Third Person's POV Pagkatapos maikulong ni Adam ang tatlong tauhan ng kaniyang asawa na si Amelia. Nasa puder ni Adam ang kapatid ni Sienna na si Chloe kasama ang asawa't anak nito at ang anak nila ni Sienna na si Amero. Kaniya itong dinala sa isang resthouse kung saan siya lamang ang may alam. Hindi iyon alam ng asawa niya at ng kaniyang ama. “ Dito muna kayo pansamantala, hindi nila kayo dito matutunton. ”saad ni Adam sa mga ito. Ang mga mata ni Zao ay namumugto dahil hindi manlang niya nailigtas ang kanyang mama. “ Salamat, Mr. Rodriguez dahil tinulungan mo kami.”ani pa ni Chloe habang kalong-kalong niya ang kaniyang anak. Naghire ng private security si Adam para sa kaniyang anak na si Amero at sa mga kasama nito. Agad na nagpaalam si Adam pagkatapos niyang maihatid ang kapatid ni

