CHAPTER 2

653 Words
Habang nasa biyahe kami, nagtataka ako kung bakit ibang direksyon yung tinatahak namin. "Saan tayo pupunta? Bakit ibang dereksyon tayo pumupunta?" Nagtatakang tanong ko. Narinig ko siyang tumawa, na ikinainis ko. "Anong nakakatawa?" Tanong ko ulit. "Huwag kang mag-alala, ihahatid din kita. Iuuwi lang natin si nathalie." Sabi nito. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay nila nathalie. Inalis ko yung seatbelt at binuksan ko yung pintuan ng passenger seat. Dahan-dahan akong bumaba habang buhat-buhat ko si nathalie dahil baka magising pa siya. Aagawin na sana ni Mr. Bossy na nagngangalan George si Nathalie ng iniwas ko. "Ako na sige, buksan mo na lang yung pintuan ng bahay nila nathalie." Pahayag ko. Wala naman siyang nagawa kundi ang buksan yung pintuan. Sumalubong samin yung mama ni nathalie pati na din yung babae na mukhang kaedad lang ni mommy. "Good afternoon teacher hannah, buti napapunta ka dito?" Tanong ni linna. Mommy ni nathalie. Ngumiti ako sakanya, saka ipinasa ang pagkakabuhat kay nathalie. "Masyadong pormal pag teacher hannah, pangalan ko na lang itawag mo." Natatawang sabi ko. "Saka nagpumilit si nathalie, kaya wala na akong nagawa." Dagdag ko. Tumingin ako sa ginang na ngayon ay nakatingin sakin. "Good Afternoon po Mrs?" "You can call me Tita Cara, much better." Nakangiting sabi nito. "Ako naman po si Hannah Aria Walton." Pagpapakilala ko. "Are you related to Mr. Landon Eli Walton?" Tanong niya. Umupo kami habang si george umupo sa tabi ko pero sobrang dikit naman niya. "Huwag kang masyadong dumikit." Pabulong ko. Mukhang hindi siya nakinig dahil hindi siya lumayo, ang kulit. "Daddy ko po siya." Sagot ko kay tita cara. "Kaya naman pala sobrang may pagkakahawig kayo, masaya ako dahil nakita ko na ang anak niya." Nakangiting sabi nito. "Bakit po tita?" "Kaibigan ko siya, hija." Sabi niya. "Po? Bakit hindi ko po kayo nakikita na dumadalaw sa bahay?" "Naging busy kasi ako, lalo na ang asawa ko." Sagot ni tita. "Ganon po ba? Dumalaw po kayo minsan tita." Sabi ko. "Oo sige, pag hindi na busy hannah." Tumingin ko sa relong pambisig ko. "Oras na po pala tita, kailangan ko na pong umuwi." Pagpapaalam ko. "O sige, mag-iingat ka hannah." Sabi ni tita saka tumingin kay george. Tumayo na ako at inayos ang uniporme na suot ko. "Ihatid mo na siya george, tapos umuwi ka na sa bahay mo." Sabi ni tita. "Para naman ayaw niyo na ako dito ma." Sabi ni george. Natawa si tita cara dahil sa sinabi ni george habang ako nagpipigil ng tawa. "Hindi sa ganon, umuwi ka na at magpahinga. Alam ko na pagod ka galing trabaho." Sabi ni tita. "Okay ma." Sabi nito saka tumayo na din siya. Nauna na akong lumabas pero nahabol pa din niya ako at ipinagbuksan ng pintuan. "Salamat." Sumakay na ako at siya naman ay pumunta sa kanila. Sinabi ko din yung address ng bahay namin. "Kahit hindi mo sabihin, alam ko yung address ng bahay niyo." Sabi nito. Palihim na lang akong humirap. "Yabang." Bulong ko, pero tumawa lang siya. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay. "Thank you. Ingat sa pag-uwi." Sabi ko. Pababa na sana ako ng pigilan niya yung braso ko dahilan para magtaka ako. "M-may problema ba?" Nauutal na tanong ko. Hindi siya sumagot pero nagtaka ako ng bigla niyang ilapit yung mukha niya at hinalikan ako sa labi. Humiwalay na ito pero nakatingin pa din siya sakin. "Bakit mo ginawa yon?" Tanong ko ng makaget over ako sa halik niya. "Gusto ko lang." sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin at sinabunutan bago padabog na umalis sa kotse niya. George's POV Natawa at napailing na lang ako habang nakatingin sakanya na papasok sa gate ng bahay nila. Inayos ko muna yung buhok ko dahil sa ginawa niyang pagsabunot. Siya lang ang nakagawa nito. "You will be my addiction, hannah. You will trapped on me, kahit saan ka magpunta nandoon lang ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD