Nanghihina pa din ako, dahil na din sa gulat na nahuli kami ni Kuya. I know Kuya very well at tiyak na galit iyon.
No one dare to come near me since highschool to college.
"Don't be scared. I'll talk to him after finish my food." Sabi niyo at dahan-dahan akong tinayo saka niyakap.
Yumakap ako pabalik sakanya. Yung kamay niya na humahaplos sa likod ko, nakaramdam ako ng pagkalma.
Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at pinaupo ako sa tabi niya habang hawak yung kamay ko, saka ipinagpatuloy yung kinakain niya.
"What if saktan ka ni kuya? George, natatakot ako. Ayokong masaktan ka niya." Natatakot na pahayag ko.
"Kung saktan man ako ng kuya mo. Magpapaliwanag ako sakanya, I know he understand us. Okay? Don't be scared."
Tumango ako at mahigpit na humawak sa kamay niya. "Pag pumunta ka sa garden, susunod ako kaagad." Sabi ko.
Hindi na ito nagsalita hanggang matapos siyang kumain. Tumingin ito sakin. "Pupuntahan ko na muna yung kuya mo." Pagpaalam nito bago tumayo at hinagkan ako sa noo.
"Mag-iingat ka kay kuya." Paalala ko bago siya hinayaan na umalis.
Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Sa amin kasing tatlong magkakapatid mas kinakatakutan ko si Kuya knowing he's my twin brother. Mas mahigpit kasi siya kumpara kay Aaren.
George's POV
Nang makarating ako sa garden, mabilis na humarap sakin si Jacob na napakaseryoso na nakatingin sakin.
"What the meaning is that?" Pambungad na tanong nito.
Matagal ko ng kaibigan si Jacob pero pangatlong beses ko pa lang nakita na ganito yung expression ng mukha niya at ang kinikilos niya.
"I like your twin sister no scratch that I love your sister." I said.
Honestly speaking, matagal ko na tong nararamdaman kay Hannah, hindi lang to atraksyon.
"Hindi ba binalaan na kita?" Seryosong tanong nito at mabilis na lumapit sakin.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong suntukin. "Huwag ang kapatid ko." Mabangis na sabi nito at sinuntok ulit ako sa pisngi.
Para akong nakaramdam ng hilo dahil sa lakas ng suntok niya. "I know, pero anong magagawa ko? Mahal ko ang kapatid mo." Sabi ko sakanya.
Hindi ko siya makuhang gantihan hindi dahil sa kaibigan ko siya, kundi dahil kapatid siya ng babaeng mahal ko, pero bago pa man niya ako masuntok ulit may nag-awat na samin.
Si Hannah.
"Kuya, what are you doing?" Tanong nito at masamang tinignan ang kuya niya.
Tumingin sakin si Hannah na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Lumapit ito sakin. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
"Yeah, I'm okay." Sagot ko at tumingin kay Jacob na seryoso pa din hanggang ngayon.
"Hindi ba pwedeng mag-usap kayo kuya? Na walang sakitan." Sabi nito.
"Nag-usap nga kami." Sabi ni Jacob.
"Pero sinuntok mo siya." Galit na sigaw ni Hannah.
"Don't rase your voice on me, kuya mo pa din ako." Seryosong sabi ni Jacob.
Napayuko bigla si Hannah. "I'm sorry kuya." Paumanhin nito.
"Don't do it again." Seryoso pa din na sabi nito at tumango naman si Hannah.
Tumingin sakin si Jacob. "Sa oras na nalaman ko na sinaktan mo si Hannah, hindi lang yan ang makukuha mo." Babala na sabi nito.
"Okay." Iyon na lang ang naisagot ko.
Magsasalita na sana si Jacob ng biglang dumating si Tito Eli dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"What's happening here?" Seryosong tanong ni Tito Eli.