Chapter 10

1134 Words

"SOL!" Niyakap agad ni Celine nang mahigpit ang bestfriend niya pagkabukas na pagkabukas palang ng pinto ng condo nito. Ito agad ang naisipan niyang puntahan matapos ang mga nalaman niya kagabi. Ang pagtataksil ng asawa niya. "C-celine?" alanganin nitong saad. Humiwalay ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. "What happened?" Hindi siya sumagot bagkus ay kusa nalang tumulo ang mga luha niya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig na siya sa sobrang pag-iyak. "Halika, pasok ka muna." Tumango na lang siya sa sinabi nito at nagpatinaod na. Nahihiya nga siya sa kaibigan dahil wala man lang siyang abiso na pupuntahan niya ito na ganitong kaaga. Nakaroba ito at nakapusod sa tuktok ng ulo ang gulo-gulo nitong buhok. Gayunpaman, hindi naging k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD