INIWAS ni Celine ang kanyang mukha nang akmang hahalikan siya ni Benedict sa labi kaya naman dumampi ang labi nito sa kanyang pisngi. Binigyan lang siya ni Benedict nang alanganing ngiti at mapang-unawang tingin. "Mauuna na ako," he said and stormed out of their room. Hindi na niya nakuhang sumagot dahil tumalikod na ito. Halos ganoon ang senaryo nila ni Benedict araw-araw. He will try to kiss her before leaving for work. Mag-iisang buwan na rin mula nang bumalik sila sa kanilang bahay. She knew and felt that Benedict is trying his best para bumalik sila dati. Iyong bago ito umalis ay hahalik muna ito sa kanya. Pagkatapos ay isasabay na nito si Angela papasok sa eskwelahan nito. Pero noon iyon. Alam niya sa sariling may nag-iba na talaga sa pagitan nila. She really wanted to go back

