MAHIHINANG tapik ang nagpagising kay Celine mula sa himbing ng kanyang pagtulog. "I'm sorry kung sobrang late ako." Kita niya sa mukha ni Benedict ang halong inis at lungkot. Tumingin ito sa relong pambisig. "We still have a half hour to celebrate. Here." Inabot nito sa kanya ang pumpon ng mga pulang rosas. She blinked. Nangunot ang noo niya. Hindi niya napigilan ang maluha nang mapagtantong panaginip lang pala ang pagkakahuli niya kay Benedict at Mirasol. "Mahal, tahan na. Sorry. Sorry." Umupo ito sa kanyang tabi at hinalik-halikan ang kanyang buhok. "Biglaang meeting with the prospective investor. 'Tas along the way, may banggaan that caused heavy traffic. Almost two hours akong stranded. Hindi naman kita matawagan dahil nawawala ang phone ko. I don't know kung nasa'n ko nailagay."

