Third Person's POV Kinabukasan araw ng linggo ay nakipagkita ang binatang si Yuros kay Sienna upang aminin ang totoo dito tungkol sa natuklasan niya. Hindi kinaya ng konsensya ng binata ang ilihim ito sa babaeng iniibig niya. Nagkita sila sa isang restaurant na kabubukas lang, mag aalas otso pa kasi ng umaga nang magyaya ang binatang si Yuros kay Sienna. Iniwan ni Sienna ang kaniyang anak sa pangangalaga ng kapatid niyang si chloe. Pagdating ko ni Sienna sa restaurant ay agad niyang nakita ang binata sa loob ng restaurant. Marahang itinulak niya ang pinto at sabay na pumasok. “ Sorry kung na-late ako." “Wag kang magsorry, Sein. Ilang minuto lang ang pagitan nating dalawa. Sige umupo kana diyan.” aya sa kaniya ng binata. At agad na nagtawag ng waiter ang binata. “ Bigyan niyo nga kami

