Sienna's POV Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig kaya pala nung una kong nakita si Zao ay parang may kakaiba sa kaniya. Siya pala ang ama ng anak ni Chloe. Nangingilid ang luha ko sa saya na naramdaman ko sana, bumalik narin ang alaala ko. May kinuhang singsing si Zao sa loob ng kaniyang bulsa. OMG! Magpro-propose naba siya? Para akong nasa telenobela. At biglang lumuhod si Zao. “ Will you marry me, Chloe Acebedo?” tanong ni Zao habang nakaluhod at nakatingala kay Chloe. Grabe 'yung naramdaman kong kilig tagos sa pader. “Yes! Yes Zao magpapakasal ako sayo.”sagot ni Chloe at agad silang nagyakapan sa isa't-isa. Hinalikan ni Zao sa labi si Chloe. Naiinggit tuloy ako sa kanila. May gagawa din kaya sa akin ng ganyan? “Salamat, love.”anito at muli niyang hinalikan si Chloe. Tama

