I AM still in shock over what happened earlier. Grabe iyong lakas ng impact sa akin. Buong akala ko, minahal niya ako no’ng una pa lang. Akala totoo iyong mga sinasabi niya sa akin noon, hindi pala. Akala ko ang dahilan kung bakit niya nagawa iyon ay na-fall out of love siya. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon. Ang totoo pala hindi niya naman ako minahal. Ako lang iyong nagmahal ako lang iyong umasa. Kaya ang tanong, bakit ko nga ba sinagot si James? Sapat na ba ang dahilan ko na gusto ko lang maranasan ang mahalin? Sa tingin ko, hindi sapat ‘yon. Baka nakakalimutan mo, Cassie na nagkaroon ka ng sampung ex. Sa sampung ‘yon, may ilan do’n na minahal talaga ako pero sinayang ko lang. Katulad ni Alvin, pagkatapos ko siyang layuan ay nalaman ko na lang isang araw na lumipat na sila ng

