Ariane
“Shota ang tagal mo gurl,” bungad saakin ni Rezelle na nasa front seat habang si Maxine naman yung nagda-drive. Mga 5 minutes nga lang ako nagpahintay sa kanila.
What an impatient girls.
“Sorry naman, hindi kasi ako nakatulog agad kagabi,” pagdadahilan ko sabay suklay sa buhok ko, oo ngayon pa ako nagsulay dahil nagmamadali ‘tong dalawa halatang excited.
Yung agahan ko nga hindi ko natapos, niluto pa naman ni Mama yung paborito kong ulam. Tapos hindi ko naman pala ma-eenjoy na kainin. Kasalanan ko bang ang aga nilang dumating, papagalitan pa ako kasi pinaghintay ko sila. Hays. No choice ako, nakikisakay lang ako sa kotse nila kaya no more reklamo.
Makahulugan naman akong tiningnan ni Rezelle mula ulo hanggang paa, “Baka may kahalayan kang ginawa kagabi, hmmmmm hindi na nagtuyot?” sabay hagikhik kaya binato ko siya ng bottled mineral water pero tumawa lang siya.
Ang gaga-aga kahalayan na agad ang lumalabas sa bibig niya. Agahan niya ata ang ganiyang mga salita, napairap nalang ako nang maisip ‘yon. Nakasuot ako ngayon ng high waist jeans, white blouse na v-neck, blazer na kulay brown at heels pero hindi naman masyadong mataas, tinali ko yung buhok ko into ponytail, may komportable ako kapag ganito tsaka naglagay ng liptint konti. Hindi ako mahilig sa mga kolorete at hindi rin naman ako marunong maglagay ng kolorete sa mukha, polbos at liptint okay na. Trabaho naman ang pupuntahan ko hindi beauty contest kaya okay lang.
May pinag-usapan sina Maxine at Rezelle pero hindi na ako nakinig, bumaling nalang ako sa bintana nang maalala yung nagyari kahapon, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yung narinig kong sabi ng lalaki kahapon. Alam niyo na naglalabasan ang maligno tuwing dapit hapon. At para masiguradong hindi ko lang guni-guni yung kahapon ay kinuha ko yung camera ko sa lalagyan nito at tumingin ng mga litrato. Tinignan ko ulit yung litrato niya maganda ang lahi niya jusko pointed nose, manipis at kissable na lips, damn yung jawline kitang-kita sa litrato kasi nakaside-view siya, makapal na kilay, mahabang pilikmata, hazel eyes dahil sa sinag ng araw ang ganda-gandang tignan, shota artista yata ‘tong lalaking ‘to.
Kaya nga siguro hindi agad ako nakatulog kagabi, paulit-ulit ko kasing naaalala ang pagmumukha niya na nakatitig saakin. Kaya puro lang ako titig sa kisame, ilang beses ko na nga rin ginawa yung mga dapat gawin kapag hindi ka makatulog pero wala pa rin.
Hanggang sa nakarinig ako ng tinalok ng manok at napagdesisyunan ko na huwag nalang matulog, pero nakatulog ako bigla. Ramdam ko pa rin ang antok hanggang ngayon, kahit pa naligo ako panay pa rin ang paghikab ko.
“Bakit ngiting-ngiti ka diyan sa camera mo? Rezelle kunin mo nga,” biglang sabi ni Maxine kasabay nito ang paghablot ni Rezel sa camera ko.
Hindi ko namalayan na nakangiti pala ang inaantok kong mukha habang nakatingin sa camera. Hindi agad ako naka-react nang makuha niya ang camera ko. Nataranta nalang ako bigla.
Shit!
“O-EM-JI, WHO’S THIS?!” nanlaki ang mata ni Rezelle nang tumingin siya saakin pero ibinalik yung tingin niya sa camera bago niya ito ipinakita kay Maxine dahilan para bigla itong napa-preno. At sabay silang tumingin saakin, napairap nalang ako. Wala akong lakas para magpaliwanag.
“Ariane?! Who’s this?!” hindi makapaniwala niyang tanong saakin, imbis na sagutin ko sila ay hinablot ko yung camera at ibinalik sa bag ko. Kapag sinagot ko ang mga tanong nila aabot pa ng ilang oras, andaming follow up question nitong dalawa kapag nagtanong.
May mga bumisina na sa likuran namin, “Just drive okay?” pilit ko silang nginitian.
Maxine clicked her tongue tsaka pinatakbo yung kotse. Habang si Rezelle, hindi pa rin maalis ang malisyosang tingin saakin. Naghihintay talaga siya ng paliwanag!
“Nakakaintriga ka gurl, first time mo kayang magpicture ng lalaki alam mo ba? Damn he’s hot,” napaisip naman ako, yeah kahapon lang ako kumuha ng litrato ng lalaki kasi mga babae lang talaga yung kinukuhanan ko ng litrato, yung pang mga side view or silhouette lang.
Then palagi kong kinukunan ng litrato ay scenery, ganun. Pero kung ini-hire ako na kumuha talaga ng litrato hindi naman ako magrereklamo dahil trabaho iyon. But I have a personal memory card na puro lang talaga litrato ng mga gusto kong kunan, and that guy was the first man to be there. Kaya naman ganito nalang ang nging reaksiyon ng dalawa.
“Tama ka diyan Rezel nakakalaglag ng panty, hindi ba nahulog yung sa’yo Ari? Hahahaha,” nabigla ako sa sinabi ni Maxine nakahawa na siya sa kahalayan ni Rezelle.
"Ay bet ko ang palaglag panty effect gurl," segunda naman ni Rezelle at malakas na humalakhak.
Hindi ko kakayanin na parang dalawang Rezelle ang kasama ko, puro kahalayan ang bukang bibig nakakarindi sa tenga.
“Tumahimik nga kayo, ambabastos ng mga lumalabas sa bibig niyo jusko,” napamasahe ako sa sentido ko nang tinawanan lang nila ako.
Ipinagpatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa lalaking nasa camera ko, inilalarawan nila yung gwapo nitong mukha sabay kagikhik. Panay pa ang sulyap nila saakin habang nag-uusap, halatang gusto lang mang-inis. Well malas sila, wala ako sa mood para mainis.
Hindi nagtagal ay narating rin namin ang building ng kompanya ni Lerdine. Hindi nga talaga basta-basta ang pamilya ni Lerdine. Excited na excited ang dalawa, si Rezelle naman ang ginawang parang binocular ang dalawang kamay na para bang may hinahanap.
“We’re here!” sabay nilang sigaw nang maipark na ni Maxine yung sasakyan sa parking lot, agad silang bumaba habang ako isinabit muna yung bag ko sa balikat ko at binitbit ko yung portfolio ko bago lumabas sa kotse. Madilim dito sa parking lot kaya naman dali-dali akong sumunod sa dalawa.
Naglakad kami patungo sa entrance ng building, wala sa sarili akong napatingala sa taas building, hindi talaga basta-basta ang yaman ni Lerdine. Naiintidihan ko talaga kung bakit niya kailangang mag-seryoso sa pag-aaral niya na para bang wala siyang oras na dapat sayangin, ni hindi mo nga siya mahagilap sa mga party or celebration sa eskwelahan kasi hindi siya dumadalo. Nasabi niya saakin noon na kapag walang klase kasi may kung anong celebration sa school ay nagkukulong lang siya sa kwarto niya at nag-aaral.
Kawawang nilalang. Mababaliw ata ako kapag ako ang nasa sitwasyon niya.
“Ari, dali na!” sigaw ni Rezelle na nasa may glass door na papasok, agad akong lumapit sa kanila, binagbuksan kami nung security guard agad na bumati saamin ang lamig, luminga-linga kong pinagmasdan ang estraktura ng building, hindi basta-basta.
Damn. Magtatrabaho na talaga ako. Mai-aapply ba kaya talaga yung pinag-aralan ko simula kinder hanggang college sa trabaho ko. Lalo na yung mga nakakahilong math equation na sinasabi nilang magagamit araw-araw.
“Nakakatakot yung yaman nila,” komento ni Maxine, habang patuloy pa rin na inililibot ang paningin sa paligid. Diba ang mayaman ganiyan ang reaksiyon sa yaman ni Lerdine, ibang level talaga.
“This is it, siguro maraming yummy dito,” Rezelle giggled, sabay kaming napatingin ni Maxine sa kaniya at napairap.
Gusto kong ilagay sa noo niya na trabaho ang pinunta namin dito, hindi landi. Pero alam kong kahit na anong ipaliwanag mo sa babaeng ‘to hindi na mababago pa ang pag-iisip niya. Biglang may lumapit na babae saamin, pormal na pormal ang kaniyang sout samantalang kami parang makikipag-meet up lang.
“Miss Ariane Soria and Friends?” tanong nito saamin, itinulak ako nung dalawa papalapit sa babae, I glared at them.
Makatulak kayo, jusmeyo.
Nilingon ko ang babae at tinanguan, ngumiti naman siya saakin, “This way ma’am, please follow me,” sagot nito at nagsimula ng maglakad, nagkatinginan kaming tatlo tsaka sumunod. Maririnig ko ang tunog ng mga heels namin sa mala-salamin na sahig.
Pumasok kami sa elevator at pinindot nung babae ang 7th floor. Nagsimula na rin akong makaramdam ng kaba, damn hindi ko alam kung paano mangyayari ang mga pangyayari. Eh? Kung ano-anu na ang iniisip ko.
Biglang tumigil at bumukas yung elevator sa 5th floor, may lalaking pumasok . Malakas ang appeal niya yung tipong manghihina ang tuhod mo kapag nagtagpo ang tingin niyong dalawa at idagdag mo pa ang kagwapuhan niya. Agad naman siyang binati nung babae kasama namin, “Good morning sir Hellier,” sabay nag yumukod, nako baka ito yung boss dito.
Napatikhim ako bago nagsalita pero naunahan ako ni Rezelle tinulak pa ako ng gaga para medyo mapalapit siya dun sa lalaki, “Good morning my husband—este Sir Hellier,” malandi nitong bati sabay na naman kaming napairap ni Maxine, nilingon siya nung lalaki at nginitian sabay kindat bago humarap ulit sa pintuan.
Hindi mo na mapipigilan pa ang babaeng ayaw magpapigil.
“Shi---aww,” agad siyang kinurot ni Maxine na nasa likod niya, magmumura pa talaga siya halatang kinikilig ang gaga. Mukhang sapol talaga ang tama sa kaniya tung lalaki, napailing ako sabay kamot sa kilay ko na may dandruff na talaga.
“Sige, magmura ka pa tatahiin ko talaga yang bibig mo…” rinig kong bulong sa kaniya ni Maxine agad namang tumango si Rezelle kaya napailing nalang ulit ako hanggang sa tumunog yung elevator at bumukas naunang lumabas yung babae kaya sumunod kami sa kaniya at si Rezelle na gaga nag flying kiss pa ‘dun sa Hellier at tinawanan lang siya nito bago sumara yung pintuan ng elevator, kaya agad siyang nakatanggap siya ng hampas galing saaming dalawa.
Pero parang mas kinilig pa siya dahil sa hampas na natanggap niya mula saamin.
“Gaga ka talaga Rezelle, paano kung sisantihin tayo nun! dahil diyan sa kalandian mo,” sermon sa kaniya ulit ni Maxine. Kung laging ganito ang iaasal ni Rezelle, paniguradong puputi agad ang buhok naming dalawa ni Maxine dahil sa stress.
“Kung siya lang naman ang lalandiin ko, itotodo ko na. I’ll quit na kapag pumayag siyang pakasalan ako,” sabay na nalukot ang mukha namin ni Maxine dahil sa sinabi niya.
“Pigilan mo ako Maxine masasabunutan ko ang babaeng ‘to,” nagpipigil kong sabi, iba ang epekto sa kaniya ng lalaking ‘yon parang naadik at first sight.
Akma ko ng hihilain ang buhok ni Rezelle nang biglang tumikhim yung babaeng kasama namin kaya napatigil ako at sinamaan nalang ng tingin si Rezelle na malandi lang akong kinindatan sabay nag-lip bite.
“Kapag hindi tumigil ang babaeng yan, bigwasan na natin agad,” bulong naman ni Maxine saakin at agad naman akong napatango.
Sunod naman niyang tiningnan ni Rezelle na nakangiting nilalaro ang hibla ng buhok niya, “Paano kung makarating yung ginawa mo kay Lerdine, nakakahiya Rezelle jusko,” sabi naman ni Maxine, na ikinatango ni Rezelle.
“Duh pampa-good vibes lang para hindi tayo kabahan, kayo naman masyadong seryoso sa life kaya hindi magkajowa eh,” sagot nito saamin, sabay naman kaming napairap ni Maxine.
Kapag ibinabato na niya saamin ang katagang wala kaming jowa kasi ganito, ganiyan, tanging irap lang ang matatanggap niyang sagot saaming dalawa.
Biglang tumigil yung babaeng sinusundan naming sa isang pintuan tsaka ito binuksan, “Get inside, ayaw ni sir ng pinaghihintay,” medyo masungit nitong sabi nang tinignan lang namin siya, agad kaming pumasok sa loob agad na sumara yung pinto.
Pati rin ata si Ate wala ring love life. Ang sungit.
Nagkatinginan kaming tatlo tsaka napalunok, nakatingin na kami sa nakaupo sa swivel chair pero nakatalikod ito saamin, “Welcome to Arances Corporation,” lalaki yung boses, ito nga siguro yung may-ari ng kompaniya.
Kuya ikaw ba yan? Kuya magbibigay agad ako ng 2 points kay Rezelle kasi ang landi niya.
Charot. Bakit ba kasi patali-talikod pa.
“Thank you sir…” magalang kong sagot, hindi naman kumibo yung dalawa kong kasama, umurong na sigurong dila nito, biglang humarap saamin yung nagsalita.
“No need to be that formal Ari, oh hi Rezelle, hi Maxine,” sabi nito at ngumiti.
“Oh my…” bulong ni Maxine at napahawak sa bibig niya.
“Putcha, tangina, jusmeyomarimar na mahabagin,” mahinang mura naman ni Rezelle habang nakatingin dun sa bumati saamin, habang ako naman ay hindi ko napansin na naglakad na pala ang paa ko papalait sa lalaking kaharap namin, parang kumilos ng kusa ang kamay ko nang agad kong nahawakan yung mukha niya habang nanlalaki yung mga mata ko.
Malinis na ang pagkakasuklay ng dating magulo niyang buhok, na-trim na rin ang makapal niyang kilay at nawala na rin ang mga tigyawat na meron sa mukha niya dati ngayon, ang kinis na ng mukha niya. Nagtagpo naman ang mata naming dalawa, ipinilig ko ang mukha at ilang beses na ikinurap ang mga mata ko. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa dahil sa naging reaksiyon ko.
“ANONG GINAWA NILA SA’YO LERDINE?! SINONG MAY GAWA NITO SA’YO?! SABIHIN MO LERDINE, AT NANG MASAPAK KO!” gulat na gulat kong tanong sa kaniya habang pinipisil yung mukha niya, pilit ko yung ibinuka yung bibig niya para tignan yung braces niya pero wala na, tinignan ko naman yung maayos niya buhok, sinuri ko yung kabuuan ng mukha niya, hindi talaga ako makapaniwala.
Huli na rin nang mapagtanto ko na masyadong naging OA ang reaksiyon ko kaya naman agad akong napabitaw sa muha niya, kapos pa rin ako sa hininga dahil sa pagkagulat. Anak ng tinapa.
Ang gwapo gwapo gwapo na ni Lerdine.