Para kaming natahimik dahil sa tanong ng daddy ni Hannah.
"Nothing dad." Sagot ni Jacob.
Napadako naman ang tingin ni Tito Eli sa labi ko. "Nagsuntukan ba kayo?" Seryoso pa din na tanong ni Tito.
"Yes dad. Patikim pa lang yan." Sagot ni Jacob.
"Kuya!" Galit na sigaw ni Hannah dahilan para magulat kami.
"What?" Painosente na tanong ni Jacob.
"Hannah, don't rase your voice. He's still your older brother." Sabi ni Tito.
Tumingin si Hannah sa daddy niya. "Si Kuya kaya dad! Sinuntok niya si George. Damn it!"
Ang ikinagulat ko ng biglang sampalin ni Tito si Hannah. "Don't use that word on me, Hannah Aria!" Galit na sabi ni Eli.
"Dad." Iyon na lang ang nasabi ni Jacob.
Nakita ko kung paano lumambot yung expression ni Tito, lalapitan na sana ni Tito si Hannah pero humakbang ito paatras sakanya.
"I'm sorry hannah, I didn't mean to." Paumanhin ni Tito.
Umiling lang si Hannah at hinawakan ako sa kamay bago hinila papasok sa loob ng bahay nila.
Nakasalubong naman namin si Tita Aria. "What happen to your face?" Nag-aalalang tanong ni Tita.
Umiling si Hannah bilang sagot. "N–nothing, mom." Sagot nito pero nabasag yung boses niya dahil sa pagpipigil.
Iniwan niya kami at umakyat siya. Napatingin sakin si Tita. "What happen to her?" Nag-aalalang tanong ni tita.
"Nasampal po ni Tito, hindi man po sadya ni Hannah na napamura siya dahil sa galit." Paliwanag ko.
"Damn you eli!" Galit na bulong ni Tita pero narinig ko pa din.
"First time na pinagbuhatan niya ng kamay si Hannah! Sige na puntahin mo muna si hannah at gamutin mo yung labi mo, may sugat. Magtutuos muna kami ng asawa ko." Sabi nito bago ako iniwan.
Umakyat ako at mabilis na pumunta sa kwarto ni Hannah at nilock yung pintuan.
Nakita ko siya na nakadapa sa kama. Tahimik na inalis ko yung sapatos ko at humiga sa tabi niya.
Pinaharap ko siya at nakita ko kung paano namumula yung mata niya. "I'm sorry hannah, dahil sakin napagbuhatan ka ng kamay ng daddy mo."
Umiling ito at ngumiti, alam ko na hindi totoo ang ngiti niya. "Don't use that kind of smile."
Pinunasan ko yung luha niya. "I'm sorry george, nang dahil sakin kaya ka nasuntok ni Kuya. Nagalit ako kasi ayokong may manakit sayo, hindi ko napigilan yung sarili ko na magalit kaya hindi ko nakontrol." Umiiyak na sabi nito.
Niyakap ko siya at hinaplos yung buhok niya. "It's okay, dapat nga ako yung humingi ng sorry dahil sakin kaya ka nasaktan."
Tumingala ito sakin at hinalikan ako sa labi pero napadaing ako. "Honey, take it slow. Mahapdi." Natatawang sabi ko.
Pinunasan niya yung luha niya at tumingin sa labi ko. "Sandali lang, kukuha lang ako ng First aid sa ilalim at kukuha na din ako ng cold compress para mawala yung pasa mo. Baka magalit si Tita Cara." Sabi nito bago ako iniwan.
Kusa na lang akong napangiti dahil inaalala niya pa na magalit sakin si Mommy, kaya lalo akong nahuhulog sakanya dahil mahahalahanin siya.