Third Person's POV Simula nung mamatay si Amelia ay inilibing nila ito sa pribadong sementeryo. Gumuho ang mundo ni Magnus nang makarating sa kaniya ang balita sa pagkamatay ni Amelia sa kulungan. Pinagsisisihan niya ang mga maling desisyon niya sa buhay lalo na ang pangloloko niya sa mismo niyang anak. Walang ginawa si Magnus sa kulungan kundi ang umiyak. “ Balang araw ay mapapatawad niyo parin ako mga anak ko!bulong nito sa kanyang sarili, nagkaroon siya ng depression pagkaraan ng ilang mga araw sa loob ng kulungan. Ipinarehab siya ni Adam sa mental hospital. Inaalagaan at inaasikaso siya ng mga nurses nga nakaasign dito. Sa kabilang banda ay hindi parin matanggap ng kambal ang nangyari sa kanilang ina. Marami paring bumabagabag sa kanilang isipan kung bakit iyon nagawa ng kanilang i

