Third Person's POV Hindi makapaniwala ang kaniyang ama sa nalaman nito. “ Niloko ako ng asawa't ama ko,”dagdag pa ni Adam. “ Dad pwede bang hindi na natin iyan pag-usapan pa?”pakiusap ni Sienna sa kaniyang ama. Ayaw niyang masaktan pa si Adam sa mga masasamang alaala nito sa piling ng asawa't ama nito. “ O sige anak pasensya na kung masyado akong mausisa.”sambit ng kaniyang ama at inaya silang pumasok sa loob ng lab. “ Pasok muna tayo sa loob.”aya ng kaniyang ama sa kanila at agad silang nagsipasukan sa loob ng lab. Naunang pumasok ang kaniyang ama at sumunod silang pumasok dito. “ Nga pala, anak kailan ang balik niyo sa Cebu para naman mapaghandaan ko?”tanong ng kaniyang ama habang naglalakad sila papasok ng lab. “ Baka next,dad. Aasikasuhin muna namin ang mga papeless ng dalawa niya

