HERA’s POV
"OMG!" kahit paos ang boses niya, sinundan pa rin iyon ng tili ni Bree. "Sabi na! Panalo kami sa pustahan!" paakyat na kami sa unit namin sakay ang elevator at akala mo nanalos siya sa lotto sa sobrang saya niya.
"Pwede ba, Bree?" biglang kumirot ang sugat ko na hindi ko napapansin kanina dahil sa inis ko sa lalaking 'yon.
"Oh, ano'ng masakit?" sinilip niya agad ang tyan ko. Natulala siya nang makita duon ang benda na may mark pa ng dugo. "Ano'ng nangyari sa'yo?" histerikal na tanong niya.
"Wala lang, nasaksak lang." I answered sarcastically. Hindi niya pala talaga napansin kanina kahit pa kanina ko pa hawak ang tyan ko at nabanggit na kanina nung asungot na muntik na akong mamatay. Sobrang abala siya sa pagtitig sa Koreanong ewan na ‘yon.
"Gaga! Saan?"
Ikwinento ko sa kanya ang nangyari at nasa tapat na kami ng pinto namin nang makapag-react siya.
"Syet! Ang sama naman nun! Mabuti at nakita ka ni Mr. Destiny mo. Kinuha niya ang bag mo, tapos dinala ka pa niya sa ospital. Whoah! Ang sweet naman niya!"
Napairap ako pero sa isang banda, nare-realize ko namang nagawan ako ng kabutihan ng lalaking 'yon. Naiimbyerna lang ako sa ugali niya. Sobrang yabang niya at masakit magsalita. Plus, makapal ang mukha niya para sabihing nag-iilusyon ako nang tungkol sa aming dalawa.
Ano bang feeling niya? Gustung-gusto ko siyang makita?
"Hindi ka na naman niya pinagbayad ano?"
"Nanaman? Bakit, nung dinala niya ako duon sa ospital na iyon nung nangudngod yung baba ko, hindi ba kayo nagbayad?"
Umiling siya. "Hindi kami siningil tapos binigyan pa kami ng gamot mo."
Napatutop ako sa noo ko. Edi lumalabas, malaki na pala ang utang na loob ko sa kanya. Grateful naman akong tao. Pero kung sa kanya lang din naman ako magkakaroon ng utang na loob, di bale na lang. Kailangang mabayaran ko iyon kahit ano’ng mangyari.
Sa sagutan namin kanina, we clearly don't like each other. Kaya ano'ng destiny ang pinagsasabi nitong mga ka-roommate ko? Baka destined lang kaming mag-away at magtalo. Kating-kati tuloy akong bayaran ngayon ang damuhong 'yon para quits na kami. "Okay ka lang, Hera?"
"Hindi. Ayoko na siyang makita pero mukhang kailangan. Babayaran ko siya."
"Bakit pa? Maging thankful ka na lang at mabait siyang tao kahit mayaman siya. Imagine, ilang beses ka na niyang iniligtas?"
"Nature niya daw 'yon at hindi dahil sa interisado siya sa akin. Tinawag kaya ako ng baliw na 'yon ng Ahjumma at walking disaster magnet!"
"Well, ganoon naman talaga ang natural na iisipin niya. Diba sa eroplano pa lang, hinimatay ka na sa bisig niya, tapos, nadapa ka sa harap niya at nagasgasan ng baba."
Pinahinto ko siya sa part na 'yon. "Tinulak niyo 'ko ni Nami papunta sa kanya."
"Ahehe... Sorry na! Tapos ayun nga. Nakita ka pa niyang sinaksak at ninakawan. Mabuti na nga lang at may puso siya kahit papano."
Napairap ako. "Fake ang puso niya!"
Natawa siya. "Bakit, nakita mo na? Ako nagdududa na diyan sa galit mo sa lalaking 'yun ah. Mag-ex kayo ano?"
"Huh? First time naming nakita ang isa't isa sa eroplano. Hindi ako pumapatol sa mga beast." sabay irap kong sagot habang pumapasok sa kwarto ko.
Sumunod siya duon. Palibhasa tulog na si Nami kaya wala siyang ibang pwedeng kulitin kundi ako. "Maka-beast naman 'to e ang pogi-pogi nga nung tao! Royal Prince pa."
"Royal Prince?"
"Ah... hehehe... hindi kasi makatulog si Nami kanina kaya nag-background check kami. Available naman kasi sa Google ang buhay niya. Nalaman namin na parte pa siya ng Royal Family Yi. Lee na ang pronounciation sa pangalan nila. Pero kung mahilig kang manuod ng mga drama at magbasa ng history books nila, gets mo na 'yun. Kanunu-nunuan niya 'yong mga hari noong Joseon Dynasty."
OMG. Inaway ko ba talaga ang taong 'yon? Kayang-kaya niyang sirain ang buhay ko.
On a second thought 21th century na. Dapat wala na siyang pakialam sa akin lalo na't magkagalit naman kami. Hindi din naman niya ako empleyado para matakot ako sa kanya. Wala siyang pwedeng gawin sa akin.
"Uy! Para ka na namang nanuno!" untag niya sa pagkatulala ko.
"Wala ka bang pasok bukas?" pag-iiba ko sa usapan.
"Wala. Starting bukas magkaiba na kami ng schedule ni Nami. Tayo na ang magka-schedule. Kaya bukas, maglalamyerda tayo."
"Oo na, sige na. Matulog ka na."
"Arrasseo! Bukas ah!"
NATULOY kami sa lamyerda kinabukasan. Susunod daw si Nami after ng shift niya at gustong magkwento tungkol sa kaharutan niya sa trabaho.
Kaya habang wala pa siya, naglibot muna kami ulit ni Bree sa Myeongdong. Nag-mukbang kami ng street food. Ngayon, ako naman ang nanlibre sa kanya. Pero madalas binibilhan niya din ako ng kung anu-ano.
Para ko na din silang bestfriends. Mabuti na lang at maswerte ako sa natuluyan kong bahay. Pagsapit ng hapon, pabalik na kami sa Bucheon dala ang mga napamili naming mga gamit sa bahay katulad ng mga basahan sa lababo, doormat, at mga hangers. Iyon lang ang inuwi namin dahil 'yung mga street food, messy kapag i-t-in-ake out pa kaya inubos na namin ni Bree.
Dinala niya ako sa The Cave. Isang restobar. Medyo malapit lang 'yon sa Bucheon Shine Preschool.
Ang dami niyang inorder. Mga request daw na pagkain ni Nami. Pero mas madami ang fried chicken. Nakakalula dahil parang dalawang kilo ng fried chicken ang nakahain sa amin ngayon.
"Mukhang may dalang oppa si Nami kaya ang dami-dami niyang pina-order." napatingin si Bree sa lalaking nasa counter saka niya ako siniko. "Tingnan mo 'yung lalaking 'yon. Kanina pa tingin ng tingin sa'yo."
Sa hitsura ng lalaki, mukhang hindi lang siya basta crew sa restobar na iyon. Mas mukha siyang may-ari.
"Ang gwapo. Pakilala tayo?"
"Naku, Bree. 'wag na. Hindi pwede. Makakalbo ako ng Nanay ko kapag nagkaroon ako kahit manliligaw dito."
"Grabe naman! Hindi naman niya malalaman!"
"Oppa!" sabay kaming napalingon nang may babaeng biglang lumapit sa lalaki at hinalikan ito sa labi. Binakuran. At ang babaeng 'yon mukhang Pilipina.
Siguro kanina pa niya kami naririnig ni Bree.
Siniko ko na lang ang kaibigan ko.
Pumasok ang dalawa sa loob ng, sa hula ko ay kusina. Duon siguro sila nagtalo.
Nasa kanila pa ang atensyon ko nang biglang may maglakas ng TV. Pagtingin ko sa TV, isang staff ng restobar ang may hawak ng remote at sobrang tutuk na tutok siya sa balita.
Hanggang sa mapansin ko si Bree na palipat-lipat ang tingin sa TV at sa bag ko. Lumingon ako sa TV at duon ko nakita ang picture namin ng hambog na Jae Hyun habang nakatakip sa mukha ko ang coat niya at buhat-buhat niya ako papunta sa motor niya.
Showbiz news iyon at ang tanong ng reporter ay kung sino daw ang maswerteng babaeng ka-date ng sikat na miyembro ng pinaka-sikat na chaebol sa Korea.
Sa galit ko sa lalaking 'yon, hindi ko namalayang may kumuha ng pictures namin.
Nagkatinginan kami ni Bree at ganoon na lang ang malisya sa mukha niya nang ngitian ako. "Sabi na. Destiny." bulong niya.
"Guys!" sabay kaming napatingin sa dumating. Si Nami kasama ang boylet niyang ka-work nila ni Bree. Pero, hindi siya factory worker kung hindi isang manager. Si Kang Tae Suk. Hangul lang ang gamit namin sa pag-uusap kaya gusto ng dumugo ng ilong ko.
Kahit paano nawala sa eskandalong 'yon sa TV ang atensyon ko. Hangga't hindi naman nare-reveal ang mukha ko, wala naman dapat akong maging pakialam sa balitang 'yon.
Mabuti na lang at natakpan agad ni Jae Hyun ang mukha ko.
Kaya ba nagmamadali siyang isakay ako kagabi sa motor niya?
Hindi ko maiwasang bilangin ang mga nagawa niya para sa akin kahit napipilitan lang siya. Duon pa lang sa ginawa niya kagabi, malaki na ang utang na loob ko sa kanya. He could have ignored me. Pwede naman iyon e. Pero hinabol niya 'yung magnanakaw. Binawi niya ang bag ko at dinala niya ako sa ospital nang makita niya akong duguan.
Pero sa isang banda, naiisip kong ginagawa niya lang naman 'yon para sa publicity. Ah. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat pang isipin. Basta ang alam ko, hindi maalis ang inis ko sa kanya dahil antipatiko siya!
Nasa kalagitnaan pa kami ng pag-iinuman nang tumunog ang cellphone ko.
Naka-paskil sa screen ang pangalan ni Teacher Wena kaya lumabas muna ako para sagutin iyon. Pasuray-suray na ako dahil sa pagkahilo pero alam ko pa naman ang ginagawa ko.
"Yeoboseyo? Sunbae!"
"Ay, nasa labas ka ba, Hera?"
"Hindi. Nagdidinner lang kami ng mga ka-roommates ko. Napatawag ka, Teacher Wena?"
"Oo eh, may naghahanap kasi ng part-time instructor para sa public speaking. Ako sana ang kukuha ng trabaho kaya lang, kailangan kong umuwi muna sa Pilipinas dahil sa Mama ko. Kaya naisip kong i-refer ka. Malaki naman ang sahod."
"Talaga? Sige po!"
"Ite-text ko sa'yo 'yung details."
"Okay."
"Bye. Ingat sa pag-uwi. 'Wag kang masyadong magpakalasing!"
Natawa ako. "Okay po, Ate."
Pagbalik ko sa loob, naka-order na ng mas madami pang alak sila Nami. At wala akong nagawa kung hindi ang tulungan silang ubusin 'yon.