Third Person's POV Binalikan si Chivalry ng babaeng ninja sa pinagtaguan nitong ugat ng akasya ngunit duguan ang kanang balikat nito. May tama itong baril, nang makita ito ng bilyonaryong binata ay nag-alala ito sa kalagayan ng babaeng ninja. Napadaing ito sa sakit ng sugat nito sa kaniyang balikat. Nakasuot ito ng puro itim ngunit bakas parin ang dugo nito. Dahang-dahang nilapitan ni Mr.Chivalry ang ninja. “ What happened? ”nag-alalang tanong nito sa dalaga. Hindi siya nagawang tapunan ng tingin. Upang mapigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat ng ninja sa balikat nito ay pinunit ng binata ang suot niyang polo at kaniya itong itinali sa braso ng dalaga. Hindi alam nito na ang kaniyang kaharap ay isang babae. Ang pagkakaalam nito ay isa itong lalaking ninja. Hindi niya pa kasi nakita

