Chapter 2

2000 Words
Umuwing malagkit si Sien sa kanilang bahay pagpasok niya sa loob ay sinalubong siya ng kaniyang ina. “ Anong nangyari sayo?”nag-alalang tanong nito sa kaniya. Niyakap niya lamang ito bilang tugon. “ May nangyari bang hindi maganda sayo dun sa lab?”napalunok si Sien sa tanong ng kaniyang ina. Kinalma ang sarili at sabay na ngumiti dito. “Nothing, mom. I'm so tired.” tanggi niya at sabay na umakyat sa second floor. Gusto niyang maglaho na parang bula. Walang buhay niyang binuksan ang pinto ng kwarto niya at nanghihinang pumasok. “ Anong gagawin ko?”humihikbing saad nito sa sarili. Muli siyang naging emosyonal nang muling maalala ang nangyari sa kaniya sa lab. “ You're so idiot, Sien. Ang tanga- tanga mo talaga!”singhal nito sa sarili. Isinubsob nito ang kaniyang mukha sa kama. “ Fvck! fvck!”pagsisigaw nito at sabay na pinaghahampas ang unan nito. Ang kaniyang boses ay umecho sa buong mansyon nila kaya't ang ina nito ang nag-alalang umakyat sa kwarto niya. “ Sien, open the door!” “Leave me, alone!” “ No, sien mommy is always here for you.” “ Leave me alone, mom please!”umiiyak na sigaw nito kaya lalong nag-alala ang kaniyang ina. Humahagulhol siya habang pinaghahampas ang kama nito. “ I want to die!” hindi mapakali ang kaniyang ina kaya't agad nitong tinawag ang kanilang katulong na si Elisa. “ Manang,kuhanin mo yung duplicate ng susi ng kwarto ni Sien, bilis!” hindi mapigilang manginig sa takot ang ina dahil patuloy na nagwawala ang anak nito sa loob ng kwarto. Nag-alala siya sa mga posibleng gawin nito sa sarili. “ Bilisan mo, manang!” at agad na nakarating ang kanilang katulong dala ang duplicate na susi ng kwarto ng anak. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at tumakbo papasok. Nadatnan niya ang anak habang ito ay naglumpasay sa sahig. Umiiyak siyang itinayo ito at niyakap. “ Ang tanga- tanga ko, mom!” anito sabay na pinagsusuntok ang kaniyang sarili na agad namang pinigilan ng kaniyang ina. “Tama na anak, wag mo ng saktan ang sarili mo!”awat nito sa anak. “ Pwede mo bang sabihin kay mommy kung ano ang nangyari?”mahinahong pakiusap sa kaniya nito. Ilang segundo ay pumasok ang kanilang katulong na si Elisa at may dala itong isang basong tubig. At sabay itong inabot sa ginang. “ Mom, ayoko! Natatakot ako!”tanggi nito at mas lalong humahagulhol. Hinahagod nito ang kaniyang likod. “ Kung ano man iyan anak, handang makinig si mommy sayo. Wag kang matakot" “ Hindi pa ako, mom.” “oh sige, hindi kita pipilitin pero nakikiusap ako sayo, tumigil kana sa pag-iiyak. Nasasaktan ako, anak sa tuwing nakikita kitang umiiyak.”pakiusap ng ina nito sa kaniya. “ Natatakot ako sa mga possibleng mangyari mom.”sambit nito at muling niyakap ang ina. Huminto na ito sa pag-iyak ngunit humihikbi parin ito. Ang namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak. “ Uminom ka muna ng tubig, anak.” At sabay na inabot ng ginang ang isang basong tubig sa anak. Tinanggap naman iyon ni Sienna. Mga ilang sandali ay dumating ang kaniyang ama na si Dr. Feiro kaya't agad na napatayo si Sienna nang marinig ang boses ng kaniyang ama habang ito ay paakyat sa kwarto nito. “ Mahal!” “ Nariyan ba kayo?” Inayos ng ginang ang hitsura ng anak upang hindi mahalata ng asawa nito. “ Calm down,okay!”mahinang turan nito sa anak at nakinig naman ito sa kaniya. “ Mahal!” “Siensien!” Bumuntong-hininga si Sienna at sabay na humiga sa kanyang kama. “ Ako na ang bahala sa papa mo.”anito sa anak “ Mahal!” muling nitong tawag sa asawa. Agad na lumabas ang ginang mula sa kwarto ng kaniyang anak. “ Oh nandiyan kalang pala, mahal kanina pa ako tawag ng tawag sayo.”sambit ng asawa nito. “ Galing kasi ako sa Kwarta ni Siensien.”tugon nito sa asawa at sabay na hinila ang braso nito pababa ng hagdan, nagpaubaya naman ang asawa nito sa kaniya. “Kumusta ang anak natin, mahal?”seryosong tanong nito sa kaniya. Ngumiti lamang siya dito. “ She's good at nagpapahinga na siya sa kwarto niya.” “ Halika, mahal ipagluluto kita ng paborito mong ulam.”anito sa asawa. Hindi naman nahalata ng asawa ang namumugtong mga mata nito. Umupo ito sa sopa at sabay na tinanggal ang kaniyang sapatos. Napasandal ito sa pagod at pumikit. “ Iidlip lang muna ako mahal ha?”paalam nito sa asawa na nasa kusina kasama ang kanilang mga katulong. “ Oh sige lang, mahal. Gigisingin nalang kita mamaya kapag nailuto kona ang paborito mong ulam.”tugon nito sa asawa Sa kabilang banda ang kaibigan nitong si Chloe ay hindi makapaniwala sa nangyari sa kaibigan nito na si Sienna. Sa tagal niyang nagtratrabaho bilang siyentista ay ngayon lang ito naka-encounter ng ganung pangyayari. Nasa labas siya ng kanilang Veranda habang nakatingin sa ibaba. “ Poor little, Sienna sa dinami-daming tao dito sa mundo, sa kaniya pa napunta ang malas. She's young pa para mabuntis.”sabi nito sa kaniyang sarili. Maya't-maya ay dinial nito ang numero ng kaibigan ngunit hindi niya ito makontak kaya dinial niya nalang ang numero ng ina nito. “ hello, tita how's she?”agad na tanong niya sa ginang sa kabilang linya. Nag-alala siya sa kaibigan kaya niya tinawagan ang ina nito. “She's okay, hija.”napapaos na tugon nito sa kaniya. Nang marinig niya ang boses ng ginang ay alam niyang umiyak ito. “ Are you okay, tita?” “ Yes, hija. May kailangan kaba?”pag-iba nito ng usapan. Sa di kalayuan mula sa veranda ay nakita niya ang kotse ng kaniyang ama. Siya ay anak ng isang chief of police ng siudad. “ Wala napo, tita kinumusta ko lang si Siensien.”marahang turan nito. “ Bye tita,”paalam niya dito at sabay na ibinaba ang tawag. Kaniyang isinilid sa loob ng kanyang bulsa ang phone nito at pumasok sa loob. Habang pababa siya ng hagdan ay nakasalubong niya ang kaniyang ama na kapapasok lamang at kaniya itong binati. “ Good evening dad, how's your work?”bati nito sa ama. Inilagay ng kaniyang ama ang bitbit nitong attaché case sopa at sabay na umupo. “ It's okay, dear what about you?” “ Okay rin naman, dad.” “ Nasan ang mommy mo?” tanong nito sa kaniya. Hinanap nito ang kaniyang asawa na hindi pa dumating. Tinitignan ng dalaga ang kaniyang paligid ngunit hindi niya nakita ang ina. “ Hindi pa yata dumadating, dad.”tugon nito sa kaniyang ama. “Maiwan na kita dad, lalabas muna ako saglit.”paalam nito sa ama, pinayagan naman siya nito. “ Saan ka pupunta?”seryosong tanong nito sa kaniya. “ Pupuntahan ko lang po si Sien sa bahay nila.”tugon ni Chloe sa ama. Inalis ng ama nito ang kurbata bago sumagot. “ Mag-iingat ka sa pagmamaneho anak.”bilin sa kaniya ng ama. Bumeso siya dito at sabay na naglakad palabas ng bahay. “ Babalik din ako kaagad ,dad.” “ Bye, anak mag-iingat ka.” Nang makalabas si Chloe mula sa kanilang bahay ay agad itong sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar. Habang tinatahak nito ang daan patungo sa village ng kaibigan may nakita siyang babae sa may gilid ng kalsada habang ito'y may kalong na isang sanggol. Kaniyang hininto ang kaniyang kotse at sabay na dumungaw sa binata. “ Gabing-gabi na manang bakit nandito pa kayo sa daan at saka sanggol ba iyang dala-dala mo?”nag-alalang sambit nito sa isang ginang na may kalong na sanggol habang ito ay nakaupo sa semento. “ Saan kaba umuuwi? Ihahatid na kita.”suhetsyon nito sa ginang at bahagyang inangat ng ginang ang ulo nito. “ Salamat nalang, hija pero wala na kaming mauwian ng anak ko, pinalayas kami ng may-ari ng nirentahang bahay namin.”malungkot nitong tugon sa kaniya. Naawa naman si Chloe sa sitwasyon ng ginang kaya ay lumabas siya sa kaniyang sasakyan at sabay na nilapitan ang mag-ina. “ Kung ganun po ay sumama nalang po kayo sa akin.”aya niya dito “ Halika ka, manang pumasok na tayo sa kotse ko.”aya nito at sabay niyang inalalayan ang mag-ina papasok sa kotse nito. Nang maisakay niya ang mag-ina sa kanyang kotse ay binalikan niya ang mga gamit nito na nakasilid lamang sa isang kahon. Inilagay niya ito sa likod ng kotse niya. “ Wag kang mag-alala, manang sa akin muna kayo tutuloy sa ngayon.”nakangiting sambit nito sa ginang na ikinatuwa nito. Ang sanggol ay biglang nagising kaya't agad itong umiyak tila nagugutom ito. “ Ilang buwan napo ba iyang sanggol mo, manang?”tanong nito. “ Dalawang buwan pa lamang, hija.”tugon nito sa kaniya. Ang mga mapupungay nitong mga mata ay nanghihina tila nawawalan ng pag-asa. Bumalik si Chloe sa kanilang bahay dala-dala ang mag-ina. Pinadede ng ginang ang sanggol nito kaya tumahan na ito sa kakaiyak. “ Kumain napo ba kayo, manang?” “ Isang araw na akong hindi kumakain, hija. Dinukot ng mga batang magnanakaw ang pitaka ko.”malungkot nitong tugon sa kaniya. Kumirot ang puso ng dalaga nang marinig ang sinabi ng ginang sa kaniya. Insaktong napadaan sila sa isang fast food kaya't hininto ni Chloe ang kaniyang kotse at saka bumili ng pagkain para sa ginang. Nang makabili siya ay agad siyang bumalik sa kotse at sabay na inabot ang isang paper bag na may lamang pagkain at isang bote ng tubig.“ Salamat, hija kay buti-buti ng kalooban mo.” “ Wala pong anuman, manang. Kasi naranasan din naman dati ang hirap kaya't tumutulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong ko.”nakangiting sambit niya sa ginang. Agad na nilantakan ng ginang ang biniling pagkain ni Chloe habang nakatingin siya sa ginang na kumakain ay nakangiti siyang pinagmasdan ang ginang na kumakain. Ilang minuto ang nagdaan ay nakarating na sila sa village nito. Nang nasa tapat siya ng gate ay agad siyang bumusina at kaagad siyang pinagbuksan ng kanilang guwardiya. “Magandang gabi po, maam.”bati ng guwardiya sa kaniya. Pagpasok nila sa loob ay agad niyang pinarking ang kaniyang kotse at lumabas. Kaniyang pinagbuksan ng pinto ang mag-ina at inalalayang lumabas. “Dahan-dahan lang po,”ani nito sa ginang habang kaniya itong inaakay palabas ng kotse. Nagulat ang mga kasambahay nang makita nila ang kasama ng kanilang amo. “ Manang, pakitulungan po yung mag-ina papasok sa bahay.” “Oh sige po maam. Halika, pumasok na tayo sa loob.”ani ng kasambahay nila na si Tresing. Nakasunod ang dalaga sa ginang at sa mga kasambahay nito. Yung isa sa mga ito ay binitbit ang isang kahon, at yung iba ay inalalayan nilang makapasok ang mag-ina sa loob ng mansyon. Sumalubong sa kanila ang mayor doma ng bahay na si Hubin. “ Magandang gabi po sa inyo, maam.”bati nito sa dalaga. “ Magandang gabi din sayo, manang.”bati nito pabalik. “ Sino po iyang kasama mo, maam?”seryosong tanong ni Hubin sa kaniya. “ Nakita ko siya sa kalsada kaya't inuwi ko siya rito. Dumating naba si mommy?”tanong ni Chloe dito. “ Kararating lang din po ng mommy mo, maam.”sagot nito at ang kaniyang mga mata ay hindi tinatantanan ang mag-ina. “ May iba pabang space don sa quarter niyo?”napataas ang kilay nito nang tanungin ng dalaga tila'y hindi nagustuhan ang tanong ng kaniyang amo. “ Maam, hindi kaya miyembro iyan ng sindikato?”biglaang saad ni Hubin sa kaniya. “ Hindi iyan, manang. Oh sige ikaw na ang bahala sa mag-inang iyon aakyat na muna ako sa kwarto ko."paalam niya dito. “Oh sige po maam,”agad na umakyat si Chloe sa ikalawang palapag at sabay na pumasok sa kaniyang kwarto. Sa kabilang banda, ang dalagang si Sienna ay nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD