Agad na nahanap ni Amero ang mga kaibigan niya. Turn narin ng team nito sa pagsabak sa Car racing,kaniya-kaniya itong sumakay sa kanilang auto. Dalawa sa kaibigan niya ang kasali rito, si Jefferson at si Zaloe ang sumabak dito. Magigiting ang mga kalaban nito, umupo si Amero habang nakangiti. Pinagmasdan niya ang kaniyang dalawang pinsan na sina Jefferson at Zaloe. Paunahan ito sa finish line. Buhay rin ang nakataya dito dahil nag-uunahan ang lahat ng racer sa finish line. Noong nakaraang taon ay may nadisgrasyang racer at namatay ito sa lakas ng impak ng pagsalpok nito sa poste. Todo suporta ang mga magulang ni Zaloe at Jefferson, si Jefferson ay anak Valen Chivalry sa asawang si Mariz, ang babaeng ninja na nakilala niya. Samantalang si Zaloe ay anak ni Zao at Chloe, pinsan ng kaniyang

