CHAPTER 11

563 Words
Hannah's POV Pagkalabas ko sa kotse ni George, nauna akong lumabas sakanya, nang makapasok ako sa loob ng date naramdaman ko na lang may humawak sa bewang ko. Hindi ko na kailangan na tignan pa, dahil alam ko naman kung sinong susunod sakin. Nasa kalagitnaan kami sa labas ng bahay ng pinigilan niya ako dahilan para nagtatakang tumingin ako sakanya. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko. Yumakap lang ito sa bewang ko at nagsumiksik sa leeg ko. "Kinakabahan ako." Bulong nito. Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. "Ngayon ka kinabahan?" "Anong magagawa ko? Kinakabahan nga ako. Makakaharap ko na yung daddy mo nyan ulit. Iba ngayon." Sagot nito habang nakayakap pa din sakin. Naramdaman ko na lang na may basang lumalapat sa leeg ko. "Ayan ka na naman aa. Mamarkahan mo na naman ako." Sabi ko sakanya. Hindi ito nagsalita at patuloy lang sa ginagawa niya. Napapikit ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko. "G–george." Daing ko habang napahawak sa buhok niya. Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at napatingin sa leeg ko na may ngiti sa labi niya. "There. Much better." Sabi nito habang inaayos yung buhok ko. Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. "George, napadalaw ka." Magiliw na sabi ni mommy. "Yes tita, tinawagan ako ni Hannah." Sabi nito at tumingin sakin. Ngumiti ako sakanya bago tumingin kay mommy. "Mom, punta lang kami sa dinning area." Sabi ko bago Iginaya ko siya papunta sa dinning area at pinaupo. Kumuha ako ng plato at inilagay iyon sa harapan niya. "Ikaw ba ang mag-aasekaso sakin?" Nakangiting tanong nito. "Oo." Sagot ko. Inabot ko yung chicken roll at inilagay sa plato niya. "Magkakanin ka ba? O pasta?" Tanong ko. "Pasta na lang." sagot nito, kaya inabot ko yung carbonara at binigyan yung plato nito. "There you go. Kumain ka na." Sabi ko. Nagulat na lang ako ng hinila niya yung braso ko dahilan para mapaupo ako sa hita niya. "G–george." Patayo na sana ako ng pigilan niya ako. "Dyan ka lang. Habang kumakain ako." Sabi nito. "Baka may makakita sakin, lalo na si kuya o si aaren lalo naman si dad." Sabi ko. "It's okay, wala naman sila e." Sabi nito. Huminga muna ako ng malalim. "Fine." Pagsuko ko at hinayaan siya. Nakangiti ito habang kumakain. Inilapit ni George yung tinidor na may carbonara sa bibig ko. Umiling ako. "Busog pa ako." Sabi mo. "Sige na, isa lang." sabi nito at inilapit lalo sa bibig ko kaya binuka ko yung bibig ko at tinanggap yung carbonara. Ngumuya ako habang nakatingin sakanya. "Isa lang okay? Wala ng susunod." "Opo, Ma'am." Natatawang sabi nito. Nakatingin lang ako sakanya habang kumakain ng may biglang tumikhim dahilan para magulat ako at napatingin sa gawi na iyon. "K–kuya." Nautal na tawag ko ng makatayo ako pati na din si George. "What is the meaning of this?" Seryosong tanong nito. "K–kuya. W–wala ito." Nautal na sagot ko. Tumingin si Kuya sa gawi ni George na nasa tabi ko na habang nakahawak sa bewang ko at napadako ang tingin ni kuya doon sa kamay niya. "After you eating, you'll come in garden." Matigas na sabi nito bago kami iniwan. Para akong nanghihina na napaupo sa sahig. Umupo si George upang magpantay kami. Tumingin ako sakanya. "W–what now?" Natatakot na tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD