CHAPTER 5

384 Words
Lumipas ang ilan linggo, palaging may inaabot na tulips si nathalie. Ewan ko ba para bang palaging bumibilis yung pagtibok ng pusok ko sa tuwing binabanggit ni nathalie na galing daw sa tito niya yung tulips. Nasasanay na tuloy ako sa mga ginagawa niya, baka palagi ko tong hanapin dahil sinasanay niya ako. Tapos palagi ko pa siyang kasama o di naman kaya pumupunta kami sa bahay niya. "Hannah, lutang ka na naman." Sambit ni sofia. Napatingin ako sakanya. "Sorry phia." Paumanhin na sabi ko. "May bumabagabag ba sayo? Do you mind to share? Makikinig ako." Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay sofia. Ako na yung nag-adjust dahil nakawheelchair siya. "May tao kasing gumugulo sakin." Panimula ko. "Yung tipo na palaging nandyan, palaging nakadikit, tapos pinagseselosan pa niya si kuya david, pati pinsan ko na si brandon nasuntok niya, kahit kapatid ko napagselosan niya." Natawa ito dahil sa sinabi ko. "Sino ba yon?" Tanong nito. "Si George Taylor." Sagot ko. "Hindi ba pumapangalawa siya sa pinakamayaman na businessman sa Asia? Tapos top 1 yung kuya mo." "Oo siya nga, ewan ko ba magmula kasi nung sinundo niya si nathalie parang gumulo yung tamihim na buhay ko." Sabi ko sakanya. "Okay lang yon, malay mo siya na pala di ba?" Sabi ni sofia. "Eh! Mukhang malabo, saka palaging inaamoy yung leeg ko para siyang ewan." Kwento ko. "Nagtaka ka pa, rosecent addiction yung pabango mo, kaya pati siya naadik na sayo." Natatawang sabi nito. Wala akong naisagot dahil doon kaya tumahimik na lang ako. "Natameme ka yata? Tama ako no?" Tumango ako. "Hayaan mo na siya, saka baka yan na nga talaga hannah." Sabi pa nito. Ngumiti lang ako ng tipid sakanya. "Tignan natin." Sabi ko. Masyado kasing mabilis yung pangyayari para samin ni george. Habang nakikipagusap ako kay hannah, nagvibrate naman yung phone ko pagkakita ko kung sinong nagtext bigla akong napasimangot. From Greogre: Susunduin kita after class. I miss you "Sino yan? Makasimangot ka naman wagas." "Si george, susunduin niya daw ako mamaya." Sagot ko. Ngumiti lang siya pero kaagad din nagsalita. "Ayon, ayan na yan." Pasenyas na sabi nito bago lumabas ng classroom. George, konti na lang talaga baka mahulog na ako sayo kahit para bang sobrang bilis ng pangyayari sakin. Hindi mo ako masisisi kung ganito ang mangyayari satin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD