MYMF 041

1672 Words

"PARA kang t*nga riyan.” Napatingin ako kay Olivia. Isang linggo ang tinagal namin sa Texas kasi nahirapan pa kaming pasukin ang HQ nila Logan. Masyadong secured ito and I salute him. They have thousand of men, they are all skilled. Hindi rin ako puwedeng basta-basta na lang pumasok doon lalo na’t alam nilang nasa grupo ako ni Seb. Tsk! Napilitan na talaga akong umalis ng bansa dahil kailangan na raw ako. Akala ko maayos nila Kandlea ang lahat nang makabalik siya sa HQ pero lalo lang lumala ang sitwasyon. Nalaman ko pa na matagal na pa lang may pagtingin si Sebastian kay Kandlea kaya talagang nagalit siya nang malaman niya na matagal na rin pa lang may relasyon si Logan at Kandlea. Nag-away sila at nag-init din ang ulo ni Logan lalo na nang malaman din nito ang ginawa ni Sebastian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD