Kinabukasan, inilabas na si Sienna sa hospital ng kaniyang tiyanhin na si Kaka. Ngunit hindi parin gumigising ang kapatid nitong si Chloe. Ngunit hindi parin nawalan ng pag-asa si Zao na magigising ito. Nakaupo siya sa mahabang sopa habang nilalaro ang kaniyang mga daliri, at maya-maya ay biglang gumalaw ang daliri ng dalagang si Chloe. Nang makita iyon ni Zao ay natuwa ito at sabay na tumayo upang lapitan ito. Marahang iminulat ni Chloe ang kaniyang mga mata. “ Salamat at gumising kana,hinintay kitang magising,”masayang sabi nito sa dalaga. Imbes ay magsalita si Chloe, kusang tumulo ang mga luha sa kaniyang mukha na ikinataranta ng binata. Dali-dali itong pinunasan gamit ang palad nito. “ Oh bakit? May iba ka pabang nararamdaman?”takang tanong nito sa dalaga. Tinitigan lamang siya nito.

