Third Person's POV Nang mahanap nina Siena at Adam ang kanilang anak ay agad silang umuwi ng pilipinas. Nakasunod sa kanila ang asawa't ama nito, silay ililipat sa pilipinas. Kahit nahuli na nga sila ay wala paring pagsisisi si Amelia. “ Hindi niyo ako maikukulong, nandiyan ang mga anak ko hindi nila ako hahahyaang makulong!”pagpupumiglas ni Amelia nang sila ay makarating sa pilipinas. Parehong nakaposas ang kaniyang kamay. Idiniretso siya sa bilibid. Pagdating niya dito ay pinagpipiyestahan siya ng mga prisong babae na kasama niya sa iisang kulungan. “ Hoy! Get me out of here! I have a money and I can get what I want!”pagsisigaw ni Amelia sa loob. Ang kapitana ng mga priso na si Lucia ay nagising sa mahimbing nitong pagkakatulog nang dahil sa ingay ni Amelia kaya't napatayo ito at baha

