CHAPTER 8

686 Words
George's POV Nakatingin lang ako sakanya habang mahimbing siyang natutulog. Ang cute niyang tignan kasi para siyang pitus, nakabaluktot pa yung katawan niya. Mukhang napagod nga siya. Hinahaplos ko lang yung buhok niya habang matiim akong nakatingin sakanya. Napagdesisyonan ko na maligo na, tumayo na ako at dumeretso papuntang banyo. Pagkalabas ko natutulog pa din siya. Napangiti ako bigla. "Mukhang pinagod ko yata siya ng sobra." Sabi ko sa sarili ko. Nagtungo ako sa closet ko at nagbihis, napatingin ako bigla sa orasan. 9 pm na pala. Lumapit ako kay Hannah at niyugyog siya sa balikat. "Hmm." Mahinang daing nito. "Honey, wake up. Ihahatid pa kita." Sabi ko. Umupo naman siya pero nakapikit pa din siya, tahimik lang akong nakamasid sakanya. Inipit niya yung buhok niya, nakita ko tuloy yung mga namumulang marka na ginawa ko sa leeg niya. "Damn, honey. You looked beautiful." Biglaang sabi ko. Tumayo ito pero mabilis na napaupo siya. Lumapit ako sakanya at tinignan siya. "What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ang sakit, george." Mahinang sabi niya. "Anong masakit?" "Yung lower part ko. Kainis ka naman ee." Sabi nito at humilig sa balikat ko. Ipinalupot ko yung braso ko sa bewang niya. "Ibibihis na lang kita. Okay?" Tumango ito at umalis sa pagkakaunan niya sa balikat ko. Kinuha ko yung uniform niya at ipinasuot sakanya. Nang matapod niya hinaplos ko yung buhok niya, na nagugustuhan ko na. "Kaya mo bang maglakad?" Tanong ko. "Itatry ko." Sagot nito. Tumayo na ito at nagsimulang naglakad pero nakakailan pa lang siya ng bigla siyang mapahawak sa braso ko. Napabugtong hininga na lang ako at binuhat siya. Tahimik naman itong humilig sa dibdib ko habang buhat ko siya pababa ng hagdan. "Why do you just stay here?" Tanong ko habang pasulyap na tumitingin sakanya na nakapikit ngayon. "Hindi pwede, you know my dad. Specially Aaren and Kuya Jacob." She said. Lumabas na kami at ng makalapit kami sa kotse ko, pinaupo ko siya sa passenger seat. Pumunta ako sa kabilang pwesto at mabilis na binuksan yung makina ng kotse. Habang nasa biyahe kami, biglang tumunog yung phone niya. "Sino yan?" Tanong ko, habang nagmamaneho pa din. Tumingin sakin si Hannah. "Si Frank." Bigla tuloy nagsalubong yung kilay ko dahil sa sinagot niya. Hindi ko maiwasan na hindi mainis. "Ano naman kailangan ng putang-inang yan?" Inis na tanong ko. "George! Bibig mo!" Inis na suway nito. "Hello?" Sinagot niya pala yung tawag ng lalaking yon. "Anong ofas?" Rinig na tanong ni Hannah. "Osige salamat." Sabi ni hannah, bago ibinaba yung tawag. "Ano daw yung kailangan niya?" Tanong ko. "May seminar kami bukas." Sagot nito. "Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit. "Bakit naman ang dami mong tanong?" Balik na tanong nito. "So? I'll just want to know. You're mine now." Tumingin ako sakanya. "Si Frank lang." Mahinang sagot nito pero narinig ko pa din. "What? No! Hindi ka sasama." Sabi ko. Nang makarating kami sa mismong harapan ng bahay nila, hindi ko kaagad siya pinababa. Humarap siya sakin. "Baliw, hindi pwede." Sabi niya. Inalis ko yung seatbelt ko at hinawakan siya sa kamay. "Please honey, don't go." Pakiusap ko. Umiling siya. "Hindi talaga pwede, George. I'm sorry." Sabi nito. Niyakap niya ako, kaya yumakap ako sakanya pabalik kahit labag sa loob ko na aalis siya bukas kasama yung Frank na yon. "Paano ba yan, edi hindi kita makakasama bukas?" Tanong ko. Tumango siya. "Oo, bukas lang naman. Tapos okay na, babawi ako." Sabi nito. Napangiti ako dahil sa sinabi. "Okay, aasahan ko yan." Nakangiting sabi ko. Ngumiti ito. "Oo nga po." Sabi nito. "Mag-iingat ka sa pupuntahan mo, dapat hiwalay yung hotel room mo sa lalaking yon." Abilin na sabi ko. "Opo, Sir." Pabiro na sabi nito. Hinalikan ko muna siya noo, pababa sa labi at mabilis naman itong tumugon. Nang maghiwalay yung labi namin, matiim akong tumingin sakanya. "Call me when you get back after your seminar." I said while looking to her. "I will." She said, bago siya bumaba. Hindi ako kaagad umalis, nang makita ko na nakapasok na siya sa loob niya saka ko lang pinaandar yung sasakyan ko paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD