Chapter 5

1369 Words
JAE HYUN’s POV Narinig kong nagpapahanap na si Eomma ng magtuturo sa aking maging confident sa public speech. Ang hindi niya alam, nagsasayang lang siya ng effort. Wala na akong pag-asa. Ilang speech professionals na ba ang nag-train sa akin? Wala naman silang napala. Ganito pa rin ako. Imbes na makinig pa sa frustration niya, lumayas na lang ako. Diretso ako sa The Cave. Iyon ang bagong tayong bar ng best friend kong si Han Bin na may asawang Pinay. Mula pa lang noong high school ako, si Han Bin na ang best friend ko. At nakilala ko siya noong sumali ako sa Judo. Mahirap siya pero magaling makipag-socialize. Ang Mama niya, masipag din kahit single mother kaya kahit mahirap sila, nakakasabay siya sa lahat ng klase ng tao. May pang-Judo class siya kahit piano lessons. Mabuti pa siya. Masaya at may sariling buhay. "Hi, Jae Hyun!" nasa labas pa lang ako at inaayos ang helmet ko nang makita ng asawa ni Han Bin, si Juliet. Maganda siya, sexy pero simple. "Bakit hindi ka man lang muna nag-message? Edi sana na-invite ko ang mga kaibigan niyo." Tinutukoy niya ang madami naming kainuman na naroon lang naman kapag may mga kailangan. Alam ni Juliet na marunong ako mag-tagalog. "Kasi, ayokong may sumunod na namang asungot sa akin. I just snicked out. Saka wala namang kwenta kausap 'yung iba. Iinom lang kami ni Han Bin ah." "Sure. Babae ba 'yan o Eomma mo?" Natawa ako. "Ako yata lagi niyong topic ni Han Bin. Alam na alam mo na ang problema ko." "Oo. Masyado kasing nag-aalala 'yun sa'yo kaya pati ako tinatanong ng mga pwede niyang ipayo sa'yo. Pasok ka na lang ha. Ihahatid ko lang muna ito sa Mama ni Oppa." sabi niya habang hawak ang isang tupperware ng kimchi. "Arrasseo." (Okay) "Kalke!" (I'll go) Pagpasok ko sa bar nila, madami na ang mga bisita. Resto bar lang ang The Cave. May mga pagkain, beer, soju at iba't ibang klase ng alak para sa lahat. Maliwanag ang ilaw sa restobar nila kaya mabilis kong nakita si Han Bin. We pulled each other, then bumped our chests. "Jal jinesseoyo?" (How are you?) tanong niya. Napangisi ako sa tanong niya. "I've seen the news." sabi niya nang mailapag ang mga soju at beer sa harap ko. Ang mga staff naman niya ang nagserve ng tteokbokki, kimchi, samgyetang (Korean Ginseng Chicken Soup) at gamjatang (Pork Bone Soup). "I know. Mom is panicking. She's looking for help" "Ano, tutor ulit?" alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon pati ang stage fright ko. Han Bin can, of course, speak Filipino dahil sa tagal niya ding pinapayag si Juliet na makipag-date sa kanya. "She won't stop." "Then find your own tutor. Just show her that you are, at least, interested to make yourself better. Hindi mo naman kailangang totohanin, if you don't feel like it. Remember your last tutor na halos gawin kang 6-year-old student?" he crazily laughed. "That woman is crazy! Parang private investigator ng Eomma mo!" I rolled my eyes and scoffed. "Do you think that will solve it?" "Ne! (Yes!) May iba ka pa bang naiisip?" Umiling ako. "At least, kapag ikaw ang boss ng tutor mo, hindi ka niya ilalaglag sa Eomma mo. Iisipin pa ng Eomma mo na gusto mo na talagang maalis ang nag-iisa mong flaw sa buhay." He always thinks that I am perfect. Iyon nga lang, may stage fright at nauutal sa harap ng maraming tao. Napaisip ako sa sinabi niya. Bukod sa problema ko, pinag-usapan din namin ang mga problema niya sa buhay may asawa at ang mga rason kung bakit siya nananatiling kasal kay Juliet. Isa lang ang masasabi ko. Tinamaan talaga ng lintik ang kaibigan ko. Siguradong hindi na siya magloloko kagaya nang palagi naming ginagawa noong highschool at college. Maswerte lang kaming dalawa at wala pang babae ang lumalapit sa amin para sabihing nakabuntis kami. Sa dami ng mga babae noon, magandang balita nang wala kaming sakit at hindi pa kami mga Tatay. Mabuti pa siya't nahanap na ang Juliet niya. Ako kaya? Natawa ako sa naisip ko. Si Han Bin, noon pa, malaki na talaga ang chance na magkaroon ng simpleng buhay dahil restaurant owner ang Eomma niya at Patrol Officer naman ang Abeoji niyang maagang namatay. Simple lang ang pamilya nila. Saan bang pamilya ako galing? Malabong maging masaya akong katulad niya. Kalokohan iyon para sa pamilya kong may mga lumang tradisyon. Kaya pagkatapos kong uminom sa restobar nila, nagpaharurot ako ng motor sa buong Bucheon. Pwede naman kasi siyang magpatulong sa akin na magpatayo ng business sa Itaewon o sa Gangnam, pero mas pinili niya dito sa lugar na 'to dahil sa asawa niya. Mabilis ang pagpapatakbo ko sa motor pero binagalan ko nang mapadaan ako sa isang school zone. Wala naman ng mga bata pero nakaugalian ko ng gawin 'yon dahil sumusunod lang ako sa batas. Kahit saang bansa naman, kailangang mabagal ang pagpapatakbo mo kapag nasa school zone ka. Dahil duon, hindi sinasadyang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na babaeng ayaw ko ng makita. Lalagpasan ko na lang sana siya nang makita kong may makakasalubong na siyang magnanakaw. Bumwelo ang lalaki at sinikmuraan siya para lang makuha ang bag niya. Hindi sa nagpapaka-hero ako. Hindi ko lang talaga gustong nakakakita ng mga ginugulangan tapos wala akong ginagawa kaya hinabol ko ang lalaki habang sakay ako ng motor ko. Nang maabutan ko siya, sinadya kong pagulungan siya sa paa. Kaya natumba siya. Duon ako bumaba ng motor ko at binawi ang bag. Pinalo ko na din siya sa ulo habang minumura siya sa lahat ng mura sa hangul na alam ko. Tama ba namang sikmuraan niya 'yung babae? Kahit ayaw ko dun, babae pa rin 'yon! Babaero ako pero alam kong maling saktan ng pisikal ang mga babae kahit sa ano pang dahilan. Nang makuntento na ako sa walang hiyang magnanakaw, binalikan ko ang babae sa tapat ng school. Namimilipit pa rin siya sa sakit. Nagulat pa siya nang makita ako. "Okay ka lang?" nang makita ko ang tinatakpan niyang tyan, nagulat ako nang makakita ng dugo duon. Hindi ko napansin na may patalim na hawak ang lalaki. Sinaksak niya pala itong Pilipinang 'to. "Oh shit." isinuot ko sa kanya ang bag niya at binuhat ko siya. "No! Ibaba mo ko." Nanghihina niyang sabi. Nagpupumiglas siya kaya hindi ko siya nagawang isakay sa motor. I am already angry. "Why? Ano, gusto mong mamatay dito?" "Magtataxi ako!" She clearly can't take a cab. Sa traffic sa mga pwedeng daanan ngayon ng mga taxi mahihirapan siyang makarating sa ospital nang hindi siya nauubusan ng dugo, my bike is her only hope. "Wag kang tanga. Kailangan mong madala ng mabilis sa ospital kung hindi matutuyuan ka ng dugo at mamamatay. Kung ako sa'yo, di na ako mag-iinarte!" Bigla siyang umiyak nang makita ang kamay niyang galing sa tyan niya. I acted quickly. Isinakay ko na siya sa motor bago na naman siya pumalag. I sent her to the same hospital. Ganito na lang ba kami lagi kapag magkikita? Duguan siya at dadalhin ko siya dito? Ospital naman namin ito, pero ang akin lang, hindi ako ambulansya na para lang sa kanya. Minor injury lang naman daw ang natamo ng babae kaya sa ER lang tinahi ang sugat niya at saka iyon nilinisan at tinakpan ng patch. Hindi ko siya iniwan dahil wala naman siyang kasama. "Ano number nung mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam." Pagkatapos siyang magamot, ang nurse na mismo ang lumapit sa kanya para hingiin ang mga detalye niya. They, obviously, can't ask me to do that. Alam ng lahat na si Eomma ang Director ng ospital na ito. "Ireum?" tanong ng nurse sa kanya. "Hera Chen ibnida." she answered. Nakakaintindi siya ng Hangul. At tinapos niya ang mga tanong ng Nurse kahit groggy na siya dahil sa pain killer. She's about to sleep. Pinigilan ko siya. "Number ng mga kaibigan mo?" "Hindi ko nga alam! Bakit ba? May type ka sa kanila?" "Ayaw lang kitang iwan mag-isa dito kasi paggising mo mamaya, pwede ka ng umuwi. Paano kung may mangyari na naman sa'yo? Kailangan na naman kitang dalhin dito?"        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD