5

2089 Words
Ariane “Guys, can you please stop staring at me like that? You’re creeping me out,” sabi ni Lerdine na nakahawak sa batok niya habang hindi makatingin sa amin ng diretso, nakaupo na kaming tatlo sa upuang nakaharap sa mesang kinalalagyan niya. Hindi talaga kami makapaniwala, iba talaga ang nagagawa ng mga mayayaman. “So, after our graduation sumalang ako sa isang matinding make over kasi nga itu-turn over na saakin ang kompanyang ito at hindi papayag ang mga magulang ko na magmukha akong basahan lalo na’t mga bigating tao yung makakaharap ko. Although hindi pa naman talaga ako ang official CEO ng kompanya, but it will happen next month. So stop staring guys, please,” paliwanag niya, kailangan talaga namin yung paliwanag niya. “Single ka ba ngayon Lerdine?” wala sa huwestong tanong ni Rezelle, nanlaki yung mata namin ni Maxine at nagkatinginan kami. Rezelle’s motto: “Kapag gwapo, bet ko” “W-what?” naguguluhang tanong ni Lerdine pabalik sa kaniya magkatabi kami ni Maxine at katabi ni Maxine si Rezelle kaya agad niya itong kinurot sa tagiliran. Tingnan nalang natin kong kaninong tagiliran ang mapupuno ng mga kurot kapag hindi tumigil sa pagiging mahalay magsalita. “Nakakahiya ka bruha,” sabi ni Maxine, tumikhim ako at naiilang na ngumiti kay Lerdine. Ang gulo-gulo namin eh tatlo lang naman kaming nag-uusap. Para ng isang angkan na nag-iiringan. Hays. “So anong gagawin namin ngayon?” pag-iiba ko sa usapan, tumango naman siya at napabuntong-hininga, halatang naiilang sa sinabi ni Rezelle kanina. Umayos siya ng tindig bago nagsalita. “Ipapakilala ko kayo sa iba pang mga staff dito and I will turn over each one of you to your respective job partners” so hindi kami magkakasama ng mga bruha? “Hindi ko kayo maaaring pagsamahin kasi alam ko na alam niyo na ang mangyayari, maaaring walang maganap na trabaho.” Nakangisi akong tumingin sa dalawang gaga nang marinig ko ang huling sinabi ni Lerdine. Mabuti nalang at hindi na ako mai-stress. Hindi agad na puputi ang buhok ko. Tumayo si Lerdine at naglakad patungo sa pintuan, “Let’s go,” sabi nito bago lumabas sa pintuan. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa at agad namin siyang sinundan. Medyo nagulat naman kami nang makitang naghihintay pala sa labas yung babae kanina na ngayo’y nakasunod na rin sa boss namin, sumakay kami sa elevator pinindot nung babae ang 9th floor. “I just want the three of you to focus on your work, ayokong makarinig ng masamang feedback tungkol sainyo, you are given much privilege than the other workers so please focus on your work,” seryosong sabi ni Lerdine. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, tama nga naman siya hindi na kami pumila pa para sa job interview, diretso na kaming may trabaho kaya dapat lang na ayusin naming yung trabaho namin. Kilala pa naman kaming tatlo noon sa school as ‘triple trouble’. Mapa sa loob ng klase o kaya naman pagdating sa pag-ibig. Kaya tama lang na paalalahanan kami ni Lerdine since madadawit ang pangalan ng kompanya niya kung gagawa kami ng gulo. “Yes sir,” sabay na sagot naming tatlo. Pagbukas ng elevator agad na bumungad saamin ang malawak na silid na maraming mga table, halos sabay na napatingin yung mga busy na workers saamin at napatigil sa pagtatrabaho. Bawat isang empleyado ay may ginagawa pero napatigil sila nang makita nila ang kanilang boss. Walang isang imik ang maririnig. Kaya medyo natakot ako sa impluwensiya ni Lerdine. Kung dati parang hangin lang siya sa school. Ngayon ay namamahala na siya sa isang malaking kompanya. What a transition. Lumakad kami palabas sa elevator, tinanaw sila ni Lerdine. Na para bang sinisigurado na wala silang sinasayang na oras sa kanilang pagtatrabaho. “Good Morning Sir Lerdine,” sabay pa nilang bati at nag-bow, grabe ha respetadong-respetado talaga siya dito. “Good morning,” sagot niya naman. “Today, we have three new photographers,” anunsiyo nito. Kaming tatlo naman ay nahihiyang sinsalubong ang mga tingin na dumadapo sa amin, galing sa mga empleyado. Napakagat-labi nalang ako nang may umugong na bulong-bulungan sa paligid. “Ha? Bago?” “Hindi naman tayo kulang sa photographers ah.” “May bago na naman, pre.” Napatingin ako kay Lerdine, salubong ang kilay niya. Alam kong narinig niya rin ang mga bulong. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Ito ang nakukuha niya sa pagbibigay ng trabaho saamin nang hindi man lang kami dumadaan sa tamang proseso. “Silence! I don’t need your side talks,” seryosong sabi ni Lerdine nang marinig yung mga bulungan. Sandali akong napapikit. Ayaw na ayaw ko kasing makarinig ng pagtatalo. Muli akong tumingin kay Lerdine at sa sandaling nagtagpo ang tingin namin ay lumambot ang ekspresyon ng mukha niya tsaka siya simpleng ngumiti saamin, “Introduce yourself ladies.” Tsar ladies, parang gusto ko biglang matawa. Naunang nagpakilala si Rezel naghair flip pa ito bago nagsalita, “Erm erm mic test one, two, thre---aww,” sinamaan ko siya ng tingin matapos ko siyang kurutin sa braso pero inirapan lang ako ng gaga. Wala siya sa showtime na mag-aala artista kong bumati. Jusko naman. “Rezelle Ocampo, 22, you can call me Babe. Single pero pumapayag na makipaglandian kahit walang label, nice to meet you all,” may mga natawa dahil sa sinabi niya habang si Lerdine napailing nalang, magiging sakit saulo niya si Rezelle. Landian kahit walang label. Hmmm. Uso nga naman ‘yan sa panahon ngayon. Parang gusto ko tuloy sampalin ang sarili dahil sandali kong inisip ang mga salitang lumalabas sa ni Rezelle. Kasi minsan mas magandang hind mo nalang isasa-isip ang mga lumalabas sa bibig niya. Mas magiging payapa pa ang buhay mo. Sumunod naman si Maxine, “Maxine Husto, 22, nice to meet you all,” pormal nitong pagpapakilala kaya napatango si Lerdine, medyo umaliwalas yung mukha nito. Diba si Rezelle lang talaga ang magiging sakit sa ulo. Guardian angel lang kami ni Maxine, taga-kurot at batok sa malanding babaeng ‘yon. Napatingin ako sa mga workers na magiging co-workers ko na bago ngumiti, “Ariane Soira, 21, its nice to meet you all,” tsaka ako napatingin kay Lerdine ulit, nakangiti siya saakin at biglang napakurap tsaka muling sumeryoso. Naku. Kapag ikaw napaghalataan magiging masama talaga ang tingin sa’yo ng mga empleyado mo. Muling inilibot ni Lerdine ang kaniyang paningin sa kaniyang mga empleyado. “Go back to your work,” utos ni Lerdine sa kanila. Agad na umingay ang paligid, nagsama-sama ang ingay ng pagtipa ng mga keyboard, tunog ng mga naiimprentang litrato sa isang gilid at may mga iilang tunog rin ng camera. Sumunod naman kami kay Lerdine nang maglakad na siya patungo sa isang office kaniya din siguro ‘to, maingat kaming umupo sa sofa nang makapasok na sa silid. Hindi katulad nang naunang silid na pinasukan namin kanina ay mas masasabi mong kay Lerdine talaga ang office na ito. Bawat mga papeles na makikita mo ay maayos na nakaayos, ang kurtinang gamit ay mint green paboritong kulay ni Lerdine. Lagi ko kasing napapansin dati na palaging mint green ang kulay ng mga ballpen niya o hindi naman kaya nga sticky notes na ginagamit niya tuwing nag-aaral siya sa library ay kulay mint green rin. Kapag naman huminga ka ay sandaling mananatili sa ilong mo ang pabango niya. Kaya agad mong masasabi na madalas siya sa lugar na ‘to. “Pwede ko bang mahiram yung mga camera niyo?” tanong ni Lerdine na nakaupo sa kabilang sofa habang yung babaeng sumusunod-sunod na kaniya ay natayo lang sa may gilid habang nakayuko. Okay lang kaya si Ate? Pwede naman siguro siyang maupo. “You can take a seat, Layna,” napakurap naman ako sa sinabi ni Lerdine, napansin niya siguro ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gilid niya. Sandali namang natigilan si Layna, pero agad rin niyang sinunod ang sinabi ng kaniyang boss. Ipinatong na namin sa mesang malapit sa kaniya yung mga camera namin, una niyang kinuha yung kay Maxine. Madalas na kinukuhanan ni Maxine ng litrato ay mga streets, at matataong lugar, bali parang pang documentary yung dating niya. Minsang rin siyang isinasali sa mga competition dahil hindi lang ito magaling kumuha ng litrato at magaling rin siyang gumawa ng mga articles about sa mga litratong nakukuha niya. Siya rin ang kinakapitan namin kapag hindi kami nakakagawa ng assignment. Matalino with the look ang kumare ko kaya naman, habulin rin. Kaya lang agad niyang sinusupalpal ang magtatangkang humabol sa kaniya. “Interesting. Layna, can you please call Raven, papuntahin mo dito.” Utos ni Lerdine dun sa babae agad naman itong tumango at lumabas na. “You’ll be in the documentary team. Alam ko rin na makakatulong ka kapag pangmadalian ang gagawing articles,” pagpapatuloy ni Lerdine. “Salamat, Lerd.” Pinuri lang naman siya ng isang Lerdine, na mas mataas pa sa pangarap ko ang standards pagdating sa mga bagay-bagay. Sunod na kinuha ni Lerdine na camera ay kay Rezelle, alam niyo na mahilig siya sa boys kaya ang kadalasan niyang kinukunan ng litrato ay ang muscles, abs, at iba pang parte ng katawan ng mga lalaki, napailing si Lerdine. Mabilis ko namang sinulyapan si Rezelle na para bang naghihintay rin na purihin ni Lerdine ang mga litrato na nakuhanan niya. Napalingon naman kami sa may pinto bumukas ito, iniluwa nito yung Layna secretary ni Lerdine at may nakasunod na lalaki sa kaniya siguro hindi rin ‘to nalalayo sa edad naming, syempre pogi nakadagdag pa sa karisma niya yung eyeglasses na suot niya, bumaling ito kay Lerdine. “Pinatawag niyo raw ako sir?” tanong nito. Gusto ko namang batukan si Rezelle dahil sa biglaan niyang pag-ubo na para bang nabilaukan. Habang nakatingin sa bagong pumasok. Lerdine was unbothered sa iniasal ni Rezelle, he just gestured his hands to Maxine, “She’s your new job partner,” sabi niya tsaka tinignan si Maxine. “Follow him, siya na ang bahalang magpaliwanag sa’yo tungkol sa trabaho mo,” agad namang tumango si Maxine bago tumayo, isinaukbit niya yung bag niya sa kaniyang balikat at kinuha yung camera niya na nasa mesa. “I’ll go ahead Lerdine and girls mag-behave kayo utang na loob,” paalam niya saamin bago sumunod dun sa Raven palabas ng pinto. Behave kaya ako, always. “Layna, samahan mo si Rezelle papunta kay Hellier, alam na niya kung anong gagawin at mukhang magkakasundo sila” iniabot ni Lerdine yung camera ni Rezelle agad niya naman itong tinanggap. “Compliment ba ‘yong sinabi mo Lerd? Bye gurl. Mag-behave ka okay?” humagikhik pa ito. Napairap naman ako. Himala na lang talaga na maayos pa rin mata ko dahil sa walang humpay na pag-irap sa tuwing nakakasama ko si Rezelle. Mabilis akong hinalikan ng gaga sa pisngi bago excited na tumayo at sumunod dun sa babae palabas, kilala na ni Rezelle yung makakatrabaho niya, yung lalaking nakasabay naming kanina sa elevator. Iniabot ko muna kay Lerdine yung portfolio ko bago pa man niya mahawakan yung camera ko, nakangiti niya itong tinggap at nagsimulang buklatin, nakangiti pa rin siya habang tinitignan yung mga lirato sa potfolio ko. Enjoy na enjoy? “Broad yung perspective mo sa photography and isa lang sa mga workers ko yung naiisip kong maaari mong makatrabaho. Alam ko namang kaya mo rin mag-adjust depende sa trabahong maibibigay sa’yo. Mabuti nalang at tinanggap niya yung offer sa kaniya nina Mama, kaya napauwi siya dito sa Charion.” Inilabas ni Lerdine yung phone niya at nagtipa ng number bago ito itinapat sa tenga niya, “Cameron, punta ka dito sa office ko sa 9th floor, ah nandito ka na? Okay, bye.” Ibinaba na niya yung tawag kasabay nito ang pagbukas ng pinto at sabay na umangat ang dalawang kilay ko nang masilayan ko ang taong iniluwa ng pintuan. Shit! Tumunog yung phone ni Lerdine kaya tumayo siya at bahagyang lumayo saamin, tumingin siya saakin kaya tinanguan ko siya pahiwatig na aalis na ako sabay dampot sa camera at portfolio ko bago tumayo at lumapit sa lalaking may malaking ngiti sa kaniyang labi, Cameron huh? Bago pa man kami makalabas ay nagsalita si Lerdine, “Take care of her, Cam.” “My pleasure sir,” magalang niya namang sagot at tuluyan na kaming lumabas sa silid. Nang makalabas na kami ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nailing ako, “Hindi lang tayo nagkita ulit, magkatrabaho pa, iyaking Ariane,” nakangiti niyang sabi, inirapan ko siya. “My pleasure, Cameron,” sarkastikong sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD