Chapter 8

1388 Words
HERA’s POV Sobrang bigat ng ulo ko nang magising ako bandang alas otso ng umaga. Off ko pa rin naman. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon dahil sa text notification. Pagtingin ko sa message, si Teacher Wena. "Papunta ka na ba?" iyon ang huli niyang text. Nang basahin ko ang mga naunang message, ka-text ko pala siya kagabi para sa isang job offer! Nakakaloka! Sa kalasingan ko, nawala sa isip ko ang lakad na iyon. Malaki ang sahod. Naroon na din ang address! Mabilis akong napatakbo sa CR. Wala na akong kasama sa bahay dahil parehas silang may pasok ngayon. Nagbihis ako ng malupet. Kailangang maging presentable ako sa magiging estudyante ko. Hindi na din ako nagtali ng buhok. Hinayaan kong nakalugay iyon dahil wala na akong oras!  Tuwid naman ang buhok ko at maayos namang tingnan basta nasuklay ng maayos. Nagsuot ako ng pink formal skirt, puting top at pink na coat na ka-terno ng skirt ko. Mukha naman na akong presentable kahit may hang-over pa ako. Nag-reply ako kay Teacher Wena. "Papunta na po." Mabuti na lang at 11AM pa ang appointment ko. Hindi naman ako male-late dahil magsa-subway na ako. Sa loob lang ng isa't kalahating oras, nakarating na ako sa Itaewon. Madami ding mga restaurants duon. Mabilis kong nahanap ang villa na nasa address. Ang ganda ng bahay pero simple lang. Siguro, sobrang busy ng mga magulang ng estudyante ko duon kaya hindi nila maasikaso ang anak nang maturuan kung paano humarap sa tao. Kailangan ko daw turuan ang estudyante ko sa public speaking. Wala akong ideya sa dahilan kung bakit kailangan ng estudyante kong matutong magsalita at humarap sa maraming tao. Magiging politiko ba siya paglaki? Nasa ano’ng grade level na siya? Hindi talaga ako sigurado. Huminga muna ako malalim bago pinindot ang doorbell. Tumapat ako sa intercom video door phone at kumaway.   JAE HYUN’s POV Ano'ng ginagawa ng babaeng 'to sa tapat ng bahay ko? Namamalimos ba siya? Bakit niya naman gagawin 'yon? Ang sabi niya teacher siya. Malaki ang sahod ng teachers dito sa Korea. Bigla na lang akong nakatanggap ng message galing sa assistant ko na mas madalas na assistant ni Eomma. "She's there, Sir." iyon ang nakalagay sa message niya. Go Nam Gil, siya ang naghanap ng instructor para sa akin pagkatapos ko siyang kausapin tungkol sa inuutos sa kanya ng Nanay ko. Nang makarating sa Eomma ko na gusto ko na ding makakita ng taong tutulong sa stage fright ko, natuwa siya kaya malaya ako ngayon sa mga gusto kong gawin. I told him, to look for small-time instructors and they found a middle-aged teacher. Iyon lang ang alam ko. Pero hindi naman mukhang middle-aged teacher ang babaeng 'yon. She looks young. "Eoseo deurowoseyo." (Please come in.) Ibinukas ko ang gate gamit ang receiver ng door phone kaya nakapasok siya. Ilang minuto lang kumakatok na siya sa front door. Nang ibukas ko iyon, nahulog ang dala niyang bag at folder. "Ikaw na naman?" naaasar niyang sabi. As if I was delighted to see her. "Ano'ng ginagawa mo dito? Ikaw ang nahanap nilang instructor ko?" "Ikaw ang estudyante ko?" Halos sabay naming tanong sa isa't isa. Masama ang tingin niya sa akin bago niya pinulot ang mga gamit niya. "Kung alam ko lang na ikaw ang estudyante ko, hindi na lang sana ako pumayag mag-sub kay Teacher Wena!" "Sub?" "Nagka-emergency 'yung dapat na magiging instructor mo kaya inirekomenda niya daw ako." Hindi ko alam iyon pero hindi na ako nagsalita. Mukha namang mas importante ang dahilan kung bakit kailangang umalis ng instructor na unang tumanggap sa trabaho. And that person might have trust her so much. HERA’s POV Ayaw ko na sanang tanggapin ang trabaho lalo na't alam ko na kung sino ang magiging estudyante ko. Pero nakakahiya naman kay Teacher Wena. Ako ang ipinalit niya sa dapat niyang trabaho. Nagtiwala na sa kanya 'yung taong naghanap ng instructor. Hindi nga lang ako sigurado kung Nanay iyon ng lalaking ito or what. Hihintayin ko na lang sigurong paalisin niya ako. "Are we going to start today or you just want to review your contract first?" "Okay lang sa'yo na ako ang instructor mo?" shocked na tanong ko sa kanya. Ang inaasahan ko kasi, paaalisin na niya ako ngayon. "She recommended you. You must be as good as her." Ugh! Hindi ko alam kung mabait lang talaga siya o nang-iinis! Power tripping? Gusto niya ba akong gantihan? "Mr. Lee..." "So, you know my name?" "I just figure it out." "Ah. 