "Nagtatrabaho ka Ariane bakit puro ka reklamo, naku malalagot ka kay Lerdine kapag narinig niya ang pagmamaktol mo, tumahimik ka boba," pabulong kong sabi sa sarili ko pero naramdamn ko ang masamang titig ni Cameron kaya naka-angat ang sulok ng labi ko nang tumango sa kaniya. Halos mahulog ang labi ko sa pag-nguso nang ibinalik ako ang atensyon ko sa sandamakmak na portfolio nasa mesang kaharap ko. Hindi naman sa ayaw ko sa trabahong ginagawa ko, nababagot lang ako. Dahil hindi ito ang trabahong inimagine ko na gagawin ko sa unang araw ng trabaho ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagtingin ng mga litrato, may point rin naman siya kasi madadagdagan ang kaalaman ko at style ko sa pagkuha ng litrato sa iba't ibang anggulo, pero nangangati talaga ang kamay ko kapag hindi ako nakakuha ng litrato sa loob ng isang araw. May mga ibang litrato na alam ko kung saan, merong sa isang sikat na farm dito sa lugar namin, nandito din ang litrato ng abalang palengke, city lights, maski patak ng ulan, clear water in a puddle reflecting the things above it, stars at night. Tsk alangan stars at day diba? At higit sa lahat sunrise at sunset isa sa mga paborito ko. Wala sa sarili akong napangiti habang nakatingin sa mga litrato, may litrato ng sunset na sa pagtatantya ko ay anggulo galing sa dati naming paaralan sa may rooftop, kasi madalas rin ako dun. Makikita mo ang ibang kabahayan at ang pagkakabuhol-buhol ng kable ng kuryente na nasisinagan ng ginintuang kulay. Syempre may litrato rin ng sunset sa paborito kong lugar, may signature pa sa may ibabang bahagi ng litrato kaya sinikap ko itong tignan at napataas naman ang sulok ng labi ko nang mabasa ang nakasulat. Kuha niya siguro 'tong mga litratong nandito. May mga nakita rin kasi akong litrato na kuha sa mga lugar sa ibang bansa, hmmmm edi siya na nakaka-pagtravel. Hindi rin nakapagtataka na agad siyang kinuha ng kompanya pagkatapos niyang gumraduate, sanaol. Nawa'y lahat. Akalain mo yun. Kapag mayaman ka tapos dedicated ka talaga sa passion mo sa buhay ay malayo talaga ang mararating mo. "Why are smiling and frowning at the same time?" biglang tanong ng nilalang na kasama ko pero hindi pa rin nakatingin saakin habang nagsasalita nang lingunin ko ito. Wala sa sarili akong napanganga dahil sa pagtataka at hindi nakapagpigil ang bibig ko na magsalita. Baka may mata ‘to sa likod. "Owl ka ba?" Shet na malagket Ariane? Okay ka lang? "What’s with the pick-up lines?" tamad nilang tanong pabalik. Pero napahigit ako ng hininga nang tinignan niya ako sabay nagpalumbaba sa mesa niyang punong-puno ng mga papel, sheyt na malagkeeet ulet. Parang nahiya tuloy ako dahil sa kabobohang meron ako. Seryosong nagtatrabaho yung tao tapos biglang babatuhin ng pick up lines? Sabaw na naman siguro ang utak ko. Napasimangot ako, "Tanungin mo ako kung bakit para pickup line na sya," sa pagkakataong ito ako naman ang hindi makatingin, nakatingin ako sa mga litrato o sabihin na nating tumitingin nalang ako sa mga litrato na nasa portfolio at panay ang paglunok, ikaw ba naman pakatanggap ng nakakatunaw na titig. "Bakit?" Atumatiko akong napatingin sa kaniya at hindi makapaniwala sa narinig ko, damn akala ko ba galit 'to. Sumasabay ‘ata sa trip ko. Umarko ang makapal niyang kilay na para bang naghihintay sya sa sagot ko. "360 degrees yung paningin mo, kahit hindi ka nakatingin nakikita mo kung anong reaksiyon ko," dire-diretso kong sagot at bigla naman siyang napapigil ng tawa sabay lihis sa kaniyang tingin. Tila nabilaukan ako sa hiya nang mapagtanto ang sinabi ko. Did you just tell him na tinitignan ka niya?! Ariane! Nasa tamang pag-iisip pa kaya ako? Wala sa sarili akong napatayo at tinalikuran sya sabay naglakad pero agad rin akong napatigil nang tumikhim siya. Kailangan kong makalayo sa kaniya baka bigla na lang ako bumagsak sa sahig dahil sa hiya. "Where are you going? Hindi pa tapos yung trabaho mo." Hindi ko siya liningon pa nang sumagot ako, "N-nangangati lalamunan ko, k-kuha lang ako ng maiinom." Agad akong naglakad papunta sa pinakamalapit na vending machine at nang makarating na ako agad akong napahawak sa gilid ng machine gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanang naman ay nakahawak sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya ang pagtambol ng dibdib ko. Napairap ako nang biglang bumalik sa isip ko ang mga pinagsasasabi ko. Putcha naman 'tong bibig ko, mag jojoke na nga lang pasmado pa. Napatungo ako sabay buntong-hininga at nagsimula nang maglakad papunta sa hulugan ng coin, pero naalala ko yung mga mata niya na nakatitig saakin na para bang tinititigan yung misyong kaluluwa ko biglang nanghina yung tuhod ko. Akala ko sa sahig na ang bagsak ko dahil ako lang naman mag-isa ang nandito, hinahayaan ko na lang na bumagsak ang sarili ko. Minsan talaga sa pagbagsak mo mapapagtanto ang kamalian mo. So, kasalanan pala talaga kapag pasmado ang bibig? Anong klaseng dasal kaya ang pwede kong gawin para mawala ang katangian kong ito. Pero laking gulat ko nang may humapit sa beywang ko kaya ako akong lumingon para malaman kung sino ito. Mas lalong nagwala ang puso ko nanag magtagpo ang tingin namin. Gaya kanina ganun pa rin ang titig niya, "Okay ka lang?" simpleng salita pero para akong kinuryente nang marinig ang sinabi niya, napalunok ako habang nakatitig sa kabuuan ng mukha niya. Teka ganito yung nababasa ko required ba talaga na tumitig sa bawat detalye ng mukha kapag nagkakalapit kayo? Tapos habang nagtititigan kayo ay may urge na gusto niyong halikan ang isa't isa. Hooooooo huh? Hindi ako ready. Hindi ako nakapag-mouthwash. Bigla akong napaatras nang mapagtanto ang iniisip ko, sabay ngiwi yung ngiwi na parang nakakain ka ng hindi maganda, ganun! Hindi naman sa nandidiri ako kay Cameron ha, nandidiri ako sa sariling pag-iisip masyadong assuming. Like duh, Si Ariane hahalikan ng isang lalaki? Isang malaking pagkakamaling desisyon niya sa buhay iyon. Napaigtad ako nang hapitin niya ako papalapit sa kaniya. Damn kaya nga ako lumayo diba?! Ano ito take two?! Ayoko nang masyadong nagkakadikit ang katawan natin baka bigla akong mag explode. Titig na titig pa rin siya saakin, ganun din ako sa kaniya. Damn bakit ganito ka gwapo ang mukha niya sa malapitan, makapal na kilay na agad mong mahahalata kapag tumataas ito, matangos na ilong na pwede itusok sa balloon para pumutok ito, jawline na parang kutsilyo ay sobra naman yang kutsilyo at mayroon din siyang moles sa mukha niya na ngayon ko lang napansin, may pagkamoreno kasi siya kaya hindi agad ito napapansin. Narating ng titig ko ang manipis niyang labi dahilan para mapalunok ako. Gusto kong maiyak nang maalala ko ulit yung iniisip ko kanina. Damn wag titigan ng matagal. Remember hindi ka nag-mouthwash gurl. Mouthwash muna bago landi. Mouthwash is a must. Bumalik ang mga mata ko sa pagtitig sa mala kape niyang mata. At doon ko naramdaman na mas bumilis ang t***k ng puso ko. Aatakihin ba ako? Nakita ko yung paano lalapat ang kaniyang palad sa pisngi ko, mas lalo akong nabahala sa t***k ng puso ko, ano ba! Mas lalo akong nataranta nang makaradam ako ng kurente sa pisngi ko. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko nang magsalita ito. "Anong gamot sa mabilis na pagtibok ng puso?" pabulong kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya, nakita ko kung paano kumunot ang noo niya. Now, Ariane. Pinahiya mo na naman ang sarili. Itapon mo na lang kaya ang utak mong mala-monggo? "Huh?" usal niya. "Ari?" nagulantang ako nang may tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming napaiwas nang tingin at binitawan na rin ako ni Cameron, parang walang nangyari siyang naglakad sa tapat ng vending machine at naghulog ng coin. Nilingon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko, si Lerdine. Iilang dipa lang ang layo niya saamin, kaya lumapit nalang ako sa kaniya, bilang respeto. Hindi naman kaaya-aya na magsigawan kaming nag-uusap dahil ang layo namin sa isa’t isa. "P-po?" tanong ko pabalik sa kaniya napasmirk siya nang marinig niya ang po ko, palipat-lipat ang tingin niya saamin ni Cameron pero tumigil rin ito nang mapagtanto na tinitignan ko siya. "Uhmmm tapos na ba yung trabaho mo?" parang naiilang na tanong niya saakin. Bigla ko namang naalala yung sandamakmak na portfolio sa desk ko. Gusto kong maiyak nang mapagtantong marami-rami pa nga iyon. "Hindi pa po sir, may ilang portfolio pa po akong irereview," magalang ko namang sagot. He looked hesitant at first pero ngumiti nalang siya saakin. Kaya ganun nalang rin ang ginawa ko kahit na alam kong may gusto pa siyang sabihin. "O-okay you're working hard on your first day Ari, I'll go ahead may dinner meeting pa akong pupuntahan," sagot niya saakin na ikinatango ko. Tumingin naman siya kay Cameron na busy sa vendo machine. "Take care of her Cam, I need to go." "Yes sir," sagot ni Cameron. Bumalik ang tingin ni Lerdine saakin, "Text me kapag nakauwi ka na," hindi agad ako nakasagot sa kaniya huli na nang tinalikuran niya kami at nagsimula ng maglakad papalayo saamin. Nang mawala siya sa paningin ko agad akong napahilamos sa mukha ko kasabay nito ang malalim na buntong-hininga. Pakiramdam ko kailangan kong ipaliwanag kay Lerdine iyong nakita niya, kahit hindi niya ipahalata alam kong nakita niya kaming dalawa ni Cameron. Kahit na matagal ko ng sinasabi sa kaniya na hanggang kaibigan lang kami ay nasasaktan ako sa ideyang hindi ko maibigay pabalik sa kaniya ang affection na ibinibigay niya saakin. "Kahit hindi niya sabihin, I'll take care of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD