CELINE realized something while looking at Benedict and Angela playing together. Parehong sumali ang mag-ama sa play dito sa school program. Aminin man niya o hindi, na-miss niya ang ganitong senaryo. Seeing her princess happy while playing with her Dad. Iyong lungkot na nakikita niya noon sa anak ay tila bulang naglaho. Nangilid ang luha niya sa kanyang mga mata. Masyado na ba siyang naging makasarili nitong mga nakaraang araw, na hindi na niya na naisip man lang ang kanyang anak? Ang kanyang munting prinsesa. Her mom was right. Ang mga magiging desisyon niya ay hindi lang dapat para sa kanya kun hindi para na rin sa kanyang anak. Masyadong bata pa ito para makaranas ng sirang pamilya. Naalala niya nga noon nang magkwento ito tungkol sa kaklase nitong nambubully dito noon. Hindi na

