“WHERE are they? Xander asked. Malapit nang magsimula ang ceremony. Ang tinutukoy niya ay sina Achill. Magkasama sila ngayon. Sinabi naman na sa akin ni Cas na parating na sila rito. "Hintayin na lang natin," Kit Blake said. Napatingin naman sa kaniya si Xander. Mukhang ngayon niya lang napansin na nandito si KB. Mabuti na lang ay itinigil na muli ni Kit ang pag-iinom niya. Iyong huling kita ko sa kaniya ay panay inom na naman. Si KB ay ang kapatid ni Keith Armalana. For us not to get confused, we often called him KB. Ang Keith at Kit kasi ay halos magkatunog lang. Minsan na lang kasi silang magkita-kita dahil sa kaniya-kaniyang business. Buti na lang ako nakikita ko pa rin si Kit Blake, paano? Ako talaga madalas tinatawagan niya kapag gusto niya ng kausap, kahit noon pa. "Ikaw."

