Sienna's POV Ang saya ko nung nalaman kong nanganak na ang kapatid ko kahit hindi pa bumabalik ang alaala ko. Naramdaman ko kasi ang lukso ng dugo sa kaniya. Sana nga ay bumalik na ang alaala ko para naman hindi ako mahirapan. Kasama ko ngayon si Yuros at binisita namin si Chloe sa hospital. Habang nasa labas kami ng kwarto ay may lalaking papalapit sa amin. Kausap ni tita kaka 'yung baklang kaibigan ni Chloe na si Gino ngunit nang dumating 'yung binata ay agad itong nagpaalam at pumasok sa loob. Pamilyar ang mukha niya sa akin ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. May kaugnayan din kaya siya sa alaala ko? Nanlaki ang mata ko nang tawagin siyang anak ni tita kaka. May anak pala si tita kaka pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Ang hirap talaga magkaroon ng amnesia. “

