Kaagad na isinugod si Amero sa hospital ng kaniyang tiyahin at ng dalawa niyang pinansin. Inaasikaso naman kaagad si Amero ng doctor at nurses ng hospital. Sabay na dumating ang kaniyang mga magulang na sina Sienna at Adam. “ Where's my baby?”natatarantang tanong ng kaniyang ina sa kapatid nitong si Chloe. Agad naman siyang niyakap nito ng mahigpit. “Please, calm down sis kasalukuyan pa siyang inaasikaso ng doctor at nurses sa loob ng ER,"sagot nito sa kaniya. Hindi mapigilan ni Sienna ang maluha sa pag-aalala sa anak niya. “ Bakit niyo siya isinugod sa hospital anong nangyari?”nagtatakang tanong ni Adam dito. “ Tito, nadatnan nalang namin siyang wala ng malay sa loob ng kotse niya. Napapansin rin namin ang pamumutla niya nang matapos ang car racing naming dalawa ni Jefferson,”anito Za