'Yung lumabas sa news kagabi? Mabuti nga at mabait sa'yo ang nagsend noon. Hindi niya kinuhanan ang paninigaw mo sa akin." Pinakalma ko ang sarili ko. "Hindi ka naman masisigawan kung hindi mo ako kinaladkad palabas ng ospital, kung hindi mo ako ininsulto dahil hindi mo ako pinagbayad sa sarili kong hospital bill at lalong-lalo na kung hindi mo ako inasar kagabi. Ngumisi na naman siya. "Yan! Yan! Sinisimulan mo na naman ako!" "Para sabihin ko sa'yo, kinaladkad kita palabas ng ospital dahil nakakaabala ka na sa operations. Kinukulit mo 'yung cashier na tanggapin ang bayad mo, e hindi nga nila tatanggapin iyon dahil automatic free kapag ako ang nagdala ng pasyente duon. Isa pa, hindi ko intensyon na insultuhin ka. Ganoon talaga ang rules sa ospital na iyon dahil sa amin 'yon." Shookt. Totoo ba? Sa kanila 'yon? I was speechless. Ngayon lang ako nakakilala ng taong may pag-aaring ospital. Ano pa bang ine-expect ko? "'Yung pang-aasar ko sa'yo, walang excuse 'yon. I enjoyed the argument." Ang weird niya. "Next time kasi makikinig ka sa akin. Wala naman akong mapapala kapag ipinahamak kita. Kung sumunod ka lang agad at hindi na nakipagtalo, baka walang pictures mo ang kumalat sa internet kagabi." Hindi na ako nakasagot. "So, tatanggapin mo ba ang trabaho? Simple lang naman. Tuturuan mo akong maging confident sa pagsasalita sa harap ng madaming tao. Six months contract worth 100 Million Won." Nalula ako sa presyo. That's 4.37 million in Philippine Peso. "Kasama sa contract na 'yon ang pananahimik mo tungkol sa trabaho mo. You can't share to anyone that I am stupid as f**k. Do you get it?" Isa lang ang ibig sabihin noon, wala akong karapatang i-judge siya at ipagkalat sa buong mundo ang kahinaan niya. Ang mahal naman pala ng pananahimik ko. Kung sabagay, hindi nga naman magandang image para sa kanya ang pagiging stupid. Sa gwapo niyang 'yan. Isa pa, parte siya ng royal family ng Korea at isa sila sa pinaka-mayayamang tao ngayon sa bansang ito kaya nakakahiya nga naman kapag hindi ko isinikreto 'yon. "Tatanggapin ko ang trabahong 'to dahil ayaw kong mapahiya si Teacher Wena. Pero sana, kapag naging instructor mo na ako, respetuhin mo ako kahit ayaw mo. Babayaran mo ako ng ganyan kalaki kaya asahan mong gagawin ko ng maayos ang trabaho ko." "Sweet. Pipirma ka na ng kontrata?" "Nasaan ba?" Lumakad siya papunta sa isang kwarto kaya nagkaroon ako ng oras na tumingin sa paligid. Mukhang mag-isa lang siya duon at sobrang laki ng bahay na iyon para sa kanya. Mas malaki pa 'yon sa apartment namin sa Bucheon. Tanaw mula sa sala ang kitchen na may malapad na counter top table kung nasaan ang lababo at may malaking space pa para siguro sa pagmamasa ng dough. Mahilig siguro siyang mag-bake. Sunod na nakuha ng paningin ko ang mga gamit niya sa sala. Mukhang mamahalin ang mga iyon at malinis. Sobra. "Oh." sabi niya nang makalabas sa kwarto. Binasa ko muna ang inabot niya sa akin. Nakasaad nga sa kontrata na iyon na confidential ang mga lessons namin pati na ang mga gagawin at sasabihin niya habang na nagkaklase kami. Kasama na siguro duon ang mga magiging pagtatalo namin. Wala ring nakalagay kung may fix schedule kami. Tatawagan na lang daw ako kapag may libreng oras ang mahal na prinsipe. Wow lang diba? Paano kung ako ang busy kapag tumawag sila? Kailangan ako ang magsasakripisyo? Well, hindi biro ang 4.37 million pesos kaya sino ako para bumali sa kasunduan at magreklamo? Nang mabasa ko na ang lahat, pumirma na ako. Umangat ang isang sulok ng labi niya nang ngumiti siya. Bakit ang gwapo? Napailing ako sa naisip ko. Hindi ako pwedeng ma-attract sa lalaking 'to dahil bukod sa imposible kaming magkasundo, masyadong mataas ang estado niya sa buhay at hindi ko siya kahit kailan maaabot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD