Chapter 4

1266 Words
HERA’s POV Pumasok akong may bandage sa baba dahil duon hindi makapag-focus ang mga estudyante ko. Hanggang sa may batang nagtanong kung ano ang nangyari sa akin at tawang-tawa ang mga estudyante ko sa kwento ko. I made up a story about a handsome Prince who did not catch me. Hango naman iyon sa totoong kwento. Iniba ko lang ang settings. Nakakatawa para sa mga paslit na 'to pero para sa akin, hindi. Nahimatay na naman ako sa harap ng lalaking 'yon. Akala ko pa naman hindi ko na siya makikita ulit? Bakit ba kasi sa dinami-dami ng KTV Bar sa Seoul, duon pa siya nagpunta kagabi? Galit na galit tuloy ako kay Bree at Nami, pero dahil inasikaso naman nila ako, pinatawad ko na sila. Ipinaliwanag nilang itinulak nila ako nang malapit na ang lalaking iyon sa amin dahil gusto nila akong mahulog sa kamay ng gwapong iyon… para naman daw magkaroon na ako ng boyfriend. Ang kaso, hindi ako sinalo! Iniwasan pa niya ako. I saw everything! Hinayaan niya akong madapa at mangudngud ang baba sa lupa. Dumugo ng malala ang baba ko kaya nawalan ako ng malay. But Nami pointed out that the guy still helped me. Sinugod ako ng lalaking iyon sa ospital. Hindi ko na iyon naalala dahil pagmulat ng mata ko, nasa ER na ako kasama ang dalawa kong roommates. Pero kahit anong sabihin nila, hindi na nila mababago ang impression ko sa lalaking 'yon. He's a jerk. Tama bang iwasan niya ako kahit nakita na niyang pabagsak na ako sa kanya? Siguro kaya lang siya napilitang dalhin ako sa ospital dahil ayaw niyang maging responsable kapag namatay ako. Mabait naman ako sa mabait, pero kapag ginawan na ako ng hindi maganda, kagaya ng ginawa ng lalaking 'yon, lumalabas na ang lahat ng sungay ko. Hindi kaya ako pinalaki ng Nanay ko para apihin lang ng iba?! Hindi niya ba ako sinalo kasi feeling niya kaya ako tinulak ng mga kaibigan ko sa kanya kasi gustung-gusto ko siya? Yuck! Manigas siya! Hindi porque gwapo at mayaman siya, lahat na lang ng tao gusto siya. At iyon ang mismo ang ipapamukha ko sa kanya kapag nag-krus ulit ang landas namin! Imbes na galitin ang sarili ko sa pesteng lalaking 'yon, nag-focus na lang ako sa trabaho. Namalayan ko na lang, sahod na. Nakabili ako ng mga kailangan ko sa apartment, nailibre ko ng dinner sa bahay ang dalawang bruha at nakapagpadala ako sa bahay. Hindi pa ganoon kalaki, pero sabi ni Ate malaking tulong na iyon. Ang bilis lang ng araw lumipas dito sa Seoul. Pero… Hanggang ngayon, ayaw pa rin akong kausapin ni Mama. Ilang beses na akong tumawag sa bahay pero palaging si Ate at Tita lang ang nakakausap ko. OFF ko ngayong araw at ng dalawa kaya nananahimik kami sa bahay habang tumatawag sa mga pamilya namin. Si Nami, nasa sala at ngumangalngal dahil pinagalitan ng Kuya niya. Si Bree naman, umiiyak din dahil miss na miss na ang Mama niya. Ako? Naiiyak dahil naririnig ko si Mama na nagagalit at pilit na iniiwasan ang tawag ko. "Naku, Ma. Kapag eto si bunso hindi na bumalik at nag-asawa na ng mayaman sa Korea, magsisisi ka talaga." narinig kong sabi ni Turay. "Oh, edi mag-asawa siya! Gayahin niya ang katangahan ko! Para parehas na kaming Boba! Pinag-aral ko siya para maiba naman ang buhay niya sa akin, pero ano? ‘Yan din ang landas na gusto niya! Hindi talaga nag-isip! 'Wag na 'wag mo nga akong pilitin na kausapin ang mga taong walang pinakikinggan?!" Ang haba ng litanya niya. Pinakinggan ko lang. Wala naman akong karapatang sumagot e. Naiintindihan ko naman ang pinanggagalingan ni Mama. Ayaw niya lang na magkamali ako kagaya nang nangyari sa kanya. "Oh, nadinig mo? Ayaw talaga e. Bigyan mo muna siya ng space nang makapag-isip. Ma-mi-miss ka din niyan." sabi ni Ate sa akin. "Okay lang. Basta aalagaan mo si Nanay. 'Wag mong hahayaang mag-deliver mag-isa." "Oo naman. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo d'yan ah. Umiwas ka na din sa mga Koreano d'yan. Basta sa lahat ng foreigner na lalaki para naman mapanatag ang loob nito ni Mama." "Magpapakabait ako dito nuh. Wala munang love life." "Sinabi mo 'yan ah! Pero okay lang namang lumandi basta 'wag magpapabuntis." halos pabulong na sabi ni Turay. Pero narinig pa rin ni Mama 'yon at galit na galit na nag-react. "Anong sabi mo, Reyna Athena? Gusto mo ubusin ko 'yang buhok mo?" Ang lakas ng tawa ng siraulo kong Ate. "Ba-bye na! Binabato na ako ng mga CD! Ingat! Love you!" Ako ang naunang nawalan ng kausap sa phone. Tapos si Nami. Si Bree, sobrang tagal na kausap ang pamilya niya. Buong pamilya yata niya pati mga ka-baranggay kinakamusta siya. Nang matapos ang tawag niya, nag-kwentuhan na naman kami tungkol sa buhay-buhay. Si Nami, pinapauwi na after ng concert. Hindi kasi talaga pumayag ang Kuya niyang nasa Dubai dahil nga isip-bata daw siya at takot ang Kuya niya na mapahamak siya. Nung makauwi ang Kuya niya kahapon sa Pilipinas, galit na galit daw nang malamang umalis siya papunta dito. Kung hindi pa siya umiyak, hindi pa siya nito papayagang mag-stay hanggang matapos ang concert. Gusto agad ng Kuya ni Nami, umuwi na siya agad. Nang si Bree naman ang mag-kwento, nakumpirma kong tama nga ako ng hula. Lahat ng kaibigan ni Bree at mga kamag-anak, kausap siya sa kanina. "Ikaw, ayaw ka pa ring kausapin ng Mama mo?" Nagkibit-balikat ako sa tanong ni Bree. "Ayaw pa rin e." "Gusto mo, gala na lang tayo sa Namsan Tower?" idea ni Nami na tapos na sa pag-iyak. "Kayo na lang. Baka itulak niyo na naman ako kung saan e." Sabay pa silang napahagalpak ng tawa. "Hindi na promise!" pangako ni Bree. "Akala lang kasi namin talaga sasaluhin ka nu’n, eh may pagkasaltik pala si pogi. Hindi naman kami na-inform." "Mas may saltik kayong dalawa." sabi ko. "Ay grabe siya." si Bree na tawa pa rin ng tawa. "Uy, girls... napanuod ko lang kahapon sa news. Tingnan niyo. Ini-screenshot ko pa." ipinakita nga sa amin ni Nami ang nasa cellphone niya. Hangul ang nakasulat sa headline ng online news na iyon pero mabilis kong naunawaan ang nakasulat nang ma-translate ko sa English ang sinasabi ng banner sa picture na iyon. "Lee Group's sole heir, Lee Jae Hyun, is incapable of handling the business." "G-Geu reu peu? Ano daw?" tanong ni Bree na hindi pa masyadong marunong umintindi ng Hangul. "Sabi dito, Lee Jae Hyun ang pangalan nitong lalaking 'to." sabay dutdot sa mukha ng lalaki sa picture na nakapaskil pa rin sa cellphone niya. "Tapos sole heir siya ng Lee Group. 'Yung mother company ng factory na pinapasukan natin?" paliwanag ni Nami. "What?" iyon lang ang naisagot ni Bree. "Saan mo ba siya nakilala, girl?" "Nakatabi ko sa eroplano." iyon naman talaga ang totoo. "Huh? Bakit, naka-VIP ticket ka ba nung magpunta ka dito?" curious na tanong ni Bree. "Siyempre hindi. Wala akong pera na ganun kalaki, nuh?" "So, destiny talaga 'yun?" sabay kaming napatingin kay Nami. "O.M.G. Imagine, sa dami ng tao sa mundo, ikaw pa 'yung nakatabi niya sa eroplano? Tapos nakita natin siya by chance sa Myeongdong... hindi kaya siya na ang icing sa ibabaw ng cupcake mo?" ang high pitch na naman ng boses niya. Excited na excited sa pantasyang iniisip niya. "Naku po. Hindi destiny 'yun, Nami. Kamalasan 'yun!" "Grabe ka naman. E paano nga kung tama si Nami?" "Magpapakalbo ako." confident kong sagot. Natawa silang dalawa. "Promise ah! Kapag tama ako na destiny mo siya, kakalbuhin ka namin. Arrasseo?" I sarcastically laughed. "Call!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD