Third Person's POV Nilapitan ni Sienna ang kaniyang anak na si Amero. “ Anak pwede bang doon ka muna sa kwarto mo, mag- usap lang muna kami ng papa mo.” mahinang pakiusap ni Sienna sa anak at agad naman itong sumunod sa kaniya. “ Wag mong paalisin si papa, mama ah? Babawi pa siya sa akin eh,”bilin pa ng anak niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Sinigurado muna ni Sienna na nakapasok na ang anak niya sa loob ng bahay bago kinausap si Adam. “ Hoy, ikaw bakit kapa nagpakita sa amin ng anak mo? Hindi ba't ni-reject muna siya noon?”sumbat ni Sienna dito. Hanggang ngayon ay hindi parin maintindihan ni Sienna ang binitawang salita nito sa kaniya nung nakipagkita siya kay Adam ngunit ni-reject lamang siya nito at inunsulto. “ Alam kong bahay mo ito, kaya aalis kami dito ng anak ko. ”na

