Break time na nung biglang lumapit sakin si Nathalie.
"Teacher, pinapabigay po ni tito." Sabi nito at may binigay na flowers na tulips.
Bigla tuloy bumilis yung pagtibok ng puso ko. 'Ano ba naman hannah! Masyado naman mabilis tong nararamdaman mo' sabi ko sa sarili ko.
"Salamat nathalie, pero para saan daw?" Tanong ko.
Nagkibit balikat ito. "Wala po siyang sinabi ee." Sabi nito.
"Ganon ba? Pasabi sa kanya salamat." Sabi ko. Tumango ito at iniwan ako.
Napatingin ako sa tulips na ibinigay sakin ni george. Para saan naman to? May ginawa pa siya hindi maganda sakin.
Lumipas ang tatlong oras ng uwian na. Kinandado ko na yung classroom at dumeretso sa gate, sakto naman na may humintong sasakyan sa harapan ko.
Sumilip ako at nakita ko yung ayaw kong makita. "Get in." Pautos na sabi nito. Sumunod ako sa sinabi niya.
Habang nasa biyahe kami kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! Para saan naman yon?"
"Para yon sa pag-utos mo at para yon sa pagmarka ng leeg ko." Kinurot ko ulit siya.
"Isa! Nakakadalawa ka na." Daing nito.
"Tama lang sayo yung ginawa ko, pero Salamat sin pala sa binigay mo."
"Grabe ka naman, kinurot mo ako, sobrang sarap ah!" Sarkastikong sabi nito.
Itinaas niya yung shirt na suot niya at nakita ko yung markang kinurot ko sakanya, sobrang namumula.
Bigla tuloy akong nakunsensiya. "I'm sorry." Sabi ko habang hinahaplos yung bewang niya.
"Okay lang." Sabi niya, pero hinahaplos ko pa din yung bewang niya dahil sa pamumula ng kinurot ko sakanya.
"f**k! Tigilan mo na yan, baka may magising bigla. Sige ka." Dagdag na sabi nito.
Bigla tuloy akong namula dahil sa sinabi niya kaya lumayo na ako sakanya.
Narinig ko siyang mahinang tumawa.
Pagkarating namin sa harapan ng bahay, humarap ako sakanya. "Salamat, ingat sa pag-uwi." Sabi ko at bumaba sa sasakyan niya.
Bago niya ako pinababa kanina, kinuha niya yung phone number ko.
Pagkapasok ko nang bahay, nakita ko si Aaren na para bang hinihintay ako.
Lumapit siya sakin. "Ate sino yon? Bakit hinatid ka niya dito?"
"Si george ba? Kaibigan ko lang siya." Sabi ko.
Kaibigan ba? Kailan ko pa siya naging kaibigan?
"Hanngang duon lang ate." Sabi nito at iniwan ako.
Napangiti na lang ako, ganon talaga si Aaren over protective.
Dumeretso ako sa kwarto ko, nagpalit na din ako ng damit at humiga. Sumakto naman nagvibrate yung phone ko.
*Unknown Number*
'Save my number' ~George Taylor
Sinave ko naman yung number niya. Makulit din kasi to.
To George:
'So Bossy!'
From George:
'Sanayin mo na ang sarili mo na ganito ako'
Napailing na lang ako at hindi na siya nireplayan dahil pagod na ako. Kailangan ko munang magpahinga.