Rhexyl's P.O.V "No, please! Tama na po!" pagmamakaawa ko. "Don't hurt her. Don't hurt my grandma." patuloy kong pagmamakaawa sa kanila. "Manahimik kang bata ka!" Malakas na sampal ang umalingawngaw sa buong kwarto. "Don't! Enough! Don't hurt her." pakiusap ni grandma. Sunod kong narinig ay ang malakas na tunog ng baril. ******** Napabalikwas ako ng bangon at agad akong tumingin sa paligid ko. Nang marealize kong nasa dorm ako, nakahinga ako nang maayos. Hinawakan ko ang aking ulo habang iniisip ko pa rin iyong eksenang nakita ko. Darn it! I dream it again. Itinapak ko sa sahig ang aking mga paa. Sa aking pagtayo ay bigla akong napahawak sa tagiliran ko. Nakaramdam ako ng sakit at kirot mula rito. Dumako ang tingin ko rito. Nakita kong mayr'on na itong benda. Napakunot ako ng

