Bata palang si Sienna ay pangarap na niyang maging isang siyentista tulad ng kaniyang ama. Hinuhubog ng kaniyang ama ang kaniyang isipan tungkol sa mga dapat at di dapat gawin ng isang siyentista.
Lumaki si Sienna na may determinasyon na kaniyang maabot ang kaniyang pangarap. Ang mga magulang nito ay buong sumusuporta sa mga mithiin nito.
Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ng dalaga. Ang maging ganap na siyentista, siya ay nagtrabaho sa mismong laboratoryo ng kaniyang ama na si Samuel. “Dad, possible bang magdulot ng masamang epekto ang maling paggamit ng isang selyula o sperm cell?”tanong ni Sienna sa kaniyang ama habang ito ay inieksperimentuhan nito ang isang daga na nakuha nila. Mataimtim na nakatingin ang dalaga sa kaniyang ama habang ito'y ginagawa. “ Possible, anak kasi once na magkamali ang isang siyentista sa pag-eksperimento sa isang selyula magdudulot talaga ito ng dilubyo sa tao lalo na sa kalusuguan at sa moralidad ng mga ito.”sagot ng kaniyang ama.
“ Paano po kapag ang sperm cell ng lalaki ay hindi sinasadyang maiturok sa isang babae?”bigla nitong sa ama. Napahinto ito at bahagyang lumingon sa kaniya.
“Bakit mo natanong, anak?”seryosong tanong nito sa kaniya. “ Siyempre mabubuntis 'yung babae na tinurukan 'nung sperm cell ng lalaki.”tugon nito sa kaniya at sumagi sa kaniyang isipan ang kaniyang panaginip.
Siya'y ay nagkaroon ng panaginip na hindi karaniwang mapapanaginipan ng isang tao. Napanaginipan nito ang isang selyula at nabuntis siya dito. Hindi niya ito sinabi sa kaniyang mga magulang kasi sila ay nabubuhay sa isang siyentipikong pamamaraan. At ayaw niyang mabahala ang kaniyang mga magulang. “ Ganun po pala iyon.”
“Hindi ba't napag-aralan niyo na iyan sa klase niyo”pilyong tanong ng ama nito. Napakamot ang dalaga sa kaniyang batok bago sinagot ang tanong ng kaniyang ama. “ Wala lang po, dad.”
Iniiwasang maisip nito ang nangyari sa kaniyang panaginip. Nakaramdam siya ng takot sa mga sandaling ito. “ Ang gulo ko talaga,"saway nito sa kaniyang sarili. Kumuha siya ng mga kagamitan nito sa pag-iksperimento.
“ Saan ka pupunta anak?”tanong sa kaniya ng ama nang umalis ito. Lumipat ito sa kabilang sulok ng laboratoryo. “ Magsasagawa po ng eksperimento.”sagot niya dito
Agad siyang nagsagawa ng eksperiment. Kumuha siya ng isang microscope at kaniyang pinag-aralan ang cells ng bulate.
Maya't-maya bigla nagvibrate ang kaniyang phone na nasa loob ng kaniyang bag. Kinuha niya ito at sinagot. “ Kate? Ba't napatawag ka?”deretsong tanong nito sa kaibigan. Si Kate ay inaanak ng kaniyang ama.
“ Are you free tonight?”tugon nito sa kaniya at sabay na inilapag nito ang hawak niyang microscope. “ Sorry, kate hindi ako makakasama sayo kasi may pinang-aralan akong selyula dito sa lab ni Daddy.”tanggi nito sa kaibigan.
“Ganun ba, Sien. Oh sige next time nalang.”saad nito at agad nitong binaba ang tawag.
Muli niyang sinuri ang selyulang nakuha nito mula sa bulate. Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-aaral ay nakatanggap siya ng text galing sa kaniyang ina. Isinintabi niya muna ang kaniyang ginagawa at ibinaling ang sarili sa mensahe ng kaniyang ina. “ Anak, papunta diyan ang anak ni Deio Rodriguez may ibibigay siyang sample sayo.”
Napaisip ang dalaga kung sino ang tinutukoy ng kaniyang ina,dahil hindi pa niya nakita ang anak ng isang negosyante. Maya't-maya ay biglang may pumasok sa laboratory kung saan siya naroon.
“ Ikaw ba si Dra. Sienna?”tanong ng lalaki sa kaniya. Sa porma ng binata ay makikita ang status nito sa buhay. Taas-noong tumingala si Sienna sa lalaki sapagkat matangkad ito sa kaniya.
“ Oo bakit?” At anong ginagawa mo rito?”seryosong tanong nito sa binata. May kinuha ang binata sa loob ng kaniyang backpack at sabay na inabot sa dalaga.
“ Gusto ko sanang pag-aralan mo ang DNA sample ko at iyong sperm sample ko.”direkta nitong turan na ikinagulat niya.
“ Dad! Someone is here.”tawag nito sa kaniyang ama na nasa kabila habang abala sa pag-eeksperiment sa daga.Nang marinig nito ang anak ay agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan nito.
“ Mr.Rodriguez, nice to meet you. Anong pakay mo sa laboratoryo namin?”turan ng kaniyang ama nang makita ang binata.
“ Hinatid ko lang po ang DNA sample ko,"sambit nito sa kaniyang ama. Ngumiti muna ito sa kaniya bago tuluyang lumabas ng lab.
“ Aalis napo ako,”paalam nito sa kanila. ”Bitbit ni Sienna ang isang maliit na sisidlan na may lamang sperm cell nito at kaniya itong inikot-ikot. “ May idea kaba dad kung bakit niya ibinigay satin ang DNA sample niya?”tanong nito sa ama.
“ Di ko rin alam, anak.”tugon nito sa kaniya at nilagay niya ito sa may mesa niya. Sa kabilang banda ang negosyanteng si Adam ay agad na sumakay sa kaniyang kotse at sabay itong pinaharurot.
Habang nasa biyahi siya ay biglang tumawag ang kaniyang asawa na si Amelia. Kaya agad nitong ini-on ang kaniyang airpods at sinagot ang asawa nito. “ Where are you, hubby?”tanong nito sa kaniya. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kalsada at sa mga tao sa labas.
“ May dinaanan lang ako sa lab ni Dr. Feiro.”tugon nito sa asawa. Sa di kalayuan may nakita siyang mga bata na nagmamalimos sa gilid ng kalsada sa mga sasakyang dumaraan. “ oh sige na, wife nagdri-drive pa ako kailangan ko na itong ibaba.”
“ Take care!”
Nang ibaba nito ang tawag ay kaniyang binuksan ang bintana ng kaniyang kotse at sabay na tinawag ang batang namamalimos. Kaagad itong lumapit sa kinaroroonan niya. Dumukot siya ng pera sa wallet nito at inabot sa bata. “ Bumili kayo ng makakain niyo.”anito sa bata
Abot-langit ang ngiti nang bata nang inabutan niya ito. “ Salamat, sir may maipakain na ako sa mga kapatid ko. Aakma na sana nitong isirado ang binata ng kanyang kotse nang biglang sumikip ang kaniyang dibdib. Humawak siya sa kanang bahagi ng puso nito at mahinang napapaungol sa sakit nito.
Ilang segundo pa bago nawala ang sikip na kaniyang nararamdaman. Nang mawala ito ay agad niyang pinaharurot ang kaniyang kotss pauwi sa kanilang mansyon.
“ Mom, daddy is here!”natutuwang sambit ng kaniyang dalawang anak nang makapasok siya sa gate ng kanilang mansyon. Nakita nito ang kaniyang mga anak na lumabas ng mansyon upang salubungin ito.
Kaniyang ipinarada ang sasakyan sa parking lot ng kanilang mansyon at agad na lumabas mula dito. “ Dad!”sabay-sabay na tawag sa kaniya ng mga ito at sabay na yumakap. “ I missed you a lot, where have you been?”malungkot na sambit ng anak nito.
Siya ay may asawa't anak na. Kambal ang mga anak nito, isang babae at lalaki na sina Akasya at Aki. “Daddy, can we go shopping?”pagmamakaawa ng dalawa nitong anak sa kaniya.
Napapailing siya sa pabor ng mga anak. Medyo napagod siya sa biyahi at sa kumpanya nito.
“ Sorry, anak pagod kasi si daddy bawi nalang sa inyo next time, okay?”tanggi nito sa mga anak. Ang mukha ng mga anak niya ay lumungkot sa kaniyang pagtanggi.
“ Ang dami kasing ginagawa ni daddy. Sana maintindihan niyo si daddy.”dugtong pa nito sa mga anak.
“ You're always busy dad. You don't have time for us.”nakasimangot na turan ni Akasya ang panganay nitong anak ang kambal ni Aki.
“ Sorry, anak babawi si daddy sa susunod. May importa pa akong gagawin eh.”
“ As always dad.”pagdadabog ni Akasya at sabay na tumakbo papasok ng mansyon. Napabuntong-hininga na lamang siya sa inasta ng anak samantalang si Aki ay nanatili itong nakayuko at kaniya itong niyakap. “ Son, are you mad at daddy?”mahinahong tanong nito sa anak at marahang hinawi ang buhok nito sa tenga. “ No,dad but can you give us a little time?”bulong ng anak nito sa kaniya.
Kaniyang pinisil ang matangos nitong ilong at sabay na kinarga. “ Maybe tomorrow.”sambit niya na ikinatuwa ng anak.
Sa kabilang banda abala ang mag-ina at ang mga kasamahan nito sa kani-kanilang eksperimento. Nang matapos mag-eksperiment si Sienna sa selyula ng bulate ay ibinaling nito ang sarili sa selyulang hinatid ng isang sikat na negosyante. Nang kaniya itong buksan ay biglang na-out balance ang kaniyang kinaupuan at siyay nahulog sa sahig ngunit kasabay nun ang pagkahulog ng selyulang ibinigay ng negosyante sa kaniya.
Ito'y natapon sa bandang puson nito. Ang mga likido ay aksidenteng napunta sa kaniyang pwerta. Dali-daling tumayo si Sienna nang mapansin ang likidong dumaloy sa puson nito papunta sa kaniyang pwerta. Pinagpawisan ang dalaga habang inayos nito ang sarili. “ Are you, okay?”tanong ng isa mga siyentistang kasama nito.
Tumango- tango siya dito bilang pagtugon sa tanong ng kasamahan. Agad siya nitong tinulungang makatayo. “ You're so wet, Sien. Anong nangyari sayo?”nababahalang tanong ng kasama nito na si Chloe. Isa rin itong siyentista.
“ OMG! Sperm cells?”gulat na sambit ni Chloe nang hawakan nito at sabay na inamoy ang likidong nasa palda ni Sienna. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ng dalaga habang nakatingin sa dalaga.
“ Nangyari iyong nasa panaginip mo, dear.”dugtong ni Chloe na ikinatakot niya. Sa mga sandaling iyon ay hindi matyansa ng utak nito ang nangyari. Gusto niyang magtatalon sa inis.
“ Anong gagawin, ko kloy? Natatakot ako.” nanginginig ang mga tuhod nito sa takot at pag-alala.
“ You have no choice, Sien kundi itago ang nangyari sayo ngayon.”
“ Paano?”
“ Sa ngayon ang pwede mong gawin ay itago iyan. Hindi iyan pwedeng malaman ng mga magulang mo.”ani Chloe
May tumulong luha sa kaniyang mga mata ngunit nang maramdaman nila ang footsteps ng ama nito na papunta sa kaniyang kinaroroonan ay agad niyang pinahiran ang luha sa kaniyang mga mata gamit ang kaniyang palad.
Kaniyang inayos ang sarili. “ Sien? Are you okay?”nag-alalang tanong sa kaniya ng ama. Siniko siya ni Chloe nang hindi siya sumagot sa ama. “o-okay lang ako dad.”tugon nito sa ama.
“ Medyo napagod lang po ako.”
“ Mauna na kami sayo, tito. Ihahatid ko narin si Sien sa bahay niyo.”paalam ni Chloe sa am nito at sabay na hinawakan nito ang kamay niya. Mag-aalas sais na ng hapon sa mga sandaling iyon.
“ Sige, Dra.Acebedo mag-iingat kayo sa pag-uwi susunod ako sa inyo.”tugon nito sa kanila. Dali-daling hinatak ni Chloe ang kaniyang kamay at dumiretso sa dressing room. Nagkalat sa buong palda niya ang likidong nagmula sa bilyonaryo na iyon.
Kinuha ni Chloe ang extra undies niya at isang skirt. At sabay itong inabot sa kaniya. “ Suotin mo muna iyan kasi ang lagkit lagkit mo.”marahang sabi nito sa kaniya.
Napayuko na lamang siya sa sobrang hiya. Pagkatapos niyang magpalit ay agad niyang dinampot ang kaniyang bag at umalis.
Kaniya-kaniya silang sumakay sa kani-kanilang kotse. Ang kotse ng dalaga na si Chloe ay nakasunod sa kaniya.