Chapter 6

1329 Words
HERA’s POV Natigilan ako sa sinabi niya. Antok na antok lang ako pero alam kong hindi ako nagha-hallucinate. Nasa tono niya kasi ang may pakialam sa akin. Does he really care about me? Care or worried lang siya na baka siya ang masisi kapag may nangyaring masama sa akin? Or maybe, it’s just his natural reaction to any situation where there's a need for help. And because of that, I can say that he's a warm-hearted person. At pilit niyang itinatago 'yon. Halatang tinatago niya ang tunay niyang pagiging mabuting tao sa likod ng pagsusungit niya sa akin. "Come on. I'll call them so someone can come here and get you." "Ahjussi, hindi ko talaga alam ang number nila." Nakatitig ako sa mukha niya at kahit antok na antok ako, hindi nakatakas sa akin ang inis niya nang tawagin ko siyang Ahjussi (Old man). "Hoy Ahjumma (Old lady), hindi ako naniniwala sa'yo na wala kang number ng kaibigan mo. Pwede mo naman silang i-message sa SNS." "Bago ko lang silang mga kaibigan. Hindi pa kami nagpapalitan ng number at nang..." JAE HYUN’s POV She suddenly passed out. Napanganga ako nang makatulog siya nang ganoon na lang sa harap ko. She’s unbelievable! Pwede ko naman siyang iwan sa mga nurse. Aalagaan naman siya dito, pero paano kapag nagising siya at umuwi? Walang nakakaalam kung ilang masasamang tao ang makakasalubong niya. She might get killed next time. Kahit saang lugar naman may krimen at hindi naiiba ang Seoul sa mga bansang mayroong madaming masasamang loob. Ang karamihan dito, experimental killers. Hindi lang talaga kakayanin ng kunsesnya ko kung may mangyayari na namang masama sa kanya kahit may magagawa naman ako para pigilan ‘yon. Sa hitsura pa lang ng babaeng 'to mukhang trouble magnet na e. Napatunayan ko na 'yon sa tatlong beses naming pagkikita. Hindi naman ako madaling mainis sa mga tao, pero itong babaeng ito ay kakaiba. Una pa lang, ayoko na sa kanya. Mayroon siyang sarili niyang paraan para pakuluin ang dugo ko. Sa huli, hindi ko na din talaga siya naiwan. Ayaw kong umuwi sa bahay dahil sa Nanay ko. At lalong hindi ako makakatulog sa villa ko lalo na't alam kong may iniwan akong responsibilidad dito sa ospital kaya wala akong nagawa. Naghintay ako sa tabi niya. Siguro iyon lang ang magandang dulot sa akin ng pagiging parte ng Lee Family. Sa kasaysayan, napabayaan namin ang buong Joseon pati ang Korean Empire. Isang malaking pagsisisi iyon para sa lahat ng miyembro ng pamilyang totoong makabansa. Dahil sa mga nalaman ko tungkol sa history ng pamilya namin, nagkaroon ako ng sense of responsibility sa lahat ng actions ko dahil natuto ako sa mga mali ng angkan kong naging duwag sa responsibilidad. Iyon lang ang rason kung bakit hindi ko maiwan ang babaeng 'to dahil hindi ako naaawa sa kanya. Matagal ko siyang napagmasdan habang nakahiga siya sa hospital bed at walang salamin. Maganda naman pala siya kapag tulog at kapag hindi natatakpan ng makapal na lente ang mga mata niya. Matangos ang ilong niya at kahit hindi siya masyadong maputi, maganda ang kutis niya. Kung hindi lang nakilala ni Han Bin si Juliet ng mas maaga, malamang, papasa 'to sa panlasa ng kaibigan ko. Halos tatlo't kalahating oras din siyang nakatulog dahil sa anesthesia. Pagkamulat niya nang mata, ako agad ang nakita niya kaya napasapo siya sa ulo niya. "Nandito ka pa?" "I told you, I needed your friend's number so I can leave you." imbes na ma-appreciate niya iyon, mukhang nagalit pa siya. Pinanuod ko siyang magsapatos. "Dapat kasi iniwan mo na lang ako. Kaya ko naman!" I don't like her attitude. Dumiretso siya sa Cashier at pilit na nagbabayad pero dahil ako ang naka-pirma as guardian niya, hindi tinatanggap ng cashier ang pera niya. Isa pa, sa hitsura ng coin purse niya kung saan niya kinuha ang mga won na pilit niyang ipinambabayad, mukhang mauubos ang laman no'n kapag tinanggap pa ng cashier ang pera niya. Hinila ko na siya sa siko nang magpumilit pa siya. "Yah! Nwajuda! (Let go!)" Imbes na sundin siya mas hinawakan ko pa siya nang mahigpit at kinaladkad palabas. "Hoy! Siraulo! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Bitawan mo 'ko sabe!" Ang ingay-ingay niya. Kung pwede ko lang busalan ang bibig niya, ginawa ko na. Binitawan ko lang ang kamay niya nang marating namin ang motor ko sa parking area sa tapat ng ospital. Pero hindi tumitigil ang bunganga niya. "Wala naman akong sinabing hintayin mo ako ah?! Binayaran mo pa talaga 'yung bill ko. Ano'ng akala mo sa akin? Pulubi? Pa-charity? Oy! Teacher ako!" Sa paningin ko, trying hard siyang maging galit. Is she into me? Hindi ba kaya siya tinulak ng mga kaibigan niya papunta sa akin noong nasa tapat ako ng KTV bar ay dahil sa natuwa siyang nakita akong muli? She must be thinking that this is some sort of Korean Drama and I am her Korean Prince. Bigla akong natawa ng malakas, na parang baliw, sa kabila ng paghihysterical niya. Duon siya huminto sa pagsasalita. "Ano'ng nakakatawa?" "Wala naman. Feeling mo yata kasi ito na ang Korean Drama experience na hinihintay mo dito. Don't get the wrong idea, Miss. It's my nature. Not because I'm interested in you." "Huh?" siya naman ang tumawa. "Bakit, ano bang akala mo? Umaasa akong type mo 'ko? Hoy! Impaktong hambog, hindi pa ako nababaliw para mangarap, ano? Isa pa, hindi ikaw ang tipo ko! Ayoko sa singkit na mukhang pinaglihi sa stress at sama ng loob!" "Look who's talking. Ang babaeng nag-aalmusal ng stress at nag-hahapunan ng disgrasya. Sa tuwing nakikita kita, kung hindi ka nahihimatay, sugatan ka at duguan! Sino'ng magkaka-interes na lumapit sa walking distaster magnet na kagaya mo?" "Hoy! Nagkakataon lang 'yon.” She suddenly thought of something else. “Ah. Hindi pala. Nangyayari lang 'yun sakin kapag malapit ka, kasi malas ka sa buhay ko!" "Wow. Talaga ba? Kung ako ang malas sa buhay mo, edi sana namatay ka na kanina nung sinaksak ka at sana nawala na ng tuluyan ang gamit mo!" "Well, it's your responsibility for being such a nuisance in my life!" "I'm not part of your life. Don't think ahead, Ahjumma." "Ahjumma?" halata sa mukha niyang napipikon na siya and I am actually liking the idea that she's annoyed. Pinagtitinginan na kami ng madaming tao at may kumukuha na din sa pictures namin. To protect her privacy, I immediately removed my coat at tinakip ko yun sa pag mumukha niya. At para hindi na siya makapalag, binuhat ko na siya at sinakay sa motor ko. “Ano ba!” sigaw niya habang pinahaharurot ko ang motor ko. Akala ko itatapon niya ang coat ko pero nakahawak lang siya duon nang alisin niya iyon sa ulo niya. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng motor at binagalan ko lang nang makarating kami sa school. "Saan ba ang bahay mo?" "Bakit ko sasabihin sa'yo? Akala ko ba wala kang interes sa disaster magnet na kagaya ko?" "Look. Pagod na akong makipagtalo sa'yo. Hindi mo ba talaga ako kilala?" "Wala akong pakialam sa'yo! Ibaba mo ako dito!" "Ibababa lang kita sa tapat ng bahay mo. 'Wag ka ng mag-inarte." Nawalan siya ng choice kaya itinuro niya sa akin ang daan. Pagkababa niya, ibinato niya sa akin ang coat ko at iyon ang eksaktong naabutan ng mga kaibigan niya. "Hera?!” She immediately looked at me with all-out smile on her face. “Nag-alala kami sa'yo! Saan ka ba galing? Kasama mo lang pala itong si--" siniko ni Hera ang kaibigan niyang iyon. Namukhaan ako ng babaeng may pagka-astig sa kanilang tatlo. "Saan mo dinala ang kaibigan namin?" she’s more curious than annoyed. "Next time, talian niyo iyan. If I hadn't pass by the street near the school, patay na siguro siya." Hindi na ako nagpaalam at umalis na ako. Naperwisyo man ako, at least na-distract ako sa problema ko sa Nanay kong praning. Pero sana iyon na ang huli naming pagkikita.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD