Kabanata 31 Halik Hindi kami nagpapansinan hanggang sa sumapit ang tanghali. Laking pasalamat ko nang dumating si Mike na may dalang supot ng pagkain. "Hello engineer!" bati niya sa akin. Nasa pang limang walkie talkie na ako o mas kilala sa lugar na ito na handheld transceiver o HT. "Magandang tanghali Sir!" bati ko din sa kanya. "May dala akong pagkain. Luto ito ng aking asawa." Aniya sabay lagay ng supot ng pagkain sa aking mesa. Kumunot ang noo. Gusto ko sanang magtanong kung bakit pero pinili ko na lang ang magpasalamat. "Thanks!" "Kamusta ang gawa mo?" "Ikalima na po ito. Nai-connect ko na din ito sa main natin." "Magaling. Let's try this later. By the way, nailibot ka ba ni John sa buong building?" Napailing ako sa kanyang tanong. "Hindi po Sir. Binigyan lang niya ako n

