Kasalukuyan akong nakahiga dahil wala akong pasok ngayon dahil sabado.
Si kuya may pasok ng sabado pero pag linggi naman wala, nakakainis din kasi si kuya minsan hindi man lang niya inaasikaso si jaden, magmula ng mamatay si ate christina.
Si Aaren naman, ewan ko ba kung nasaan siya ngayon. Hinsi naman kasi yun umuuwi sa condo niya.
Bumangon na ako at naligo, matapos kong maligo. Nagbihis na din ako, nagpatuyo na lang ako ng buhok.
Pagkababa ko sumakto naman na dumaan si dad at may hawak na makakapal na files, nagtataka din ako nang huminto siya sa harapan ko.
"Princess, pwede ba kitang suyuin na pakibigau sa kuya mo?"
"Okay lang po dad." Sabi ko at ibinigay niya naman yung files sakin.
"Thank you princess." Nakangiting pagpapasalamat nito.
"Welcome dad."
Lumabas na ako ng makita ko si tatay goryo. "Tay, pwede niyo po ba akong ihatid?"
"Osige, saan ka ba pupunta?" Tanong nito.
"Sa company lang po tay." Sagot ko saka niya ako pinagbuksan ng pintuan.
"Salamat tay." Ngumiti siya at sumakay na sa driver seat ng biglang bumukas yung pintuan sa passenger seat.
Sumakay si kuya david, taga bantay namin noon ni kuya nung high school at college.
"Kuya, anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Kasama ako, pinapasabi sakin ni Sir Eli." Sabi nito.
"Osige. Si dad talaga oh." Napapailing ngunit nakangiting sabi ko.
Si kuya david, hindi naman nalalayo yung edad niya samin. Para na din pamilya yung turi namin sakanya.
Habang nasa biyahe kami, biglang tumunog yung favorite ko.
"Mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo ohhh!" Pagsunod ko sa kanta.
"Ang ganda talaga ng boses mo hannah." Papuri ni kuya david. Habang si tatay goryo nakangiti lang.
"Salamat kuya."
Pagkarating namin sa company, dumeretso ako sa top floor. Nung nasa mismong floor na ako dumeretso ako sa secretary ni kuya.
"Gemma, nandyan ba si kuya?" Tanong ko.
"Oo ma'am hannah, kausap niya si Mr. Swift pero pwede ka naman pumasok." Sabi niya.
"Salamat gemma." Nakangiting pagpapasalamat ko.
Binuksan ko yung pintuan na dapat hindi ko na lang ginawa, dahil nandoon yung kinaiinisan ko.
"Hannah, what are you doing here?" Nagtatakang tanong ni kuya.
Lumapit ako saka hinalikan si kuya sa pisngi. "Pinasuyo ni dad." Sabi ko saka inabot sakanya yung files.
"Salamat." Sabi nito.
Tumingin ako kay george na ngayon ay nakatingin sakin. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Bawal ko bang bisitahin yung kaibigan ko?" Pasungit na tanong nito.
Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. "Alam ko bang may kaibigan si kuya na pabossy?"
"Don't tell me magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni kuya.
"No/Oo." Sagot namin.
Napa'tsk' na lang siya, magsasalita na sana siya ng may biglang kumatok at binuksan yung pintuan.
Si kuya david lang pala. "Hannah, tara na. Hinahanap ka na nang mommy mo." Sabi nito.
"Sunod na lang ako." Sabi ko sakanya, tumango ito at nagpaalam na bababa na siya.
Bumaling ako kay kuya at george pero yung tingin niya ang sama pati aura niya iba.
"Kuya alis na ako." Paalam ko.
"Take care." Sabi nito. Tumango ako at lumabas. Sumakay na ako ng elevator, pasara na sana yung pintuan ng biglang may nagharang ng kamay at bigla na lang pumasok si george.
Lumapit siya sakin pero humakbang ako papalayo sakanya. Lumapit pa din siya at hinatak niya ako sa bewang.
"A-ano ba, lumayo ka nga." Sabi ko habang pilit na tinutulak siya.
Mukhang wala lang sakanya na itulak ko siya. "Sino yun? Sino yung lalaking yun?" Diin na bawat tanong niya.
"N-nagtatrabaho siya kay dad." Nauutal na sagot ko.
"Akala mo papalagpasin ko yung ginawa mong pagirap sakin? Pwes hindi." Sabi nito.
Yumuko diya at hinalikan ako sa leeg at kinagat dahilan para mapadaing ako.
"Ahh! Tumigil ka nga." Sabi ko, pinatigil ko siya at buti nagtagumpay naman ako.
"Don't you ever do taht, ito lang ang tatandaan mo kahit saan ka magpunta nandoon ako at palaging nakadikit sayo." Sabi nito.
Sumakto naman bumukas na yung elevator, lumabas na ako pero alam ko na nakasunod pa siya.
Nakita ako ni kuya david, kaya umalis ito sa pagkakasandal sa kotse, pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Salamat kuya david."
Sumakay na ako at sumunod na sumakay si kuya david.
Tumingin ako kay george na sobrang sama ng tingin kay kuya david. Napailing na lang ako. "Anong problema non?" Bulong na tanong ko sa sarili ko.
Namg makarating kami sa bahay, dumeretso ako sa sala at umupo.
Nakukunsumi ako kay george!
Lumapit sakin si mommy ng makita niya ako, umupo siya sa harapan kox
"Anong nangyari sa leeg mo?" Tanong nito.
Bigla tuloy akong napahawak sa leeg ko, nang maalala ko yung ginawa ni george, wag niyang sabihin na nagmarka at namula tong ginawa niya?
"Wala po 'mmy nakamot ko lang." pagdadahilan ko. Buti na lang at mukhang naniwala siya.
Humanda ka sakin! Titirisin kita Mr. Bossy!