Chapter 2

2085 Words
HERA'S POV Iyon na yata ang most embarrassing moment sa buhay ko. Ipinaliwanag ng flight attendant na hindi naging kumportable si pogi sa naging biyahe niya nang dahil sa akin. Bakit naman kasi ako hinimatay sa braso niya? Takot na takot ako kanina. Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng ilang minuto. Pasalamat nga ako't buhay pa ako e. Nagising ako ng flight attendant kaya nagawa kong umusog at sumandal sa upuan kaysa manatiling nakasandal sa bisig ng gwapong lalaki kanina. Iyong mabait na poging tumulong sa aking maglagay ng gamit sa overhead bin. Dahil sa kahihiyan ko, nagtulug-tulugan ako habang lumilipad ang eroplano. Nang makalapag naman kami sa airport ng Korea, hinintay ko muna ang lahat na makababa bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Ako na nga ang pipnakahuling pasahero na bumama, nakita ko pa rin si pogi pagkalabas ko ng Arrival Area. Mabilis akong nagtago mula sa lalaking iyon nang makita ko siyang mapalingon sa gawi ko habang naglalakad na siya palabas sa Incheon International Airport. Pinauna ko siya at talagang na-shock ako nang biglang sumulpot ang entourage ng mga itim na Volvo sa labas ng airport. May mga lumabas na madaming lalaking nakaitim na mukhang mga PSG (Presidential Security Guards). Bigla sumakay si pogi sa isa sa mga iyon habang nakatungo ang ulo ng mga sumundo sa kanya. Anak ba siya ng Presidente ng South Korea? Syet! Mas lalo akong nahiya sa sarili ko. Paano nga kung importanteng tao siya dito sa South Korea tapos humilig ako sa braso niya?! Nakakahiya! Hindi naman sapat na dahilan ‘yon para ma-deport ako, diba? Napatunayan ko lang na hindi nga ako mapapa-deport ng dahil duon nang magawa kong makaapak sa lupa ng South Korea! Sa wakas narito na ako! Mabilis akong nagpara ng taxi. Kahit first time ko naman dito, naaral ko ng maiigi sa panunuod ng videos ang mga bagay na dapat kong malaman. Isa pa, hindi din ako pinababayaan ni Mabel na kasalukuyan kong ka-text. Nakasakay na ako sa taxi at nagpapahatid na ako sa Bucheon kung saan naroon ang papasukan kong pre-school at ang magiging bahay ko dito sa South Korea. Hindi ko naman na siguro makakasalamuha ang Prisipe na iyon kaya kailangan ko na lang kalimutan ang nangyari. 부천계룡리슈빌엔클래스 Bucheon Gyeryong Leishville & Class Maganda ang unit dito ni Mabel, siya ang kapit-bahay naming matagal ng nagta-trabaho at naninirahan dito sa Korea. Nang malaman niyang natanggap ako sa Bucheon Shine Preschool, mabilis niyang in-offer ang bahay niya sa akin dahil naghahanap daw talaga siya ng uupa sa isang kwartong nabakante sa apartment niya na natanggap niyang bayad pagkatapos siyang makipag-divorce sa mayamang Koreanong pinakasalan niya last year. "Ayan, ipasok mo na lang ‘yung mga gamit sa cabinet mamaya. Mabuti at mabait pa din ang gagong 'yon, ‘no? Hindi niya ako iniwang nganga. Kaya naisip kong paupahan na lang itong apartment namin para hindi masayang. Tatlo lang naman kayo dito. Hindi ka naman masyadong maselan diba?" "Wala naman pong problema, Ate Mabel." "Naku, tawagin mo akong Hye Kyo Eonni. 'Yan na ang legal name ko dito sa Korea." "Okay po, Ye Kyo Eonni." "Haisht." naiiling na natatawa siyang dinala ako sa CR at sa kusina. "'Yung ref, ipapagamit ko ng libre sa inyo pero ayaw ko ng sumbungan na may nawawalang gamit o pagkain. Tandaan ninyo, Pilipina naman tayo. Magkakababayan. Kailangan kakampi natin ang isa't isa. Maliwanag ba?" Tumango ako. "Opo." "Mamaya dadating na 'yung dalawa. Mababait naman ang mga 'yon. Since bukas pa ang pasok mo, ayusin mo na ang kwarto mo. May bedsheet na duon. Isa nga lang kaya bahala ka na sa pamalitan mong bedsheet. May unan din d’yan sa loob ng cabinet pero isa lang. Ikaw na bahalang magdagdag. Ingatan niyo itong bahay. Alam ko namang hindi ka salaula. Nakita kitang lumaki sa Binondo eh." Napangiti ako. "Thank you talaga, Ye Kyo Onni." "No problem. Basta magmessage lang sa akin kung may kailangan kayo o kung may problema sa mga kapit-bahay. Oh siya, may regalo akong cake sa'yo. Nasa lamesa. Kumain ka na lang. May awra pa ako. Bye!" Pakiramdam ko, nabawasan ang takot kong magtrabaho dito. Kasi kahit paano, mayroon akong malalapitan sakaling magkaproblema. Minabuti kong ayusin na ang kwarto ko para makapag-adjust na ako agad at hindi na mamahay mamaya sa pagtulog. At kakatapos ko lang halos maglinis ng kwarto nang makarinig na ako ng nagtatawanan sa labas. Nakarating na yata 'yung dalawa kong roommates. "Nasaan na siya?" narinig kong sabi ng isa. Medyo high pitched ang boses niya at sa hula ko pa lang sa boses niya, maligalig na siya at makulit. "Baka tulog?" ang isa nama'y parang kaboses pa ni Turay. Yung boses na sakto lang. Dahan-dahan ko pang binukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip. Sabay silang nagulat nang sumungaw ako sa pinto. "Ay kaloka! Akala ko multo! Ate naman!" Natawa 'yung may matinis na boses. "Ampangit mong magulat! Sayang hindi ko nakuhanan ng picture!" "Gaga!" "Sorry kung nagulat ko kayo." nahihiyang sabi ko. "Okay na. Hahaha. Ang haba kasi ng buhok mo tas ang dilim pa d'yan sa kwarto mo. Natutulog ka ba?" tanong ng pinaka-nagulat sa kanilang dalawa. "Hindi naman. Naglinis lang ako ng kwarto." "Ngek? Bakit andilim?" ibinukas niya ang ilaw para sa akin kaya mabilis akong nagpasalamat. "Ilang taon ka na?" tanong ng may matinis na boses. "Twenty-one." "Ha? 21 years old ka lang tapos, Teacher ka na?" Alam pala nila na Teacher ako. "Medyo maaga kasi akong nag-school." "Wow. Ako pala si Brenda. Bree na lang. Ate niyo akong dalawa dahil 25 years old na ako." naglahad ng kamay ang kaboses ni Turay. Magka-edad rin sila. "I'm Nami. 23 years old from Sampaloc, Manila." bigla siyang binatukan ni Bree nang tumatawa. "Gaga. Hindi niya tinatanong kung saan ka noon nakatira." Nagkatawanan na kami at sa unang pagkakataon, napanatag agad ang loob ko sa mga bagong kakilala. Mabagal kasi akong mag-adjust pero parang dahil sa kanila, makakapag-blend in ako dito sa Seoul ng mas maaga. Niyaya ko silang dalawa kumain ng cake. Isang buong cake kasi ang ibinigay ni Ate Mabel ay Ye Kyo Onni pala. Hindi ko naman iyon mauubos kaya pinagsaluhan na naming tatlo. "Ito talagang si Ate Bels, mahilig pa rin magbigay ng cake." "Nauna lang kami sa'yo dito ng anim na buwan at limang buwan. Ganyan talaga 'yan si Ate Bels. Pero 'wag mo siyang tatawaging ganoon sa public place, hindi ka niya papansinin dahil nagpabinyag na siya dito bilang si Song Hye Kyo. Nakakaloka! Ginaya pa 'yung pangalan nung artista." Nagkatawanan silang dalawa kaya natawa na din ako. Kilala ko naman si Song Hye Kyo dahil napanuod ko na ang Full House. "Sinabihan daw kasi siya ng ex-husband niya na kamukha niya si Song Hye Kyo kaya ayun. Nang magkadatung, nagpapalit ng pangalan at nagpa-register na Song Hye Kyo." Para silang mga lasing dahil sa kakatawa nilang dalawa at aliw na aliw ako sa kanila. Kaya lang ganito talaga ako sa una. Mahiyain pa kaya ngingiti-ngiti lang ako. "Uy, ano pala pangalan mo?" biglang naalala ni Nami. "Hera. Geraldyn talaga pangalan ko. Geraldyn Chen." "Ay, Chinese ka?" tanong ni Bree. "Tatay ko lang. Pilipino ako." "Asan Tatay mo?" dagdag tanong niya habang nagdadagdag pa sa plato niya ng cake. "Hindi ko na alam. Nabuntis lang niya si Mama kaya wala akong alam sa kanya." Nalungkot si Nami. "Parehas pala tayo. Japanese naman ang Papa ko." "Hay naku, tigilan niyo ang drama niyong dalawa tungkol sa mga Tatay ah. Buhay pa mga Tatay niyo. Ako patay na. 'Wag niyo akong simulan." Mas napahaba ang kwentuhan namin nang magbukas si Bree ng soju. Isang bote lang ang pinagsaluhan naming tatlo. May pasok din kasi sila bukas. Nalaman kong si Brenda Faustino ay anak ng isang small-time businessman. Hindi pa man umuunlad ang negosyo ng Papa niya, namatay na ito sa sakit sa puso kaya bumagsak ang kabuhayan nila at napilitan siyang pumasok bilang Factory Worker dito. Si Nami Kanzawa naman, nagpunta dito para sa Super Junior at idinahilan lang ang pagtatrabaho sa factory ng kimchi ramen para makaalis dahil istrikto ang Mama nito ayaw sa pagiging addict niya sa K-Pop. Sa December na daw kasi ang 3-day concert ng SuJu at nakabili na siya ng ticket para duon. Hindi na siya pwedeng umatras. Magaan silang kakwentuhan kaya hindi namin namalayang alas-otso na ng gabi. Saglit pa lang kaming nag-uusap pero parang kilalang kilala na namin ang isa't isa.   KINABUKASAN, sabay-sabay kaming pumasok. Hinatid nila akong dalawa sa Bucheon Shine Preschool at dumiretso na sila sa pagawaan ng Kimchi Ramen sa may Anyang-si. Sa school naman, mababait din ang mga co-teachers at mga bata. Sweet sila sa totoo lang at kahit paano may mga batang nakakapag-english duon. Marunong naman ako ng Hangul pero hindi pa fluent kaya nagpa-practice pa ako. Ang swerte ko lang dahil may co-teacher akong taga-Mindoro. Si Teacher Wena. May isang anak si Rowena Matig-a at walang asawa. Nasa Nanay niya daw si Tanya, anak niya. "Maswerte ka, Hera. Bata ka pang nakapag-trabaho dito kaya 'wag mong sasayangin ang bawat opportunity. Kapag natapos ang kontrata mo dito sa school na 'to. Maghanap ka agad ng ibang mapapasukan. Kapag may offer sa akin, isasama kita." "Thank you po, Teacher Wena." "Wena na lang." Bago ako makauwi pagkatapos ng klase, ginawa ko muna ang mga pinapa-encode ni Miss Jang. Alas siete na din ako natapos. Mabuti na lang kasi nabago ang schedule ko at 2PM na ang start ng klase ko. Paglabas ko ng school, naroon na si Bree at Nami. "Annyeong Sonsaengnim!" magkasabay nilang bati. "Tara sa Myeongdong!" yaya ni Nami. "Hah? 'Yun diba 'yung shopping center dito?" "Oo. Madaming sale dun ngayon saka bagong sahod kami." Excited na sabi ni Bree. Kaboses niya pa rin si Turay. "Kayo na lang. Next month pa ang pay ko." "Haysh... para ka namang iba sa amin. Dahil ikaw ang maknae naming dalawa, siyempre kami na ang bahala sa'yo." Kinindatan pa ako ni Nami. At sabay na nila akong hinawakan sa braso. "Alam mo, dito sa Korea. Bawal tumanggi sa mga nakakatanda." Paliwanag ni Bree. "Oo nga! Kajja!" (Let’s go!) Tili ni Nami. Wala akong nagawa kung hindi ang sumama. Nag-subway kami. Line 7. Mag-iisang oras din ang biyahe. Diretso kami sa Shopping Street. Palibaha ilang buwan na sila dito kaya siguro madami silang pangshopping. Binilhan nila ako ng tig-isang dress. Kumain di kami ng Kalguksu. Nilibre nila ako ulit. Pagkatapos kumain, nagyaya naman si Nami ng Noraebang (KTV). Papunta pa lang kami sa building kung saan sila palaging nagkakantahan nang makakita ako ng pamilyar na mukha. Hindi ako maaaring magkamali. Siya iyong lalaki sa eroplano! Ang anak ng Presidente ng bansang ito. Pero sa awra niya, parang mas bagay siyang maging Prinsipe, ang OA nga ng mga body guards niya noong araw na iyon, diba? Bakit parang mag-isa lang siya ngayon? Nagsindi siya ng yosi nang mapatulala din si Bree at Nami sa gawi niya. Oo, nagyo-yosi siya sa tapat ng building kung saan kami pupunta. Bigla akong napa-atras. Napansin iyon ni Bree kaya bigla niya akong hinila sa braso. "Saan ka pupunta?" "Naiihi ako." pagdadahilan ko. "Dito na. May CR dito." katwiran niya. "Sa iba na lang tayo." "Hala siya. Bakit kilala mo ba 'yung hottie na 'yon?" sa lakas ng boses ni Nami, napalingon tuloy ang lalaki. He must be amused to see that he, once again, saw me. Yung babaeng nakakairita na hinimatay sa braso niya habang nagte-take off ang eroplanong sinasakyan namin. "H-Hindi." Sabay-sabay pa kaming nagulat nang maglakad siya sa gawi naming tatlo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Huli ko itong naramdaman noong una kaming magkakilala ni Andrew. Mas malakas nga lang ngayon ang t***k ng puso ko. The man is obviously looking at me. At hindi ko maintindihan kung bakit ako itinulak ng dalawang roommates ko sa gawi niya bago pa man siya makarating sa amin. Malakas ang pagkakatulak nila kaya literal na tumilapon ako papunta sa hottie. Akala ko'y sasaluhin niya ako kaya napa-"Shet" na lang ako nang matagpuan ko ang sariling pabagsak na sa lupa habang nakaiwas ang lalaking 'yon. Bumagsak ako sa kalsada. Una ang baba. Akala ko pababayaan ako ng lalaki pero pinulot naman niya ako. "s**t, you're bleeding!" Dugo? Takot ako sa dugo. Mahina ang sikmura ko. Pero dahil sa kuryosidad, kinapa ko ang baba ko. Hindi basta galos ang meron dun dahil umaagos nga ang dugo ko! At duon na nagdilim ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD