Chapter #10

1321 Words
Third person's P.O.V Sabay na dumating ang dalawang grupo, nakatanggap sila ng isang mensahe na galing din sa kapwa nila kagrupo. Asking for a help, kaya mabilis nilang tinungo ang back school. Nang makita nila ang isa't isa. Lahat sila gulat na gulat dahil wala namang nasaktan sa kanila. "It's a prank!" saad na wika ng isa sa kabilang miyembro. "What the hell! We thought your not okay. You texted us, asking for a help." kuno't noong bulyaw naman ng kabila sa kaniyang kasama. "What? I never texted you all. Mahimbing akong natutulog. Ikaw ang nagtext sa'kin." depensa naman ng isa. Pinakita pa nito ang message na natanggap niya. Sabay-sabay nilang tiningnan ang message at halos iisa ang kanilang naging reaction. Gulat at pagtataka iyan ang kanilang naging tugon nang makita nila ang mensahe. Sabay-sabay nilang kinuha ang kani-kanilang cellphone upang tingnan ang message na natanggap din nila. Mas lalo silang nagtaka dahil parehong mensahe lamang ang kanilang mga natanggap mula sa iisang sender. Sender na hindi nila malaman kung sino. "Who the hell texted us?" takang saad ng isa. "Guys! We are all okay. We must leave, I don't wanna die." nagpapanik na wika ng isang babaeng kasama rin nila. "Walang mamamatay." sagot naman ng isang lalaki. Nakaramdam sila ng takot. Ang tahimik ng boung paligid, tanging ang huni lamang ng mga insekto ang kanilang naririnig. "It's your fault! Naniwala kayo sa message lang." paninisi ng isa. "Ikaw rin naman, nandito ka rin." sagot naman ng isa. "I guess, it's a trap." seryoso pero mahinang usal ng isa. Pinagmasdan nila ang isa't isa. Inilawan ang pagmumukha nila. Tanging bitbit lang nila ay mga flashlight na nagsisilbing ilaw nila. "Y-Yeah! You are right. B-bakit tayo muling nagsama-sama? I mean f*ck!" frustrated na sagot ng isa. "Guys! Stop talking. U-Umalis n-na l-lang t-tayo." garalgal na wika ng isa pang babae. "Ayaw kong matagpuang patay bukas." takot na wika naman ng isa pa sa kanila. Lahat sila handa ng umalis pero lahat sila nagulat ng mayroong mga dagger na tumusok sa daraanan nila. Sabay-sabay nila itong inilawan gamit ang mga flashlight nila. Nakita nilang mayroong mga rosas na pula na may bahid ng dugo sa dagger. Napalunok sila. "Where are you going my little mouses?" sambit ng isang malamig na boses. Awtomatikong inilawan nila ang nagsalita, subalit wala naman silang nakita. "You are too noisy." muli nilang rinig na saad nito. Sa muli nilang pag-ilaw, tumambad sa kanila ang patay nilang kasama. May laslas ito sa leeg. Napatili ang mga babaeng kasama nila. Nakarinig muli sila ng pag-daing, nanginig na sila sa takot dahil ang mga kasama nila ay isa-isa ng nawawalan ng buhay. "Whoever you are! Stop please!" paki-usap ng babaeng kasama sa grupo. "Stop? Too late dear." malamig na sagot ng taong pumapatay sa kanila. Hinawakan niya ang ulo ng babaeng nagmakaawa, malakas niya itong isinalampak sa lupa. Binaon niya sa lupa ang mukha ng babae saka niya tinasakan sa likod ang dagger. "Who the f*ck are you?" matapang na wika ng natitira. Tatlo na lang silang natitirang nakatayo. "Come out! Don't hide yourself." segunda ng isa pa. Lahat sila naging alerto sa paligid nila. Lahat ng paligid nila ay inilawan nila pero bigo silang makita ang babaeng pumapatay sa kanila. "Shut your mouth! You're too loud." malamig na sagot niya sa mga lalaking kanina pa takot na takot. "Kakayo na nga lang ang iingay niyo pa." iritableng sambit nito. "Where the hell are you?" tanong ng lalaki. Nakangisi siyang lumapit dito, at bumulong. "Right here." malamig niyang bulong sa lalaki. Nagulat at nanigas naman ang katawan ng lalaki. Nanlambot siya dahilan para siya ay mapaluhod. "Wala pa nga akong sinasabi, nakaluhod ka na." natatawang saad niya. "L-Let u-us go. Wala k-kaming ginagawa sa'yo." matapang na wika ng lalaki. "You violated my rules, little rat." saad niya, Isang malutong na sampal ang umalingawngaw sa lugar. Sa lakas ng kaniyang sampal ay tumabingi ang mukha ng lalaki. Namanhid din ang pakiramdam ng lalaki. Nalasan niya ang dugo galing sa labi niya. Hinampas niya ang lalaki ng malaking bakal sa batok dahilan para bumagsak ang lalaki. Nabitawan ng dalawa ang kanilang flashlight, tumakbo sila ngunit bumaon lang ang dagger sa kanilang mga ulo. 'Head shot.' wika niya sa kaniyang isip "You are late, Ms. Crelly Anastasia Mc'nnel." malamig niyang tawag sa kanina pang nagtatago. Natuod ang babaeng binanggit. Hindi niya inakalang mapapansin siya nito, at mas lalo siyang nagulat ng kilala siya nito. "Tingnan mo nga naman, ang isang Crelly. Sikat na sikat at hinahangaan. Nandiyan sa sulok nagtatago, you are such a coward." ani niya at humalakhak. Nainsulto siya sa winika nito, kaya walang atubiling lumabas at hinarap ang babaeng hindi niya makita kung nasaan. "What do you want?" matapang na tanong ni Crelly. Inilawan niya ang harap niya. Nagulat siya na naroon pala ang babae. Nakasuot ito ng itim. Mula ulo hanggang paa. Hindi makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng suot niyang hood. "What do you think I want, Ms. Crelly?" tanong niya. Natutuwa siyang pagmasdan ang pagmumukha ni Crelly. Gusto niyang tumawa nang tumawa, pinipigilan niya lang. Akala niya matapang ang babae. Pinadaanan ni Crelly ng liwanag ang mga kasamahan niya. Napatakip siya ng bibig sa mga kalagayan nito. Habang tinitingnan ni Crelly ang mga ito may napagtanto siya. "Y-You are the killer." gulat siyang muling sumulyap sa babae. Napaatras si Crelly. "Killer? Is that what they called me? A killer?" wika niya, Hindi makapaniwala si Crelly na nasa harap niya ang hinahanap ng kanilang dean. "What about you? You murdered your step sister because you envy her. 'Di ba, pumatay ka rin?" pagtatanong niya kay Crelly. Natulos si Crelly sa sinabi nito. "Palihim mong inilagay sa bulsa niya ang isang suicidal note para isipin nilang nagpakamatay lamang siya. Pinatay at sinaktan mo ang mga saksi sa krimeng iyong ginawa." nakangisi niyang sambit. Naikuyom ni Crelly ang kaniyang kamay. "She deserve to die!" galit na wika ni Crelly. "Inaagaw niya ang para sa'kin. Maging ang taong mahal ko. Sabit lang siya, ako lang dapat." giit at gigil na wika ni Crelly. Napatawa siya. Naiiling lamang siya sa mga sinasabi nito. "Paano mo nalaman ang bagay na iyon?" tanong ni Crelly. "I have an eyes." bagot niyang sagot. Inihakbang niya ang kaniyang mga paa papalapit kay Crelly. "Gusto mo rin akong patayin, 'di ba? O baka namang, gusto mo ring matulad sa kanila?" tanong niya. Napalunok si Crelly. Ang boses ng kausap niya ay palamig nang palamig. Hindi mawala ang takot sa dibdib niya. Humakbang na rin si Crelly palayo sa kaniya. Nagulat si Crelly ng matisod siya, napa-upo siya. She squat in front of her. Nanlamig si Crelly ng maramdaman niya ang lamig ng dulo ng dagger. "W-what are you doing?" takot niyang tanong. "One more move, I'll slice your precious thigh." banta niya kay Crelly. Tila isang robot namang sumunod ang katawan ni Crelly. Pilit niyang ginagalaw ang kan'yang binti upang makatayo pero 'di niya ito magawa. "You can tell about what you saw here tonight. But in return, they will know what you did. I can tell to them that you are the killer of this school." sambit niya, Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Whattt? Nooo! Ahhm!" bigla sigaw ni Crelly. Naramdaman niya ang sakit sa kaniyang hita, tila may ginuguhit. Napasigaw siya sa sakit. "Cover your mouth, nakaririndi ang matinis mong boses. Baka gusto mong sa bibig mo itasak itong dagger na hawak ko." inis niyang sabi. Para kasi itong kinakatay sa ingay. Awtomatikong tinakpan naman ni Crelly ang kaniyang bibig. "Good girl." nakangisi niyang wika. Pinagpatuloy niya ang pagguhit sa hita nito. Nang matapos siya, tumayo na siya. "I won't kill you, tonight." saad niya, "Cause he will kill you," she whispered on her ears. Inilabas niya ang dala niyang baseball bat. Ngumiti siya habang tinitingnan ang hinang-hinang Crelly. "Have a nice dream." huling sabi niya bago niya ito hinampas ng baseball bat. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD