"SORRY." Iyon ang naibulalas ni Celine matapos kumalas sa yakapan nila ni Benedict. Ang mga mata nito ay nagtatanong sa kanya. Pero hindi rin naman nakaligtas sa kanyang paningin ang saya at pag-asa. Pag-asa para sa bagong yugto ng kanilang pagsasama. "Sorry, sorry kasi nasasaktan kita. Sorry kasi hindi ko maibigay agad yung kapatawaran at tiwala na.." Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang pigilan siya ni Benedict. "Mahal, don't be sorry. Please." Hinawakan siya sa magkabilang pisngi ni Benedict. Hinawi rin nito ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha at mataman siyang tinitigan sa kanyang sa kanyang mga mata. At marahang pinalis nito ang mga luhang naglandas sa kanyang pisngi. "'Wag kang humingi ng sorry. Ako, ako ang may kasalanan ng lahat. Ako, ako mahal ang dapat pa

