IPINARADA ni James ang sasakyan niya sa parking lot ng mall. Tumingin ako sa kaniya at saka ngumiti, "Dito na lang talaga, please?" Nag-puppy eyes pa ako. Napabuntong-hininga naman siya. "Fine," sabi niya sa akin. “If that’s what my babe want,” dugtong niya pa. Hinawakan ko lang ng mahigpit ang kamay niya at saka ngumiti. Napansin ko na nakatitig lang siya sa akin nang diretso walang emosyon na mababakas sa mukha niya kaya na-freeze ang mga ngiti ko at kumunot ang noo. "May problema ba, babe?" I asked. Hindi pa kami lumalabas ng kotse niya, nakaparada lang kami rito. Imbes na sumagot siya ay niyakap hinila niya ako papalapit at niyakap ako ng mahigpit. "May sakit ka ba?" tanong ko sa kaniya. Dumating siya sa bahay nang naka-tuxedo, buti na lang mayroon siya palaging dalang extra na d

