JAE HYUN'S POV
Wala talaga akong balak na pulutin ang babaeng iyon. Pupuntahan ko lang ang mga tropa kong nasa likod nilang tatlo at namboboso sa babaeng kasama nila na naka-miniskirt nang bigla siyang itulak ng dalawa niyang kasama papunta sa akin.
I barely know the girl. Ikwinento niya ba sa dalawa na magkakilala kami?
Oh well, by the looks of it, mukha ngang akala ng dalawa niyang kaibigan, magkakilala kami kaya siya itinulak ng mga ito papunta sa akin.
Nagpanic ang mga babaeng kasama niya nang mawalan siya ng malay at tawa naman ng tawa ang mga luko-loko kong kaibigan. Kaya imbes na iwan silang tatlo, binuhat ko na ang babaeng hinimatay at isinakay sa motor ko.
"I'm sorry, where are you bringing our friend?" tanong ng mas matangkad na babae.
"Hospital." Inabot ko sa kanila ang calling card ng ospital namin na malapit lang sa Myeongdong. Kinuha nila iyon saka ko na pinatakbo ang motor ko.
"Kumapit ka!" utos ko sa babae. Pero hindi niya yata ako naririnig dahil wala pa rin siyang malay. Gamit ang kanang kamay ko, hinawakan ko na lang ang mga kamay niyang nasa hita ko pa rin habang ang isa'y nakahawak sa isang handle bar.
Pagdating namin sa Lee General Hospital, ipinasan ko ang babae sa likod ko at dinala sa ER. Mabilis siyang inasikaso ng mga doktor at nurse. Saglit lang ang hinintay ko at dumating na ang mga kaibigan niya. "Hera Chen." iyon ang narinig kong pangalan na itinanong nila sa Nurse's Station bago ko pa man sila malapitan.
Obviously, Pilipina din ang dalawang ito. "Hey. She's there." tawag ko sa kanila sabay turo sa hinihigaan ng kaibigan nila.
"Kamsahamnida." sabay nilang sabi saka bahagyang yumuko.
I took a casual bow. Saka ako umalis at iniwan silang tatlo duon. Binalikan ko ang mga kaibigan ko at nag-inuman lang kami magdamag.
Hindi ako umuwi sa Seongbuk-dong dahil alam kong masesermunan na naman ako kaya dumiretso na lang ako sa villa ko sa Itaewon.
Ipinagpatuloy ko ang pag-inom sa bahay ko hanggang sa makatulog ako.
Nagising na lang ako kinabukasang naroon na sa villa ko ang buong staff ko na ang Nanay ko ang nag-hire. Nakaayos na ang susuutin ko at ang mga papel na kailangan kong basahin para kahit paano, may alam ako sa opisina.
Hangul lang naman ang nakasulat duon at dahil makikinig lang naman ako sa meeting na iyon, hindi ko na binasa ang mga papel.
Napilitan pa akong tumayo nang alisin ng pinakamatandang staff duon ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko. Si Halme (Lola) Tina. Isa siyang Pilipinang matagal ng pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko. Sa tagal niya dito sa South Korea, mas fluent pa siya sa aking mag-Hangul.
"일어나!" (ireona means get up).
"싫어!" (sirho means I won't).
Kahit noon pa, si Halme Tina lang ang may karapatang ituring akong bata.
"Bumangon ka na diyan na pasaway ka. Papaluin kita!" pagbabanta niya. Siya rin ang totoong dahilan kung bakit ako magaling managalog. Bata pa lang ako, tinuturuan na niya akong maging Pilipino.
"Sige. Isusumbong kita kayla Abeoji at Eomma." pagtutukoy ko sa mga magulang kong wala naman talagang pakialam sa akin.
"Oh, edi magsumbong ka! Sila naman ang may utos nito sa amin." Alam ko naman iyon. Hindi na niya kailangang ipamukha na tauhan din ako ng mga magulang ko.
Pare-parehas lang naman kaming tauhan. Iba lang ang role ko dahil alam ng buong South Korea na ako ang nag-iisang tagapagmana ng Lee Group of Companies.
Sa dami ng negosyo ng pamilya namin, ang buong angkan; handang magpatayan para sa pusisyon ng Tatay ko... ang pagiging Chairman. At ako ang next in line.
Wala na ang Joseon Dynasty pero uso pa rin sa pamilya namin ang agawan ng kapangyarihan. Kaya nga pinatitino ako ng Nanay ko dahil ayaw niyang mapunta sa mga pinsan ko ang buong kumpanya na ipinasa ni Harabeoji (Lolo) sa Tatay ko.
Ako daw ang dapat na mag-mana. Kaya sa lahat ng importanteng meeting, kahit wala akong alam sa negosyo, dapat present ako.
Napilitan na lang akong tumayo nang maalala kong nung huling sumuway ako kay Eomma, nasesante lahat ang mga staff na nag-asikaso sa akin. Isinisi sa kanila ang pagiging iresponsable ko at ang kabuhayan ng ibang tao ang naaperktuhan.
It's a very frustrating situation because I can't do anything to prevent that from happening. Gusto ko lang namang maging malaya. Kapag pinilit kong sundin ang gusto ko, ibang tao ang mananagot. May kunsensya ako. Hindi ko lang pinahahalata.
I went to the meeting and quietly sat on my chair. Madaming member ng Board of Directors ang nakatingin sa akin. Ang mga Tito at Tita ko, mga pinsan ko at ibang investors. Lahat sila, duda sa kakayahan ko kaya alam kong kapag pinagbotohan ang pagiging chairman ko, hindi ako mananalo.
Nagsasalita na ang pinsan kong si Hee Seung nang bigla siyang bumaling sa akin at tinanong ako ng tungkol sa opinyon ko tungkol sa presentation niya.
Kung wala lang ang mga tao sa conference room na 'yon baka nasapak ko na siya. Gago talaga 'tong taong 'to e. Pakiramdam niya mas magaling siya sa akin dahil nakakapag-present na siya sa Board Meetings. That's the only thing I can't do since I have stage fright.
Noong nag-aaral pa kami, ako ang mas popular sa kanya lalo na pagdating sa mga babae, hanggang ngayon naman. He's a loser and the only thing he can do is talk.
Puro dada.
"Anything you want to say, Mr. Lee?"
Ngumiti lang ako. "I think you have said enough."
Natawa siya na para akong isang malaking joke. If only my parents are not watching, I can crash his damn face on this wide table.
Mabuti na lang at hindi niya ako pinilit magsalita dahil kung hindi aabangan ko talaga siya sa labas. He's obviously mocking me.
Kailan ba nagsimula ang stage fright ko?
Ahhh... simula pa noong seven years old ako. It was my recital for piano. I was so confident because I practiced diligently since I knew that my parents will be there.
Ipinagyabang ko pa sa mga kaklase ko noon na kahit busy ang mga magulang ko, pupunta sila. My classmates were as excited as me dahil nga sikat ang mga magulang ko. Both of them are part of the largest business empire in South Korea. Pati mga magulang ng mga kaklase ko at lahat ng teacher sa school, inaasahang pupunta sila.
nang ako na sasalang sa recital, walang dumating na Lee Moo Hyul at Song Sa Rang. Pinagmukha nila akong tanga.
Nasira ang lahat ng na-practice ko dahil mas umalingawngaw ang bulungan ng mga nanonood tungkol sa pagiging kawawa ko. They all pitied and mock me.
At hindi iyon isang beses lang nangyari.
They are both alive but I never felt that they are being parents to me.
Ibinibigay lang nila ang mga gusto at kailangan ko at kapalit noon, kailangan kong maging masunuring anak na para nilang empleyado.
Sa paglipas ng panahon, nabago ang tingin sa akin ng mga tao dahil mas nakikita nila ang kapangyarihan sa likod ng pangalan ko. They are all loving and respecting me. Liban na lang sa mga kapamilya naming nakakatawa pa rin ang tingin sa akin pagkatapos kong mag-mess up sa ilang business meetings na napuntahan ko na noon.
Kaya nga iniwasan ko ng magsalita sa harap o kahit ang magbigay ng opinyon ko. Okay na ako sa katotohanang madami pa rin akong kaibigan at babae sa labas ng corporate world.
I just need my friends and my women now. Ang mga obligasyon ko sa pamilya, darating din naman iyon oras na makahanap na sila ng babaeng dapat kong pakasalan.