Hannah's POV
Iba tong nararamdaman ko para kay George.
Nagbibigay pa din siya ng motibo hanggang ngayon. Yung mga gestures niya, pag umaalis ako o hindi kaya kung anong suot ko dapat ipaalam ko o alam niya dapat, o kaya kung may kasama ako dapat kilala niya.
Ewan, nahuhulog na ako sakanya. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang hindi makaramdam ng ganito.
Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa ako nagpapakita kay George, o kahit magparamdama sakanya hindi ko ginawa.
Nasa mall kami ngayon ni Brandon, habang tumitingin kami ng damit, hinila ako ni brandon kung saan na lang.
"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sakanya at nagpahila na lang.
"Sa Blue Magic, bibili tayo ng bear." Sagot nito, habang hinihila pa din ako.
"Para kanino? Sa nililigawan mo?" Nagtatakang tanong ko pa din sakanya.
"Sayo, matagal na since hindi ako dumadalaw sainyo kaya baka magtampo kayo especially si Tita Timmy."
"Asus, bumabawi ka talaga?" Nantutukso na tanong ko.
"Oo naman. Kaya nga nagstay muna ako sainyo, right? Ibili na din natin ng laruan si Jaden." Sabi nito.
Magsasalita na sana ako ng magvibrate yung phone ko. Pagkakita ko sa phone ko, parang bigla akong kinabahan at parang biglang bumilis yung t***k ng puso ko.
'Magpahawak ka pa sige lang. Pag hindi pa tinanggal yung pagkakahawak sayo, maybe my fist will land to his damn face!' – George
Dali-dali kong tinanggal yung pagkakahawak ni brandon sakin. Baka kasi bigla na lang magkagulo.
"Bakit? May problema ba?" Nagtatakang tanong nito.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "W–wala naman."
Naramdaman ko nanaman na nagvibrate yung phone ko, kaya tinignan ko ulit.
'Don't smile at him! Damn it!' – George
Tumingin ako sa paligid pero wala naman siya. Nasaan siya?
"Asus, tara na." Anyaya ulit nito at hinawakan pa din ako sa braso.
Hanggang may humila sa braso ko, pagkatingin ko si George. "Geor—" hindi ko natapos yung pagtawag ko ng singhalab niya ako.
"Tumahimik ka!" Mabagsik na sabi nito. Napatahimik tuloy ako.
"Bro, anong problema?" Nagtatakang tanong ni Brandon.
Lalo akong nabigla ng suntukin ni George si Brandon.
Lalapit na sana ako kay Brandon ng tinignan ako ng masama ni George. "Sige lumapit ka pa, hindi lang yan ang aabutin niya." Pagbabanta nito.
Tumingin ako kay Brandon, nakahiga pa din ito sa sahig habang may nakarehistrong pagtataka sa mukha niya.
Hinila ako ni George papalabas ng Mall.
Nang makararing kami sa parking lot, tumigil kami.
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?!" Singhal na tankng ko.
"f**k! Kaya ba hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko sayo simula nung nakaraang araw dahil may kasama kang ibang lalake?!"
"Yung bibig mo! Ilan beses ko nang sinabi sayo na walang magmumura!" Inis na sabi ko sakanya.
"You don't f*****g care if I cursed a lot!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "I care! At pwede ba, bago ka manuntok ng tao alamin mo muna kung sino siya. Jusqo! Pinsan ko yung sinuntok mo, mahihighblood ako sayo."
Natahimik si George. "Isang selos mo pa sa maling tao, susuntukin na kita." Sabi ko.
Umalis na ako, pero hindi pa ako nakakalayo pero may yumakap mula sa likod ko.
"Honey, I'm sorry please. Hindi ko naman alam na pinsan mo siya."
Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin at humarap ako sakanya. "Ewan ko sayo, hindi mo naman ako hinayaan na magpaliwanag man lang." Naiinis na sabi ko sakanya.
Nang makita ko si Brandon, lumapit ako sakanya.
"Honey, I'm so sorry please." Paghinggi pa din niya ng sorry pero hindi ko siya pinansin.
Sumakay na kami ng kotse, habang nasa biyahe kami nagsalita ako.
"Brandon, sorry sa ginawa ko George." Paumanhin ko.
"Okay lang, ano mo ba siya? Nagawa niya pa akong suntukin ng ganon kalakas."
"Friend lang." Sagot ko.
Wala naman level yung samin di ba? Wala naman kami.
"Pinagloloko mo ba ako, Hannah? Walang lalaking manununtok ng ganon kung kaibigan lang. Ramdam ko na may namamagitan sainyo ng lalaking yon. Lalaki din ako kaya alam ko." Sabi nito.
Natahimik tuloy ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.