"NANDOON si Mama sa shop nina Tita Anne. Puntahan mo na lang.” Bakit ba nandito siya? Para sana hindi siya ma-bored, eh, pinuntahan niya na lang si Ate Carmie. Naka-uwi na kaya 'yon! Nauna pa nga siyang umuwi sa bahay. Hindi kaya dahil kay Kuya Achill? Expected namin na ihahatid siya ni Kuya Achill pa-uwi pero bakit mag-isa lang siya? Hindi naman na namin siya natanong dahil dire-diretso na siya sa kuwarto. Sabi sa amin ni Mama ay 'wag na raw namin guluhin. Kaya malamang hindi rin siya nagulo ni Clare that's why she's here dahil bored daw siya. Sayang, ipapa-kuwento ko sana sa kaniya ang detalyadong pangyayari sa kasal. Hays. Nandito naman si babe ko para magkuwento sa akin so I think that’s fine. Kung sana hindi nakisali si Clare sa amin ni Alvara. May trabaho pa rin siya. Ako lang

